Gamitin ang Google Cloud Build app para sa Google Chat

Gamitin ang Google Cloud Build app sa Chat para makatanggap ng mga notification tungkol sa iyong mga proyekto sa Cloud Build.

Bago ka magsimula

I-enable ang Cloud Build API para sa anumang proyekto kung saan mo gustong gamitin ang Cloud Build app. Matuto pat tungkol sa Cloud Build.

I-set up ang mga notification ng Cloud Build app

Kailangan mong i-set up ang mga notification sa bawat space kung saan mo idaragdag ang app. Magpapadala ang app ng mga notification sa lahat ng space kung saan ito miyembro.

  1. Buksan ang Chat.
  2. Pumili ng opsyon:
    • Magbukas ng direktang mensahe kung nasaan ang app at ilagay ang settings.
    • Pumunta sa isang space kung nasaan ang app at ilagay ang @Cloud Build settings.
    Lalabas ang mga kasalukuyang setting para sa app.
  3. I-click ang Edit Settings.
  4. Mag-sign in sa iyong Cloud Build account.
    Bubukas ang window ng configuration ng Cloud Build app at ilo-load nito ang mga proyekto sa Cloud na available sa iyo.
  5. Ilagay ang pangalan ng proyekto sa Cloud.
    Lalabas ang isang listahan ng mga trigger.
  6. Pumili sa listahan ng trigger ng Cloud Build.
  7. Mula sa menu na Thread messages by, piliin ang No threadsProject, o Trigger.
  8. Piliin ang mga status kung saan mo gustong magpadala ng mga notification sa Chat. 
  9. I-click ang Save.
  10. (Opsyonal) Para mag-configure ng iba pang proyekto at notification ng trigger, i-click ang Add.

Baguhin ang mga setting ng app

Sa mga space, ang tao lang na nag-configure sa app ang puwedeng magbago sa mga setting.

  1. Buksan ang Chat.
  2. Pumili ng opsyon:
    • Magbukas ng direktang mensahe kung nasaan ang app at ilagay ang settings.
    • Pumunta sa isang space kung nasaan ang app at ilagay ang @Cloud Build settings.
    Lalabas ang mga kasalukuyang setting para sa app.
  3. I-click ang Edit Settings.
  4. Mag-sign in sa iyong Cloud Build account.
    Bubukas ang window ng configuration ng Cloud Build app.
  5. I-click ang Edit  at baguhin ang mga setting kung kinakailangan.
  6. I-click ang Save.

Kapag inalis ang app sa isang space, made-delete ang mga setting ng app.

Paggamit ng app sa mga space

Para magamit ang app sa mga space, kailangan mong tahasang @banggitin ang app sa bawat mensahe sa app (pati sa mga sagot sa mga mensahe mula sa app). Kukumpirmahin ng @pagbanggit na sa app mo ipinapadala ang mensahe, at hindi sa iba pang nasa space.

  • Para makakuha ng listahan ng lahat ng available na command, ilagay ang @Cloud Build help.
  • Para makita ang mga notification na naka-configure sa kasalukuyan, ilagay ang @Cloud Build settings.
  • Para magpadala ng feedback tungkol sa app, ilagay ang @Cloud Build feedback feedback text.


Ang Google, Google Workspace, at mga kaugnay na marka at logo ay mga trademark ng Google LLC. Ang lahat ng iba pang pangalan ng kumpanya at produkto ay mga trademark ng mga kumpanya kung saan nauugnay ang mga ito.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
141084316141764587
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false