I-install ang standalone app ng Google Chat

Para magamit ang Google Chat sa simpleng paraan, i-install ang standalone app ng Google Chat sa iyong Chrome Browser. Nagbibigay ito ng experience sa native na app, at isa itong Progressive Web Application (PWA)

Mahalaga: Walang extension ng Chrome ang Google Chat. Para sa katulad na experience, i-install ang standalone app.

Bago ka magsimula

Para ma-install ang PWA na standalone app ng Chat, tiyaking:

  • Gumagamit ang iyong device ng Google Chrome 73 o mas bago.
    • Hindi kailangang Chrome ang iyong default na browser, pero kailangang nakabukas ito para magamit ang standalone app ng Chat.
  • Puwede kang mag-install ng mga extension ng Chrome at Chrome app sa iyong computer.

I-install ang standalone app sa iyong computer

  1. Mag-sign in sa chat.google.com.
  2. Para ma-install ang app sa iyong computer, subukan ang isa sa mga paraang ito:
    • Kung hindi pa naka-install ang app, may bubukas na pop-up na window para i-download ang app.
      • Tip: Puwedeng lumabas ang pop-up na window na ito ilang sandali matapos mong unang gamitin ang Google Chat.
    • Sa kanang bahagi sa itaas ng Google Chrome, sa URL bar, i-click ang I-install at pagkatapos I-install.
    • Sa kanang bahagi sa itaas ng Google Chrome, i-click ang I-customize at kontrolin ang Google Chrome at pagkatapos I-install ang Google Chat.

Mga Tip:

  • Kung nakagawa ka na ng Google Chrome shortcut papunta sa chat.google.com, awtomatikong mai-install ang standalone app. Hindi ka magkakaroon ng opsyong manual na i-install ang app.
  • Para buksan ang app mula sa Google Chrome, sa address bar, ilagay ang chrome://apps at i-click ang Google Chat.
  • Sa isang Chromebook, makikita mo ang app mula sa Launcher .

Awtomatikong buksan ang standalone app sa startup

Mahalaga: Hindi gumagana ang mga hakbang na ito sa Chrome OS.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa address bar, ilagay ang chrome://apps.
  3. Mag-right click sa standalone app ng Chat .
  4. Piliin ang Buksan ang App Kapag Nag-Sign In Ka.

I-uninstall ang standalone app sa Mac, Windows, o Linux

  1. Sa iyong computer, buksan ang Chrome.
  2. Sa address bar, ilagay ang chrome://apps.
  3. Mag-right click sa standalone app ng Chat .
  4. Piliin ang Alisin sa Chrome at pagkatapos ay Alisin.

I-uninstall ang standalone app sa Chrome OS

  1. Sa iyong computer, buksan ang Launcher .
  2. Sa search bar, hanapin ang Google Chat.
  3. Sa mga resulta ng paghahanap, mag-right click sa standalone app ng Chat .
  4. I-click ang Alisin sa Chrome at pagkatapos ay Alisin.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1716343329370042721
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false