Piliin ang mga setting ng iyong privacy

Puwede mong mapahusay ang iyong karanasan sa pag-browse gamit ang mga setting ng privacy. Halimbawa, kapag bumisita ka sa isang web page, puwedeng gumamit ang Chrome ng serbisyo sa web para awtomatikong mag-load ng mga page batay sa mga link ng page.

Naka-on bilang default ang karamihan sa mga setting na ito, pero puwede mong piliin kung alin ang gusto mong i-on o i-off.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Privacy at seguridad," piliin kung aling mga setting ang io-off.
    • Para kontrolin kung paano pinapangasiwaan ng Chrome ang content at mga pahintulot para sa isang site, i-click ang Mga setting ng site.
    • Para mag-delete ng impormasyon mula sa iyong aktibidad sa pag-browse, tulad ng history, cookies, o mga na-save na password mo, i-click ang I-clear ang data mula sa pag-browse.
    • Para kontrolin kung paano pinapangasiwaan ng Chrome ang cookies at pag-track, i-click ang Cookies at iba pang data ng site.
    • Para pamahalaaan ang ligtas na pag-browse at proteksyon, i-click ang Seguridad.

Matuto tungkol sa bawat opsyon sa privacy mula sa listahan sa ibaba:

  • I-preload ang mga page para sa mas mabilis na pag-browse at paghahanap: Gumagamit ang mga browser ng IP address para mag-load ng webpage. Kapag bumisita ka sa isang webpage, puwedeng hanapin ng Chrome ang mga IP address ng lahat ng link ng page at i-load nito ang mga page na posibleng susunod mong i-navigate. Kung io-on mo ang setting na ito, ang mga website o anumang naka-embed na content na naka-preload ay puwedeng magtakda at magbasa ng sariling cookies ng mga ito na para bang binisita mo na ang mga ito, kahit hindi pa. 
  • Magpadala ng kahilingang "Huwag Subaybayan" sa trapiko ng iyong pag-browse: Puwede kang magsama ng kahilingang "Huwag Subaybayan" sa trapiko ng pag-browse mo. Gayunpaman, maraming website ang kokolekta at gagamit pa rin ng iyong data mula sa pag-browse para mapahusay ang seguridad, makapagbigay ng content, mga serbisyo, ad, at rekomendasyon sa mga website ng mga ito, at makabuo ng mga istatistika sa pag-uulat.
  • Pahintulutan ang mga site na tingnan kung mayroon kang mga naka-save na paraan ng pagbabayad: Kung nag-save ka ng mga paraan ng pagbabayad sa Chrome, puwede mong payagan ang Chrome na ialok ang iyong naka-save na impormasyon para gawing mas madali ang pagsagot ng mga form. Matuto pa tungkol sa kung paano awtomatikong magsagot ng mga form
  • Ligtas na Pag-browse: Makakuha ng alerto sa tuwing matutukoy ng Chrome na puwedeng mapaminsala ang website na pupuntahan mo. Kapag bumisita ka sa isang website, hahanapin ito ng Chrome sa listahan ng mga kilalang nakakahamak na website na naka-store sa iyong computer. Kung tutugma ang website sa alinman sa nasa listahan, magpapadala ang iyong browser ng hindi kumpletong kopya ng address sa Google para malaman kung bumibisita ka sa isang mapanganib na site. Matuto pa tungkol sa proteksyon ng Ligtas na Pag-browse.
  • Tumulong na paigtingin ang seguridad sa web para sa lahat: Pana-panahong magpapadala ang Chrome ng ilang impormasyon ng system at content ng page sa Google para malaman namin ang tungkol sa anumang bantang nararanasan mo. Ipapadala rin ng Chrome ang data na ito anumang oras na bumisita ka ng kahina-hinalang site. Matuto pa tungkol sa kung anong data ang nakakatulong sa Chrome para humusay sa pag-block ng mga mapanganib na pag-download at sa pag-detect ng malware.
  • Balaan ka kung na-expose ang mga password sa isang paglabag sa data: Posibleng makakuha ka ng alerto mula sa Chrome kung gumagamit ka ng kumbinasyon ng password at username na nakompromiso sa pag-leak ng data sa third party na website o app.

Mga kaugnay na paksa

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
237
false