Gamitin ang Mga Pagkilos sa Chrome para mabilis na kumumpleto ng mga gawain

Magagamit mo ang mga pagkilos sa Chrome para baguhin ang mga setting o gumamit ng mga feature mula sa address bar ng Chrome.
Mga gagawing Pagkilos sa Chrome:
  1. Sa address bar, ilagay ang gusto mong gawain.
  2. Kapag lumabas ang Action chip sa ilalim ng search bar, i-tap ito.
Pagkilos Mga halimbawa ng trigger na salita Gawain

Privacy

I-clear ang data mula sa pagba-browse
  • “I-clear ang cache ng browser
  • “I-clear ang history
Buksan ang page na “I-clear ang data mula sa pagba-browse” sa “Mga Setting.”
Pamahalaan ang mga password
  • “Pamahalaan ang mga password sa Chrome”
  • “Tingnan ang password sa chrome”
Buksan ang page na “Mga Password” sa “Mga Setting.”
Pamahalaan ang mga paraan ng pagbabayad
  • “Pamahalaan ang mga paraan ng pagbabayad”
  • “I-update ang credit card”
Buksan ang page na “Mga Paraan ng Pagbabayad” sa “Mga Setting.”
Magbukas ng tab na Incognito
  • "Pumasok sa incognito mode"
  • “Bagong incognito window”
Magbukas ng bagong tab na Incognito.
Magpatakbo ng Pag-check sa Kaligtasan sa Chrome
  • “Magpatakbo ng pag-check sa kaligtasan ng Chrome”
  • “Magpatakbo ng pag-check sa kaligtasan”
Buksan ang “Pag-check sa Kaligtasan” sa “Mga Setting.”
Tingnan ang iyong history sa Chrome
  • “Tingnan ang history ng chrome”
  • “Tingnan ang history ng pagba-browse”
Buksan ang iyong history ng pag-browse.

Pag-personalize

Pamahalaan ang mga setting ng site
  • “Isaayos ang mga pahintulot sa site”
  • “Baguhin ang mga pahintulot”
Buksan ang page na “Mga setting ng site” sa “Mga Setting.”
Pamahalaan ang mga setting ng Chrome
  • “Baguhin ang mga seting ng chrome”
  • “Pamahalaan ang mga setting”
Buksan ang page na “Mga Setting.”
Pamahalaan ang mga setting ng accessibility
  • “Pamahalaan ang mga setting ng accessibility”
  • “I-customize ang accessibility ng chrome”
Buksan ang page na “Accessibility” sa “Mga Setting.”

Kasiyahan

Laruin ang Chrome Dino
  • “Dino game”
  • “Laruin ang dino run”
Buksan ang Chrome://dino
 
 
 
 
Android Computer
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
488260016531196947
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false