Gamitin ang Google Chat sa pamamagitan ng screen reader

Puwede kang magpadala ng mga direktang mensahe sa indibidwal o maraming tao sa Google Chat. Para sa mga kasalukuyang pag-uusap kasama ng isang team, puwede kang gumawa ng Space para makapagpadala ng mensahe sa lahat nang sabay-sabay.

Kung available, puwede ka ring gumamit ng mga app para i-automate ang mga ginagawa mo. Para gumamit ng mga app sa Google Chat, kailangan mong gumamit ng account sa trabaho o paaralan at kailangan kang bigyan ng iyong administrator ng Google Workspace ng pahintulot na mag-install ng mga app.

Panimula

Nahahati sa mga seksyong may mga heading ang artikulong ito. Gamitin ang mga link sa ibaba para pumunta sa partikular na seksyon ng artikulo.

Mabilis na pagsisimula

Ang artikulong ito ay para sa page na chat.google.com at marami itong magandang impormasyon para matulungan kang gamitin ang Chat. Posibleng matagal basahin ang buong artikulo. Kung gusto mong magsimula kaagad, gamitin ang mga mabilisang tip na ito para sa pagbabasa at pagpapadala ng mga mensahe sa mga direktang mensahe at Space.

  • Para sa JAWS: I-off ang virtual na cursor.
  • Para sa NVDA: Lumipat sa focus mode.
  • Para sa ChromeOS: I-off ang sticky mode.
  • Para sa MacOS: I-off ang quick nav.

Para basahin ang mga natanggap mong chat:

  1. Pindutin ang h key, pagkatapos ay c para ilipat ang focus sa listahan ng mga chat.
  2. Pindutin ang Pataas o Pababang arrow hanggang mapunta sa gusto mong chat ang focus.
  3. Pindutin ang Enter para buksan ang chat at ilipat ang focus sa Field ng pag-edit ng mensahe para mag-type ng mga mensahe.
  4. Pindutin ang Escape para umalis sa Field ng pag-edit ng mensahe at ilipat ang focus sa listahan ng mga mensahe.
  5. Pindutin ang Pataas o Pababang arrow para suriin ang mga mensahe.
  6. Pindutin ang r key para ilipat ang focus pabalik sa Field ng pag-edit ng mensahe.

Para suriin ang mga kamakailang mensahe pero panatilihin ang focus sa Field ng pag-edit ng mensahe:

  • Para sa Windows: Pindutin ang Alt + {numero}.
  • Para sa ChromeOS: Pindutin ang Alt + Shift + {numero}.
  • Para sa MacOS: Pindutin ang Option + {numero}.
  • Palitan ng 1 hanggang 9 ang {numero} para sa 9 na pinakabagong mensahe.

Para magsimula ng chat sa isang tao:

  1. Pindutin ang Ctrl + k para buksan ang combo box na "Magdagdag ng 1 o higit pang tao."
  2. I-type ang pangalan o email address ng tao. Kung makakarinig ka ng eksaktong tugma, pindutin ang Ctrl + Enter. Para i-explore ang mga malapit na tugma, pindutin ang Pababang arrow.
  3. Lilipat ang focus sa Field ng pag-edit ng mensahe. I-type ang mensahe at pindutin ang Enter.
Tip: Kung wala ka sa Edit mode, pareho ang ginagawa ng shortcut na q at ng Ctrl + k.

Para magbasa sa Spaces:

  1. Pindutin ang h, pagkatapos ay r para ilipat ang focus sa listahan ng Mga Space.
  2. Pindutin ang Pataas o Pababang arrow para hanapin ang gusto mong Space.
  3. Pindutin ang Enter para ilipat ang focus sa listahan ng Mga Paksa para sa Space.
  4. Pindutin ang Pataas o Pababang button para mag-focus sa iba't ibang Paksa.
  5. Sa gusto mong Paksa, pindutin ang Pakanang arrow para buksan ang Paksa. Gamitin ang Pataas o Pababang arrow para basahin ang mga mensahe sa Paksa.
  6. Pindutin ang Pakaliwang arrow para bumalik sa listahan ng Mga Paksa.
  7. Pindutin ang r para ilipat ang focus sa Field ng pag-edit ng mensahe. Mag-type ng mensahe. Pindutin ang Enter para magdagdag ng mensahe sa Paksa.
  8. Pindutin ang Ctrl + s para magsimula ng bagong Paksa.

