Gamitin ang Google Chat sa Gmail

Para mapamahalaan ang iyong komunikasyon, manatiling nakakonekta, at makapag-collaborate sa iisang lugar, idagdag ang Google Chat sa inbox mo sa Gmail. Kung gumagamit ka ng account sa trabaho o pampaaralang account, tutukuyin ng iyong organisasyon kung available ang opsyong ito.
Mahalaga: Puwedeng gamitin ng iyong anak ang Chat sa Gmail app o sa bersyon sa web ng Gmail, kahit naka-block ang Chat app. Alamin kung paano pamahalaan ang Google Account ng iyong anak.

I-on o i-off ang Chat sa Gmail

  1. Buksan ang Gmail app .
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa ilalim ng "Mga App sa Gmail," i-tap ang Chat.
  4. I-on o i-off ang "Chat."

Ano ang kaibahan ng Chat sa Gmail sa Chat?

Pareho lang ang mga makukuha mong feature sa Chat at Chat sa Gmail, pero dahil sa naka-integrate na karanasan sa Gmail, magkakaroon ng pangunahing lokasyon para sa pakikipag-ugnayan sa mga kaibigan, kapamilya, o katrabaho sa pagitan ng mga email.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9270290845845042528
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false