Puwede kang mag-export at mag-download ng personal na impormasyon na sino-store mo sa iyong Google Account habang naka-sign in ka sa Chrome. Puwede mong i-download ang data na hindi pa nade-delete. Puwede kang gumawa ng archive na magagamit mong sanggunian o puwede mong gamitin ang data sa isa pang serbisyo. Alamin kung paano i-download ang iyong data.
Kung gumagamit ka ng pantrabaho o pampaaralang Google Account, posibleng hindi available na i-download ang ilang data. Kung isa kang super administrator ng iyong Google domain, puwede mong i-download o i-migrate ang data ng iyong organisasyon. Alamin kung paano i-export ang data sa Google Workspace ng iyong organisasyon.
Depende sa iyong mga kagustuhan, posibleng kasama sa ine-export na data mula sa Chrome ang:
- Autofill
- Mga Bookmark
- History ng Chrome browser
- Diksyunaryo
- Mga extension
- Mga search engine
- Mga Setting, kung saan makikita ang mga tema at app