Pamahalaan ang mga caption at pagsasalin sa Chrome

Puwede kang bumuo ng mga caption at ipadala ang mga ito sa Google para magsalin ng mga video, podcast, laro, live stream, video call, o iba pang audio na media mula sa Chrome browser.

I-on o i-off ang Instant Caption

Lokal na pinoproseso at mananatili sa device ang audio at mga caption.

Windows or Mac (Windows o Mac)
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Accessibility.
  3. I-on o i-off ang Instant Caption.
    • Kung gusto mong makakuha ng Mga Instant Caption sa wika bukod sa English:
      1. Sa tabi ng “Pamahalaan ang mga wika,” piliin ang Magdagdag ng mga wika.
        • Awtomatiko nitong ida-download ang mga language pack.
      2. Sa tabi ng “Gustong wika ng caption,” piliin ang Pababang arrow Pababang arrow at pagkatapos ay ang gusto mong wika.
Linux
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Accessibility.
  3. Piliin ang Mga Caption.
  4. I-on o i-off ang Instant Caption.

Chromebook

  3. Piliin ang Pamahalaan ang mga feature ng accessibility at pagkatapos ay Audio at mga caption.
  4. I-on o i-off ang Instant Caption.

Mga Tip:

  • Para i-on ang mga caption para sa lahat ng video, sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Controller ng media Kontrol sa media.
  • Para gumamit ng mga instant caption para sa mga video na naka-autoplay, i-on ang volume ng video.
  • Lalabas ang Mga Instant Caption sa bubble na puwede mong i-drag. Para bumalik sa tab na may audio, piliin ang .

I-on o i-off ang Instant Translation

Puwede kang magpadala ng mga caption sa Google para awtomatikong isalin ang mga ito.

Windows or Mac (Windows o Mac)
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Accessibility.
  3. I-on o i-off ang Instant Translation.
    • Kung gusto mong makakuha ng Instant Translation sa wika bukod sa English:
      • Sa tabi ng “Isalin sa,” piliin ang Pababang arrow Pababang arrow at pagkatapos ay ang gusto mong wika.
Linux
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Accessibility.
  3. Piliin ang Mga Caption.
  4. I-on o i-off ang Instant Translation.
    • Kung gusto mong makakuha ng Instant Translation sa wika bukod sa English:
      • Sa tabi ng “Isalin sa,” piliin ang Pababang arrow Pababang arrow at pagkatapos ay ang gusto mong wika.

Mga Tip:

  • Kapag naka-on ang Instant Caption, awtomatikong lalabas ang Instant Translation sa bubble ng Instant Caption.
  • Kapag pinili mo ang Nagsasalin mula sa bubble ng Instant Caption, mapupunta ka sa setting ng caption.
    • Kung hindi naka-on ang Instant Translation, piliin ang pangalan ng wika ng audio.
  • Para pumili ng wika kapag naka-on ang Instant Caption at ginagamit mo ang Controller ng media Kontrol sa media:
    1. I-on ang Instant Translation.
    2. Piliin ang gusto mong wika.

Pamahalaan ang iyong mga caption

Puwede mong i-customize ang iyong mga caption para sa Instant Caption sa Chrome para gawing mas madaling mabasa ang mga ito. Magagawa mong:

  • I-collapse at palawakin ang mga caption gamit ang arrow sa bubble ng Instant Caption.
  • Piliin ang mga caption para ilipat ang mga ito sa iyong gustong lugar sa browser mo.
  • Baguhin ang font, laki, at kulay ng iyong caption.
Change fonts on Windows or Mac (Magbago ng mga font sa Windows o Mac)
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Accessibility.
  3. Pumili ng Mga preference sa caption.
  4. Sa mga preference sa system ng iyong computer, piliin ang gusto mong font.
Change fonts on Linux (Magbago ng mga font sa Linux)
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Accessibility.
  3. Piliin ang Mga Caption at pagkatapos ay Mga preference sa caption.
  4. Sa mga preference sa system ng iyong computer, piliin ang gusto mong font.
Change fonts on Chromebook (Magbago ng mga font sa Chromebook)
  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting at pagkatapos ay Accessibility.
  3. Piliin ang Pamahalaan ang mga feature ng accessibility at pagkatapos ay Audio at mga caption.
  4. Sa ilalim ng “Mga preference sa caption,” sa tabi ng “Font ng text,” piliin ang gusto mong font.

Mga Kaugnay na Resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1843976978681538167
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
237
false
false