Magsimula ng video meeting

Puwede kang magsimula ng video meeting mula sa Google Chat.

Mahalaga: Kung pinapayagan ng iyong organisasyon ang mga external na user na sumali sa mga kuwarto o panggrupong pag-uusap, makakasali sa video meeting ang sinumang nasa kuwarto o grupo nang walang pahintulot.

Tip: Para makatiyak na hindi ka sasali sa isang meeting na may nag-expire nang code at para mas mahusay na magplano para sa mga gagawin mong meeting sa hinaharap, tingnan kung kailan nag-e-expire ang mga code ng meeting. Matuto pa tungkol sa mga code ng meeting sa Google Meet.

Magsimula ng video meeting mula sa Chat o Gmail

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Chato Gmail.
    • Sa Gmail: Sa kaliwa, i-click ang Chat.
  2. Magbukas ng pag-uusap.
  3. Sa lugar para sa sagot, i-click ang Magdagdag ng video meeting at pagkatapos ay Ipadala .
  4. Para sumali sa isang video meeting, i-click ang Sumali sa video meeting at pagkatapos ay Sumali ngayon.

Tip: Para matuto pa tungkol sa mga video meeting sa Meet, pumunta sa Help Center ng Meet.

 

Direktang tumawag sa isang tao mula sa Chat o Gmail

Mahalaga: Puwede kang direktang tumawag sa isang tao mula sa Chat o Gmail sa Chrome. Kung tatawag ka sa hindi user ng Chrome, puwede niyang tanggapin at salihan ang tawag pero hindi siya makakarinig ng ring.

Puwede kang magsimula ng voice o video meeting mula sa Chat o Gmail. Kapag natanggap ng tinatawagan mo ang tawag, makakarinig siya ng ring.

  1. Sa Chat, magbukas ng direktang mensahe.
  2. Sa itaas, i-click ang Magsimula ng video call . Magbubukas sa maliit na window ang tawag.
  3. Para tapusin ang tawag, i-click ang Tapusin ang tawag Call end icon.

Tip: Kung gusto mong i-adjust ang window ng tawag:

  • Para ilipat sa bagong tab ang tawag, i-click ang Ilipat sa tab New window.
  • Para ilipat ito, i-click at i-hold nang matagal ang window.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4023027796858686215
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false