Maghanap ng mga mensahe sa Google Chat

Sa Google Chat, puwede kang maghanap:

  • Sa lahat ng iyong mensahe.
  • Ng mga mensaheng may mga partikular na tao.
  • Ng mga mensaheng may ilang partikular na uri ng content, gaya ng mga larawan.

Mahalaga:

  • Para maghanap ng mga mensahe sa Chat sa Gmail, i-on ang Chat sa Gmail.
  • Puwede kang maghanap ng mga mensahe sa mga pag-uusap na sinalihan mo o puwede mong salihan.
  • Para i-filter ang iyong mga resulta ng paghahanap, puwede ka ring gumamit ng mga operator sa paghahanap.
  • Hindi ka makakapaghanap ng mga mensahe gamit ang Gmail API.
  • Kahit imbitahan kang sumali, hindi ka makakapaghanap ng mga mensahe sa mga pag-uusap o space na pagmamay-ari ng ibang organisasyon.

Maghanap ng mga mensahe sa Chat at Gmail

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chat app o ang Gmail app .
    • Sa Gmail: Sa ibaba, i-tap ang Chat .
  2. Sa itaas, ilagay ang hahanaping text.
  3. Pumili ng opsyon:
    • Sa ibaba, sa iyong keyboard, i-tap ang Search .
    • Mag-tap ng kamakailang paghahanap.
  4. Para buksan ang isang resulta, i-tap ito.

Maghanap ng mga mensahe sa isang space o pag-uusap

  1. Sa Chat, buksan ang hahanaping pag-uusap.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pang opsyon at pagkatapos Maghanap sa pag-uusap .
  3. Ilagay ang hahanapin mong text.
  4. Para buksan ang isang resulta, i-tap ito.

I-filter at pagbukud-bukurin ang mga mensahe

  1. Sa Chat, sa itaas, ilagay ang hahanaping text.
    • Habang naglalagay ka ng text, lalabas ang mga filter sa ibaba.
  2. Pumili ng filter para mahanap ang mga sumusunod na uri ng mga mensahe:
    • Mula kay/kina: Mga mensaheng ipinadala ng mga partikular na tao.
    • Sinabi sa: Mga mensaheng sinabi sa isang partikular na pag-uusap o space.
    • Attachment: Mga mensaheng may mga dokumento, spreadsheet, slide, at higit pa.
    • Petsa: Mga mensaheng ipinadala sa isang partikular na hanay ng petsa.
    • May link: Mga mensaheng may mga link.
    • Nagbabanggit sa akin: Mga mensaheng nagbabanggit sa iyo.
    • Mga pag-uusap lang na kinabibilangan ko: Mga mensahe mula sa mga pag-uusap kung saan isa kang miyembro.
  3. Opsyonal: Para pagbukud-bukurin ang mga mensahe, sa ibaba ng mga filter, i-tap ang Menu sa pagbubukud-bukod.
    • Pinakanauugnay: Pagbukud-bukurin ang mga mensahe ayon sa kung gaano nauugnay ang mga ito sa iyong hahanaping text.
    • Pinakabago: Pagbukud-bukurin ang mga mensahe ayon sa kung gaano kabago ang mga ito.
  4. Mag-tap ng resulta ng paghahanap.
    • Posibleng may mga lumabas na resulta mula sa mga space na hindi mo sinalihan. Para sumali, sa tabi ng mensahe, i-tap ang Sumali.

Mag-delete ng mga iminumungkahing resulta ng paghahanap

Kapag may inilagay ka sa search bar ng Chat, posibleng may mga lumabas na suhestyon batay sa iyong history ng paghahanap. Para maghanap ng mga mensahe, puwede kang pumili ng iminumungkahing resulta ng paghahanap.

  • Sino-store ang mga suhestyon sa loob ng 90 araw pagkatapos gamitin ang mga ito.
  • Hindi ibinabahagi ang history ng paghahanap para sa mga suhestyon sa pagitan ng Chat at Chat sa Gmail.
  • Puwede mong i-delete ang iyong mga kamakailang paghahanap o ang buong history ng paghahanap mo.
  1. Sa Chat, i-tap ang search bar.
  2. Sa ilalim ng “Mga kamakailang paghahanap,” magagawa mong:
    • Mag-delete ng kamakailang paghahanap: Mag-tap at mag-hold ng item ng paghahanap at pagkatapos ay i-tap ang I-delete.
    • I-delete ang lahat ng paghahanap: I-tap ang I-delete lahat.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3015613502311995387
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false