Gumawa at magtalaga ng mga gawain sa Google Chat

Bilang miyembro ng isang space sa Google Chat, puwede kang gumawa at mamahala ng mga gawain ng grupo at magtalaga ng mga gawain sa iba pang miyembro ng space. Puwede kang tumingin ng mga gawain sa space kung saan ginawa ang mga ito. Kung nakatalaga sa iyo ang isang gawain, lalabas ito sa iyong personal na listahan ng gawain sa Google Tasks. Kapag gumawa o nag-update ng gawain ang isang tao, may lalabas na notification sa space.

Tip: Kung gumagamit ka ng account sa trabaho o pampaaralang account at wala kang tab na “Tasks” sa isang space, makipag-ugnayan sa iyong administrator ng Google Workspace para i-on ang feature na ito.

Gumawa at magtalaga ng gawain sa isang space

  1. Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Chat app o Gmail app .
    • Sa Gmail: Sa ibaba, i-tap ang Chat .
  2. Sa menu ng pag-navigate sa ibaba, i-tap ang Spaces  at pagkatapos piliin ang space.
  3. Sa itaas, i-tap ang tab na Tasks.
  4. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Bagong gawain .
  5. Maglagay ng pamagat para sa gawain.
  6. Opsyonal: Para magdagdag ng paglalarawan o higit pang detalye, i-tap ang Mga Detalye at ilagay ang impormasyon.
  7. Opsyonal: Para magdagdag ng petsa at oras, i-tap ang Google Calendar at pagkatapos ay pumili ng petsa at oras at pagkatapos i-tap ang Tapos na.
    Tip: Kung magdaragdag ka ng petsa at oras sa iyong gawain, makakatanggap ka ng mga notification sa mga nakaiskedyul na petsa at oras.
  8. Opsyonal: Para italaga ang gawain sa isang miyembro ng space, i-tap ang Tao  at pagkatapos i-tap ang pangalan ng tao. Para italaga ang gawain sa isang taong hindi miyembro ng space, imbitahan muna siya sa space.
  9. I-tap ang I-save.
Mahalaga: Kapag na-delete mo ang isang gawain, ide-delete ito para sa lahat ng miyembro ng space at sa personal na listahan ng gawain ng assignee.

Mag-edit ng gawain

  1. Sa Chat, piliin ang space.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Spaces at pagkatapos piliin ang space.
  3. Sa itaas i-tap ang tab na Tasksat pagkatapos piliin ang gawain.
  4. I-tap ang pamagat, mga detalye, petsa at oras, o assignee at gawin ang mga pagbabago.
  5. I-tap ang Bumalik .

Mga Tip: Kung mayroon kang gawain sa iyong personal na listahan ng gawain:

  • Puwede mong i-edit ang pamagat, mga detalye, at petsa o oras ng gawain mula sa iyong personal na listahan ng gawain.
  • Puwede mo ring markahang tapos na ang gawain mula sa iyong personal na listahan ng gawain sa halip na mula sa space.
  • Kapag may mga pagbabago, naa-update ang gawain para sa lahat sa space at may ipinapakitang notification.

Markahang tapos na ang isang gawain

  1. Sa Chat, piliin ang space.
  2. Sa itaas, i-tap ang tab na Tasks at pagkatapos piliin ang gawain.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Markahan bilang tapos na .

Mga Tip: Kung mayroon kang gawain sa iyong personal na listahan ng gawain:

  • Puwede mong i-edit ang pamagat, mga detalye, at petsa o oras ng gawain mula sa iyong personal na listahan ng gawain.
  • Puwede mo ring markahang tapos na ang gawain mula sa iyong personal na listahan ng gawain sa halip na mula sa space.
  • Kapag may mga pagbabago, naa-update ang gawain para sa lahat sa space at may ipinapakitang notification.

Markahang hindi pa tapos ang isang gawain

  1. Sa Chat, piliin ang space.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Spaces at pagkatapos piliin ang space.
  3. Sa itaas, i-tap ang tab na Tasks.
  4. Sa tabi ng Tapos na, i-tap ang Palawakin para tingnan ang mga gawain.
  5. Sa tabi ng gawain, i-tap ang Tapusin para gawing Hindi pa tapos ang status.

Mag-delete ng gawain

Mahalaga: Kapag na-delete mo ang isang gawain, ide-delete ito para sa lahat ng miyembro ng space at sa personal na listahan ng gawain ng assignee.

  1. Sa Chat, piliin ang space.
  2. Sa ibaba, i-tap ang Spaces at pagkatapos piliin ang space.
  3. Sa itaas i-tap ang tab na Tasksat pagkatapos piliin ang gawain.
  4. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang I-delete .
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16173657375888528365
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false