Mag-edit o mag-delete ng mensahe sa Google Chat

Kung magkakamali ka o kung kailangan mong mag-update ng mensahe, puwede mong i-edit o i-delete ang mensahe.

Mahalaga

  • Kapag nag-edit ka ng mensahe, hindi ka puwedeng bumalik sa nakaraang pag-edit o sa orihinal na mensahe.
  • Kapag na-delete mo ang isang mensahe, hindi mo ito puwedeng i-undo.
  • Puwedeng kasama sa mga notification sa chat ang orihinal na mensahe.
  • Kapag may na-delete ka (o ang iba pang miyembro sa isang pag-uusap) na isang mensahe, permanenteng aalisin ang mensahe sa iyong Google Account at hindi na ito mare-recover.
  • Puwede mong i-download ang mga dati nang na-edit na mensahe mula sa iyong Google Account. Alamin kung paano i-download ang iyong data.

Mag-edit ng naipadala nang mensahe

  1. Sa iyong computer, pumunta sa isang pag-uusap at mag-hover sa mensahe mo.
  2. I-click ang I-edit .
  3. Gawin ang iyong mga pagbabago.
  4. I-click ang I-update.

Mag-delete ng naipadala nang mensahe

  1. Sa iyong computer, pumunta sa isang pag-uusap at mag-hover sa mensahe mo.
  2. I-click ang I-delete .
  3. Para kumpirmahin, i-click ang I-delete.

Alamin kung bakit hindi ka puwedeng mag-edit o mag-delete ng mensahe

  • Hindi ka puwedeng mag-edit ng mga mensahe mula sa mga app.
  • Kung gumagamit ka ng personal na account, hindi ka makakapag-delete ng mga mensahe kapag:
    • Nasa isang space ka na sinimulan ng ibang organisasyon.
    • Nagpadala ka ng direka o panggrupong mensahe sa isang Google Workspace account.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7886344418667229080
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false