Pagsisimula

Mga inirerekomendang browser at screen reader

Inirerekomenda ng Google Chat ang Chrome at:

  • NVDA o JAWS sa Windows
  • ChromeVox sa ChromeOS
  • VoiceOver sa MacOS

Gamitin ang Chat bilang web application

Puwede mong gamitin ang chat.google.com bilang web application sa halip na webpage. Kapag ginamit mo ang chat.google.com bilang web application:

  • I-off ang mga shortcut ng screen reader para sa pag-browse sa web. Para sa mga detalye, pumunta sa I-set up ang iyong screen reader sa ibaba.
  • Gamitin ang mga keyboard shortcut ng Chat para mag-navigate at magbasa sa halip na gamitin ang mga command ng iyong screen reader. Para sa mga detalye, pumunta sa Mag-navigate sa Chat sa ibaba.

Tip: May mga pagkakataon kung kailan mainam na gamitin mo ang chat.google.com bilang web page at ang mga command ng screen reader para sa browser. Tutukuyin namin ang mga pagkakataong ito kapag mayroon.

I-set up ang iyong screen reader

Kinakailangan ang kaunting pag-set up sa screen reader para magamit ang Chat bilang web application:

  • JAWS: I-off ang virtual na cursor. Pindutin ang Insert + z hanggang marinig mo ang "off."
  • NVDA: I-on ang focus mode. Pindutin ang Insert + Spacebar hanggang makarinig ka ng pag-click na katunog ng pag-type sa keyboard.
  • ChromeVox: I-off ang sticky mode. Mabilisang pindutin nang dalawang beses ang Maghanap hanggang marinig mo ang "sticky mode disabled."
  • VoiceOver: I-off ang quick nav. Pindutin ang Pakaliwa + Pakanang arrow hanggang marinig mo ang "quicknav off."

Buksan ang Chat

Pumunta sa chat.google.com. Kapag binuksan mo ang Chat, nasa button ng Pangunahing menu ang focus malapit sa itaas, sa loob ng landmark na Banner. Sa unang pagkakataong bubuksan mo ang Chat, mainam na i-explore ito bilang webpage gaya ng inilalarawan sa susunod na seksyon. Pagkatapos mong mag-explore, inirerekomenda naming lumipat ka sa paggamit ng Chat bilang web application gaya ng inilalarawan sa I-set up ang iyong screen reader sa itaas.

Tungkol sa interface ng Chat

Sa Chat, may 4 na pangunahing bahagi:

  • Itaas, na isinasaad ng iyong screen reader bilang landmark na Banner: Naglalaman ng mga pangkalahatang setting at kontrol gaya ng iyong status, search bar, at Google bar para lumipat sa iba pang app at user account.
  • Kaliwang bahagi ng navigation, na isinasaad bilang landmark na Navigation: Sa kaliwa, mahahanap mo ang mga pag-uusap sa Chat, content ng Spaces, at heading sa Meet.
  • Content ng Chat, na isinasaad bilang Pangunahing landmark: Naglalaman ng kasalukuyang nakapiling pag-uusap sa Chat, content ng Space, o impormasyon ng Meeting. Kasama rin sa bahaging ito ang listahan ng mga lumang mensahe, field sa pag-edit ng Mensahe para sa mga bagong mensahe, at mga action button.
  • Panel sa kanang bahagi, na isinasaad bilang Katugmang landmark: Nagbibigay ng naka-embed na access sa iba pang produkto ng Google, gaya ng Calendar, Keep, Tasks, at Mga Contact.

