Maghanap ng mga mensahe sa Google Chat

Sa Google Chat, puwede kang maghanap:

  • Sa lahat ng iyong mensahe.
  • Ng mga mensaheng may mga partikular na tao.
  • Ng mga mensaheng may ilang partikular na uri ng content, gaya ng mga larawan.

Mahalaga:

  • Para maghanap ng mga mensahe sa Chat sa Gmail, i-on ang Chat sa Gmail.
  • Puwede kang maghanap ng mga mensahe sa mga pag-uusap na sinalihan mo o puwede mong salihan.
  • Para i-filter ang iyong mga resulta ng paghahanap, puwede ka ring gumamit ng mga operator sa paghahanap.
  • Hindi ka makakapaghanap ng mga mensahe gamit ang Gmail API.
  • Kahit imbitahan kang sumali, hindi ka makakapaghanap ng mga mensahe sa mga pag-uusap o space na pagmamay-ari ng ibang organisasyon.

Maghanap ng mga mensahe sa Chat at Gmail

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Chat o Gmail.
    • Sa Gmail: Sa kaliwa, i-click ang Chat.
  2. Sa itaas, i-click ang box para sa paghahanap.
  3. Ilagay ang hahanaping text.
    • Para sa Gmail: Puwede mo ring gamitin ang operator sa paghahanap na in:chats.
  4. Pumili ng opsyon:
    • Para sa Gmail: Sa ilalim ng box para sa paghahanap, i-click ang Mga Pag-uusap.
    • Pumili ng kamakailang paghahanap.
  5. Para magbukas ng resulta, i-click ito.

Maghanap ng mga mensahe sa isang space o pag-uusap

  1. Sa Chat, piliin ang space o pag-uusap kung saan gusto mong maghanap.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Maghanap sa chat na ito .
  3. Ilagay ang hahanaping text.
  4. Pumili ng opsyon:
    • Pindutin ang Enter.
    • Pumili ng kamakailang paghahanap.
  5. Para magbukas ng resulta, i-click ito.

I-filter at pagbukud-bukurin ang mga mensahe

  1. Sa Chat, i-click ang box para sa paghahanap.
  2. Ilagay ang hahanaping text.
    • Habang naglalagay ka ng text, lalabas ang mga suhestyon sa ibaba. Pindutin ang "tab" para awtomatikong punan ang natitirang bahagi ng query.
  3. Pindutin ang Enter.
  4. Pumili ng filter para mahanap ang mga sumusunod na uri ng mga mensahe:
    • Mula kay/kina: Mga mensaheng ipinadala ng mga partikular na tao.
    • Sinabi sa: Mga mensaheng sinabi sa isang partikular na pag-uusap o space.
    • Petsa: Mga mensaheng ipinadala sa isang partikular na hanay ng petsa.
    • May file: Mga mensaheng may mga dokumento, spreadsheet, slide, at higit pa.
    • May link: Mga mensaheng may mga link.
    • Nagbabanggit sa akin: Mga mensaheng nagbabanggit sa iyo.
    • Mga pag-uusap lang na kinabibilangan ko: Mga mensahe mula sa mga pag-uusap kung saan isa kang miyembro.
  5. Opsyonal: Para pagbukud-bukurin ang mga mensahe, sa ibaba ng mga filter, i-click ang Menu sa pagbubukud-bukod.
    • Pinakanauugnay: Pagbukud-bukurin ang mga mensahe ayon sa kung gaano nauugnay ang mga ito sa iyong hahanaping text.
    • Pinakabago: Pagbukud-bukurin ang mga mensahe ayon sa kung gaano kabago ang mga ito.
  6. Para magbukas ng resulta, i-click ito.
    • Posibleng may mga lumabas na resulta mula sa mga space na hindi mo sinalihan. Para sumali, sa tabi ng mensahe, i-click ang Sumali.

Mag-delete ng mga iminumungkahing resulta ng paghahanap

Kapag may inilagay kang text sa search bar ng Chat, posibleng may mga lumabas na suhestyon batay sa iyong history ng paghahanap. Para maghanap ng mga mensahe, puwede kang pumili ng suhestyon.

  • Sino-store ang mga suhestyon sa loob ng 90 araw pagkatapos gamitin.
  • Hindi ibinabahagi ang history ng paghahanap para sa mga suhestyon sa pagitan ng Chat at Chat sa Gmail.
  • Puwede mong i-delete ang iyong mga kamakailang paghahanap o ang buong history ng paghahanap mo.
  1. Sa Chat, i-click ang Search bar.
  2. Sa ilalim ng “Mga kamakailang paghahanap,” magagawa mong:
    • Mag-delete ng kamakailang paghahanap: Mag-click ng paghahanap at pagkatapos ay I-delete.
    • I-delete ang lahat ng paghahanap: I-click ang I-delete lahat.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15127791080746423085
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false