Plug-in ng Adobe Flash Player

Ang Adobe Flash Player ay direktang isinama sa Google Chrome at pinagana bilang default. Awtomatikong isinasama sa mga update sa system ng Chrome ang mga available na update para sa Adobe Flash Player.

Kung nais mong gumamit ng Adobe Flash Player sa iba pang mga browser, kakailanganin mong hiwalay na i-download ang Adobe Flash Player para sa mga browser na iyon.

Paganahin o huwag paganahin ang Adobe Flash Player

Naaangkop ang mga tagubiling ito sa Google Chrome sa Windows, Mac, Linux at Chrome OS.

  1. I-type ang chrome:plugins sa address bar upang buksan ang pahina ng Mga Plug-in.
  2. Sa lalabas na pahina ng Mga Plug-in, hanapin ang listahan ng "Flash."
    • Upang paganahin ang Adobe Flash Player, i-click ang link na Paganahin sa ibaba ng pangalan nito.
    • Upang ganap na huwag paganahin ang Adobe Flash Player, i-click ang link na Huwag Paganahin sa ibaba ng pangalan nito.

Tandaan: Kung hiwalay mong na-install ang Adobe Flash Player dati, makakakita ka ng dalawang file na nakalista para sa plug-in. Kung nakalista ang pareho bilang pinagana, ang bersyong kasama ng Chrome ang gagamitin. Upang paganahin ang isang partikular na bersyon ng Adobe Flash Player, i-click ang Mga Detalye sa kanang sulok sa itaas ng pahina. Pagkatapos, I-click ang link na Paganahin para sa bersyon ng Adobe Flash Player na nais mong paganahin. Ipinapakita ng talahanayan sa ibaba ang filename para sa bersyong kasama sa Google Chrome.

Platform Isinama ang plug-in ng Adobe Flash Player sa Chrome Plug-in ng system
Windows pepflashplayer.dll NPSWF32.dll
Mac PepperFlashPlayer.plugin Flash Player.plugin
Linux libpepflashplayer.so libflashplayer.so
Chrome OS libpepflashplayer.so libpepflashplayer.so

Mga user ng Linux: Gumagamit ang Adobe Flash Player ng cross-platform API, Pepper API (PPAPI), upang mapatakbo ang plug-in nito sa Chrome.

Maaaring mapansin mo ang ilan sa mga kilalang isyu sa ibaba na tukoy sa Linux Chrome:

  • Maaaring hindi gumana ang pag-lock ng mouse.
  • Hindi sinusuportahan ang pagtingin ng nilalaman ng Adobe Access (DRM), dahil hindi ito sinusuportahan ng Adobe sa Linux.
  • Palaging ire-render sa pamamagitan ng software ang nilalaman ng Stage3D.
  • Hindi gagana ang Adobe Connect sa presenter mode sa bersyong ito ng Flash Player.
  • Hindi gagana ang pag-install ng mga Adobe AIR Desktop application mula sa web. Kasama dito ang mga application gaya ng Desktop music player ng Pandora, Tweetdeck, Desktop Search ng Flickr, Twhirl at Music Downloader ng Amazon.
  • Mabibigo ang pag-install ng Octoshape Grid Delivery Enhancement.

I-install ang Flash Player para sa Chromium

Kung gumagamit ka ng Chromium (Ingles lang), kakailanganin mong i-install ang Adobe Flash player nang hiwalay upang makapagpakita ng Flash na nilalaman.

Mga tagubilin sa Windows

  1. I-download ang installer ng Flash Player mula sa Adobe.
  2. Kapag kumpleto na ang pag-download, i-click ang installer sa bar ng mga download sa ibaba ng Chrome. Sundin ang mga tagubilin sa screen upang i-install ang Adobe Flash Player.

    Maaaring lumitaw ang User Account Control ng Windows at humingi sa iyo ng pahintulot na mag-install. Kung wala kang mga pribilehiyo ng administration sa computer, mangyaring makipag-ugnay sa administrator ng iyong system upang tapusin ang pag-install.

  3. I-restart ang Chrome.

Mga tagubilin sa Mac

  1. I-download ang installer ng Flash Player mula sa Adobe.
  2. Kapag kumpleto na ang pag-download, i-click ang installer sa bar ng mga download sa ibaba ng Chrome.
  3. I-double click ang install_flash_player_osx.pkg upang buksan ang installer.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen upang makumpleto ang pag-install.
  5. I-restart ang Chrome.