Gumagawa ng listahan ng mga mensahe ang mga pakikipag-chat sa isang tao o grupo. Bilang default, naka-off ang History at nawawala ang mga mensahe 24 na oras pagkarating ng mga ito. Ang Spaces ay para sa mga aktibong pangmatagalang pag-uusap sa team o grupo ng mga tao. Naka-on ang History bilang default. Puwede mong isaayos ang Mga Space sa Mga Paksang gagawa ng tree ng mga pag-uusap na may 2 level.

Mag-navigate sa content ng Pangunahing Chat

May 2 mode ang Chat at Spaces: Edit at Navigation. Kapag nasa Field ng pag-edit ng mensahe ang focus, nasa Edit mode ang Chat. Para lumipat sa Navigation mode mula sa Edit mode, pindutin ang Escape.

Magkaiba ang gawi ng Tab at mga Arrow key sa bawat mode:

  • Sa Edit mode: Ginagamit ang Pataas na arrow para pumunta sa huling na-post na mensahe at nagbibigay-daan ito para ma-edit at maipadala ito ulit.
  • Sa Navigation mode:
    • Ginagamit ang Pataas na arrow para lumipat sa pinakabagong mensahe at pagkatapos ay sa mga mas lumang mensahe.
    • Sa isang mensahe, nagna-navigate ang Tab key papunta sa mga button gaya ng: Magdagdag ng reaksyon (emoji), I-edit ang mensahe (kung ikaw ang nag-post nito), Markahang hindi pa nababasa, at Higit pang pagkilos.
    • Sa Space na may Mga Paksa:
      • Gumalaw-galaw sa isang Paksa gamit ang Pataas o Pababang arrow.
      • Lumipat sa listahan ng Mga Paksa gamit ang Pakaliwang arrow, pagkatapos ay gamitin ang Pataas o Pababang arrow para magpalipat-lipat sa Mga Paksa.
      • Lumipat sa mga mensahe sa isang Paksa gamit ang Pakanang arrow.

Basic na navigation

Magagamit ang Tab at mga Arrow key para sa basic na navigation. Para sa karagdagang navigation sa Chat, puwede mong gamitin ang mga command na ito:

  • Sa Kaliwang bahagi ng navigation para sa Chat at Spaces:
    • Pataas o pababang arrow para pumili ng ibang pag-uusap.
    • Shift + Pataas o Pababang arrow para lumipat sa nakaraan o susunod na hindi pa nababasang pag-uusap.
    • Ctrl + Pataas o Pababang arrow para magpalipat-lipat sa Chat, Spaces, o Meet.
    • Kung nasa isang pag-uusap sa Chat o Space ang focus: Pakanang arrow o Enter para i-activate ito.
  • Sa Pangunahing bahagi para sa mensahe: Tab at Pataas o Pababang arrow para gumalaw-galaw.
  • Kapag nasa Field ng pag-edit ng mensahe ang focus:
    • Pataas na arrow para i-edit ang huling mensaheng ipinadala mo.
    • Escape at pagkatapos ay Pataas o Pababang arrow para suriin ang lahat ng mensahe.
  • Kapag nasa Mga Paksa ng isang Space ang focus:
    • Pakaliwang arrow para lumipat sa Kaliwang bahagi ng navigation.
    • Pakanang arrow para lumipat sa mga mensahe ng piniling Paksa.
  • Sa isang Space, kung nasa isang mensahe ang focus: Pakaliwang arrow para ilipat sa Mga Paksa ang focus.
  • Kapag nag-activate ka ng Space na walang Paksa, mapupunta sa Field ng pag-edit ng mensahe ang focus.

Advanced na navigation

Kapag pamilyar ka na sa Chat, ang pinakamahusay na paraan para gumamit ng Chat ay sa pamamagitan ng mga keyeboard shortcut.

Magpakita ng kumpletong listahan ng mga keyboard shortcut sa Chat

  1. I-off ang virtual na cursor o browse mode sa iyong screen reader.
  2. Pindutin ang Escape kung nasa Field ng pag-edit ng mensahe ang focus.
  3. Pindutin ang question key (Shift + Slash).

Para basahin ang mga keyboard shortcut, gamitin ang Chat bilang web page. I-on ang virtual na cursor o browse mode sa iyong screen reader. Nakalagay sa talahanayan ang listahan ng mga keyboard shortcut, kaya gamitin ang mga command sa pagbabasa ng talahanayan ng iyong screen reader para sa mas madaling navigation. Ang unang hihintuan ng tab ay link na puwede mong i-activate para i-enable o i-disable ang ilang keyboard shortcut. Tiyaking I-disable ang nakasaad sa link, para maging available ang mga karagdagang keyboard shortcut.

Puwede mong buksan ang mga keyboard shortcut ng Google Chat sa bagong tab ng browser.

Mga sikat na shortcut

Para sa mga Chrome at Windows device ang mga shortcut. Para sa Mac, gamitin ang Command key sa halip na Ctrl, at ang Option key sa halip na Alt.

  • Sa pamamagitan ng screen reader, mababasa mo ang bawat isa sa huling 9 na mensahe sa isang pag-uusap sa Chat o Paksa sa Spaces gamit ang Alt + {numero}. Para sa ChromeVox, gamitin ang Alt + Shift + {numero}. Para sa VoiceOver, gamitin ang Option + {numero}. Palitan ng 1 ang {numero} para sa pinakabagong mensahe, 2 para sa sunod na pinakabago, at tuloy-tuloy lang. Hindi lilipat ang focus.
  • Para ilipat ang focus sa pinakabagong mensahe sa isang pag-uusap, pindutin ang Ctrl + j. Gagana ito kahit nasa Edit mode at magagamit itong panghalili sa Escape ayon sa inilalarawan sa Basic na navigation sa itaas.
  • Para ilipat ang focus sa iyong mga mensahe sa Chat sa Kaliwang bahagi ng navigation, pindutin ang h pagkatapos ay c.
  • Para ilipat ang focus sa iyong mga mensahe sa Spaces sa Kaliwang bahagi ng navigation, pindutin ang h pagkatapos ay r.
  • Para magdagdag, gumawa, o maghanap ng tao, grupo, o Space, pindutin ang Ctrl + k. Kung wala ka sa Edit mode, pareho ang ginagawa ng shortcut na q at ng Ctrl + k.
    • Para magdagdag o gumawa, pindutin ang Pababang arrow sa gusto mong opsyon.
    • Para maghanap ng kasalukuyang pag-uusap, mag-type ng bahagi ng pangalan at pagkatapos ay pindutin ang Pababang arrow hanggang sa gusto mong tugma.
  • Para maghanap ng mga tao, space, o mensahe, pindutin ang Slash key kapag wala sa Edit mode.
  • Para magsimula ng bagong Paksa sa isang Space, o ng bagong mensahe sa isang Chat, pindutin ang Ctrl + s.
  • Para buksan ang menu ng isang Chat o Space, pindutin ang Ctrl + g. Para sa mga detalye, pumunta sa I-access ang mga opsyon sa mensahe at Space sa ibaba.
  • Para sumagot sa isang pag-uusap o Paksa at ilipat ang focus sa Field ng pag-edit ng mensahe, pindutin ang r.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa mga pakikipag-ugnayan sa iba't ibang element, pumunta sa Tumapos ng mga karaniwang gawain sa Chat sa ibaba at sumangguni sa dokumentasyon para sa iyong screen reader.

Tumapos ng mga karaniwang gawain sa Chat sa pamamagitan ng screen reader

Mga direktang mensahe

Ang mga direktang mensahe, na tinatawag ding mga DM at Chat, ay mga pag-uusap sa pagitan mo at ng isa o higit pang tao. Sa mga direktang mensahe, may iisang level lang ang listahan ng mensahe.

Magbasa ng direktang mensahe

  1. Pindutin ang Escape, pagkatapos ay h saka c para lumipat sa seksyon para sa Chat ng Kaliwang bahagi ng navigation.
  2. Pindutin ang Pataas o Pababang arrow para piliin ang taong nagpadala ng mensaheng gusto mong basahin at pagkatapos ay pindutin ang Enter.
  3. Pindutin ang Escape para lumipat sa Navigation mode.
  4. Pindutin ang Pataas o Pababang arrow para suriin ang mga nakaraang mensahe sa chat.
  5. Kung may kasamang link ang mensahe, pindutin ang Tab para ilipat sa link ang focus, pagkatapos ay pindutin ang Enter para buksan ang link.

Para suriin ang mga kamakailang mensahe pero panatilihin ang focus sa Field ng pag-edit ng mensahe:

  • Para sa Windows: Pindutin ang Alt + {numero}.
  • Para sa ChromeOS: Pindutin ang Alt + Shift + {numero}.
  • Para sa MacOS: Pindutin ang Option + {numero}.
  • Palitan ng 1 hanggang 9 ang {numero} para sa 9 na pinakabagong mensahe.

Magpalipat-lipat sa mga direktang mensahe

Para maghanap ng tao o grupong pinadalhan mo ng mensahe:

  1. Pindutin ang Ctrl + k para buksan ang combo box na “Magdagdag ng 1 o higit pang tao.”
  2. I-type ang pangalan ng tao o grupong gusto mong hanapin. Habang nagta-type ka, isasaad ng Chat ang pangalan.
  3. Pumili ng pangalan:
    • Kung isasaad ng Chat ang gusto mong pangalan, pindutin ang Ctrl + Enter.
    • Kung hindi isasaad ng Chat ang gusto mong pangalan, pindutin ang Pababang arrow hanggang marinig mo ang pangalan at pagkatapos ay pindutin ang Ctrl + Enter.
    • Kung hindi mo pa rin maririnig ang pangalan ng tao, i-type ang buong username niya at pindutin ang Enter.

Para magbukas ng mensahe sa listahan ng mga lumang mensahe:

  1. Pindutin ang Escape at pagkatapos ay Pakaliwang arrow para lumipat sa Kaliwang bahagi ng navigation.
  2. Pindutin ang Pataas o Pababang arrow hanggang mahanap mo ang taong gusto mong padalhan ng mensahe.
  3. Pindutin ang Enter.

Tip: Habang gumagalaw na sa Kaliwang bahagi ng navigation, sasabihin sa iyo kung may mga hindi pa nababasang mensahe para sa direktang mensahe o Space. Para lumipat sa susunod na hindi pa nababasang mensahe, pindutin ang Shift + Pababang arrow.

Sumagot sa direktang mensahe

  1. Gamitin ang mga hakbang sa mga naunang seksyon para hanapin o puntahan ang taong gusto mong padalhan ng sagot. Mula sa Navigation mode, pindutin ang r para ibalik ang focus sa Field ng pag-edit ng mensahe.
  2. I-type ang text ng mensahe at pagkatapos ay pindutin ang Enter.
  3. Kapag wala sa Edit mode, puwede kang magbigay ng reaksyong emoji sa isang mensahe:
    1. Pindutin ang Tab papunta sa button na “Magdagdag ng reaksyon” at pindutin ang Space.
    2. Mag-type ng bahagi ng pangalan ng isang emoji.
    3. Pindutin ang Tab nang dalawang beses papunta sa listahan ng mga tugma.
    4. Pindutin ang Pababang arrow papunta sa gusto mong emoji at pindutin ang Enter.

Gumamit ng smart reply

Mahalaga: Hindi available ang mga smart reply sa ilang mensahe.

  1. Habang nasa Field ng pag-edit ng mensahe ang focus, pindutin ang Shift + Tab hanggang maabot mo ang isa sa 3 button ng iminumungkahing sagot.
  2. Pindutin ang Spacebar para pumili ng sagot at i-load ito sa Field ng pag-edit ng mensahe.
  3. Magdagdag ng content kung gusto mo, pagkatapos ay pindutin ang Enter para ipadala ang sagot.

Magpadala ng direktang mensahe sa maraming tao

  1. Pindutin ang Ctrl + k para buksan ang combo box na “Magdagdag ng 1 o higit pang tao.”
  2. I-type ang pangalan ng taong gusto mong idagdag. Habang nagta-type ka, isasaad ng Chat ang pangalan.
  3. Pumili ng pangalan:
    • Kung isasaad ng Chat ang gusto mong pangalan, pindutin ang Ctrl + Enter.
    • Kung hindi isasaad ng Chat ang gusto mong pangalan, pindutin ang Pababang arrow hanggang marinig mo ang pangalan at pagkatapos ay pindutin ang Ctrl + Enter.
    • Kung hindi mo pa rin maririnig ang pangalan ng tao, i-type ang buong username niya at pindutin ang Enter.
  4. Ulitin ang hakbang 3 at 4 para idagdag ang lahat ng gusto mong tao sa mensahe.
  5. Pindutin ang Enter para ilipat ang focus sa Field ng pag-edit ng mensahe sa bagong Chat.
  6. I-type ang iyong mensahe at pagkatapos ay pindutin ang Enter.

Mag-edit ng na-post na mensahe

Para i-edit ang pinakabagong mensaheng na-post mo, pindutin ang Pataas na arrow mula sa Field ng pag-edit ng mensahe. I-edit ang mensahe, pagkatapos ay pindutin ang Enter para i-post ito ulit o Escape para kanselahin ang mga pagbabago.

I-on o i-off ang history para sa direktang mensahe

Kung pinapayagan ng iyong administrator, puwede mong piliing i-save ang history ng mensahe mo. Maririnig mo kung naka-on o naka-off ang history kapag nag-focus ka sa Field ng pag-edit ng mensahe ng pag-uusap.

  1. Sa Kaliwang bahagi ng navigation, piliin ang pag-uusap kung para saan mo gustong baguhin ang mga setting ng history at pindutin ang Enter.
  2. Pindutin ang Ctrl + g para buksan ang menu ng pag-uusap.
  3. Pindutin ang Pababang arrow papunta sa "History" at pindutin ang Spacebar o Enter para baguhin ang kasalukuyang setting. Hindi mababago ang ilang setting ng History.

Spaces

Ang Spaces ay para sa mga aktibong pangmatagalang pag-uusap sa team o grupo ng mga tao. Posibleng magbago ang membership ng isang Space sa paglipas ng panahon dahil sa pagsali o pag-alis ng mga tao sa pag-uusap.

Puwedeng magkaroon ng 1 o 2 level ang Mga Space. May 1 level ang Mga Space na walang Mga Paksa gaya ng mga pag-uusap sa Chat, at sa Field ng pag-edit ng mensahe unang mapupunta ang focus. May 2 level ang Mga Space na may Mga Paksa. Level 1 ang listahan ng Mga Paksa ng pag-uusap. Level 2 ang mga mensahe sa isang Paksa. Kapag nagbukas ka ng Space, mapupunta ang focus sa pinakalumang hindi pa nababasang Paksa. Kung walang hindi pa nababasang Paksa, mapupunta ang focus sa pinakabagong Paksa.

Magbasa ng mga mensahe sa Spaces

  1. Kung nasa field ng pag-edit ang focus (Edit mode), pindutin ang Escape para lumipat sa Navigation mode.
  2. Pindutin ang h pagkatapos ay r para lumipat sa seksyong Spaces ng Kaliwang bahagi ng navigation.
  3. Pindutin ang Pataas o Pababang arrow hanggang makaabot ka sa Space na gusto mo at pagkatapos ay pindutin ang Enter. Puwede mong gamitin ang Shift + Pataas o Pababang arrow para lumipat sa Mga Space na may hindi pa nababasang content.
  4. Kung walang Paksa ang Space, lilipat ang focus sa Field ng pag-edit ng mensahe gaya ng mensahe sa Chat.
  5. Kung may Mga Paksa ang Space, pindutin ang Pataas o Pababang arrow para mag-navigate sa iba't ibang Paksa.
  6. Pindutin ang Pakanang arrow para magbukas ng Paksa.
  7. Pindutin ang Pataas o Pababang arrow para basahin ang mga mensahe.
  8. Pindutin ang Pakaliwang arrow para bumalik sa level ng Paksa.

Para suriin ang mga kamakailang mensahe pero panatilihin ang focus sa field ng pag-edit:

  • Para sa Windows: Pindutin ang Alt + {numero}.
  • Para sa ChromeOS: Pindutin ang Alt + Shift + {numero}.
  • Para sa MacOS: Pindutin ang Option + {numero}.
  • Palitan ng 1 hanggang 9 ang {numero} para sa 9 na pinakabagong mensahe.

Sumagot sa mga mensahe sa Spaces

  1. Pindutin ang shortcut na r para ilipat sa field ng pag-edit ang focus.
  2. I-type ang iyong mensahe at pagkatapos ay pindutin ang Enter.
  3. Para pumunta sa ibang Paksa, pindutin ang Ctrl + j (⌘ + j sa Mac) para lumipat sa huling Paksa, at pagkatapos ay Pataas na arrow papunta sa bagong Paksa. Para sumagot sa Paksang ito, pindutin ang shortcut na r para ilipat sa field ng pag-edit ang focus.
Tip: Sa Spaces, puwede ka ring Gumamit ng smart reply.

Gumawa ng Paksa ng pag-uusap sa isang Space

  1. Ilipat sa anumang Paksa ang focus.
  2. Pindutin ang Ctrl + s para buksan ang Field ng pag-edit ng mensahe.
  3. Mag-type ng text ng mensahe na naglalarawan sa iyong bagong Paksa at pagkatapos ay pindutin ang Enter.

Magiging unang mensahe sa Paksa at pangalan ng Paksa ang iyong mensahe.

Tip: Mave-verify mong gagawa ka ng bagong Paksa sa pamamagitan ng pangalan ng naka-focus na field ng pag-edit:

  • Ang bagong paksa ay may pangalang "Mensahe" na sinusundan ng pangalan ng Space.
  • May pangalang "Sagot" ang sagot sa kasalukuyang Paksa.

Gumawa ng Space

  1. Pindutin ang Ctrl + i para buksan ang dialog na "Gumawa ng Space."
  2. I-type ang kinakailangang "Pangalan ng Space."
  3. Para gumawa ng Space kung saan ikaw lang ang miyembro, pindutin ang Enter.
  4. Para sa iba pang opsyon, pindutin ang Tab para:
    • Magdagdag ng paglalarawan ng Space.
    • Magdagdag ng mga tao o grupo sa Space.
    • Tukuyin kung sino ang puwedeng sumali sa bagong Space.
    • Tukuyin kung puwedeng sumali sa Space ang mga taong hindi bahagi ng iyong trabaho o paaralan.
    • I-activate ang button na Advanced para ipakita ang checkbox para "Isaayos ang pag-uusap ayon sa paksa."
    • I-activate ang button na Kanselahin o Gawin.

Sumali sa kasalukuyang Space

  1. Pindutin ang Ctrl + o.
  2. Mag-type ng anumang bahagi ng pangalan.
  3. Gamitin ang Pataas o Pababang arrow para gumalaw-galaw sa listahan ng Mga Space.
  4. Kapag may nahanap kang gusto mo, pindutin ang Tab papunta sa checkbox na "Sinalihan ang Space" at pindutin ang Spacebar para lagyan ito ng check.
  5. Pindutin ang Enter para salihan at buksan ang bagong Space.

Magdagdag ng mga tao sa isang Space

  1. Piliin ang Space na gusto mong i-update.
  2. Pindutin ang Ctrl + g para buksan ang menu ng Space.
  3. Pindutin ang Pababang arrow para pumunta sa "Pamahalaan ang mga miyembro" at pagkatapos ay pindutin ang Enter.
  4. Pintdutin ang Tab para pumunta sa button na Magdagdag at pindutin ang Enter.
  5. I-type ang pangalan ng taong gusto mong idagdag. Habang nagta-type ka, maririnig mo ang tumutugmang pangalan.
  6. Pumili ng pangalan:
    • Kung isasaad ng Chat ang gusto mong pangalan, pindutin ang Ctrl + Enter.
    • Kung hindi isasaad ng Chat ang gusto mong pangalan, pindutin ang Pababang arrow hanggang marinig mo ang pangalan at pagkatapos ay pindutin ang Ctrl + Enter.
    • Kung hindi mo pa rin maririnig ang pangalan ng tao, i-type ang buong username niya at pindutin ang Enter.
  7. Pindutin ang Tab hanggang mapunta ka sa button na Idagdag at pindutin ang Enter.

Mga file sa isang Space

Puwede kang mag-post ng mga file sa isang Space para matalakay o maibahagi ito sa mga miyembro ng Space. Kapag nagbukas ka ng Space, mapupunta ang focus sa Field ng pag-edit ng mensahe o sa pinakabagong Paksa. Mula sa field ng pag-edit, pindutin ang Shift + Tab para ilipat ang focus sa button na "Mga tool sa Google Workspace," kung saan makakapagdagdag ka ng file mula sa Drive o imbitasyon sa Calendar.

Para tingnan ang mga file na na-post ng iba, pindutin ang Ctrl + g para pumunta sa menu ng Space, pagkatapos ay pindutin nang ilang beses ang Tab para pumunta sa tab na Chat. Pindutin ang Pakanang arrow papunta sa tab na Mga File at pagkatapos ay pindutin ang Enter. Kapag binuksan mo ang tab na Mga File, mapupunta ang focus sa button na "Magdagdag ng File." Kung may anumang ibinahaging file, puwede mong pindutin ang Tab para mapunta sa 3 element para sa bawat file:

  1. Mga detalye ng file: Ang pangalan ng file, kung sino ang nag-post nito, at kung kailan ito na-post. Pindutin ang Enter para buksan ang file sa bagong tab ng browser.
  2. Opsyong "Ilipat sa loob ng Drive" o "Magdagdag ng shortcut sa Drive."
  3. Opsyong "Tingnan sa Chat," na naglilipat ng focus sa kung saan idinagdag ang file para magbigay ng konteksto.

Mga App

Mahalaga: Para gumamit ng mga app sa Google Chat, kailangan mong gumamit ng account sa trabaho o paaralan at kailangan kang bigyan ng iyong administrator ng Google Workspace ng pahintulot na mag-install ng mga app.

Ang mga app ay mga espesyal na account na puwede mong maka-chat, katulad lang din ng mga tao. Puwede kang makipag-ugnayan sa mga app sa kaswal na paraan para maghanap ng impormasyon, mag-iskedyul ng mga meeting, o gumawa ng iba pang gawain. Google ang gumagawa at nagpapanatili sa ilang app, gaya ng Google Meet at Google Drive app. Mga vendor ng third-party software ang gumagawa at nagpapanatili sa ibang app.

Maghanap ng mga app

  1. Pindutin ang Ctrl + k para buksan ang combo box na “Magdagdag ng 1 o higit pang tao.”
  2. Pindutin ang Pababang arrow hanggang mapunta ka sa "Maghanap ng mga app" at pindutin ang Enter.
  3. Mag-type ng bahagi ng pangalan, o gamitin ang Tab at mga Arrow key para i-explore ang iniaalok na content.
  4. Pindutin ang Enter sa isang app at i-explore ang paglalarawan sa dialog. Unang mapupunta ang focus sa button para sa pagdaragdag ng app sa Chat.
  5. Pindutin ang Enter para idagdag ang app na ito sa iyong hanay ng mga pag-uusap sa Chat.
  6. Para idagdag ang app sa isang Space:
    1. Pindutin ang Tab papunta sa button na "Idagdag sa Space."
    2. Pindutin ang Enter para buksan ang dialog na "Maglagay ng pangalan ng space."
    3. Mag-type ng bahagi ng pangalan o pindutin ang Pababang arrow papunta sa Space kung saan mo gustong idagdag ang app.
  7. