Puwede kang gumawa ng naibabahaging link na direktang pumupunta sa partikular na naka-highlight na text sa isang page.
Para gumawa ng link na direktang nagbubukas sa naka-highlight na text:
- Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
- Pumunta sa page na mayroon ng text na gusto mong ibahagi.
- Para i-highlight ang text na gusto mong ibahagi, i-click at i-hold ito nang matagal, pagkatapos ay i-drag ang iyong mouse.
- Para buksan ang menu ng konteksto, mag-right click sa naka-highlight na text.
- Piliin ang Kopyahin ang link na iha-highlight.
- Kung hindi mo mapili ang opsyong ito, posibleng hindi gumagana ang feature na ito para sa napiling content.
- I-paste ang link kahit saan, tulad ng email o thread ng mensahe.
Tip: Para maalis ang highlight sa text sa naka-link na content, i-right click ang naka-highlight na text at piliin ang Alisin ang highlight.