Kung nag-save ka ng username at password para sa isang site sa Chrome, puwede mong gamitin ang mga kredensyal na iyon para mag-sign in sa iba pang app sa iyong iPhone o iPad. Matutunan kung paano i-save ang iyong mga password sa Chrome.
Payagan ang ibang app na gumamit ng mga password mula sa Chrome
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang mga setting ng device mo.
- Piliin ang Mga Password.
- Sundin ang mga prompt para i-unlock ang iyong device.
- Piliin ang Mga Opsyon sa Password.
- I-on ang I-autofill ang Mga Password at Passkey.
- Piliin ang Chrome .
- Para tapusin ang pag-set up, sundin ang mga tagubilin sa screen.
Gamitin ang mga password sa Chrome sa iba pang app
- Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa app kung saan gusto mong mag-sign in.
- Sa page sa pag-sign in, i-tap ang field na username o password.
- Sa keyboard, piliin ang Mga Password.
- Para payagan ang autofill, posibleng kailanganin mong mag-sign in ulit sa iyong device.
- Piliin ang password na gusto mong gamitin.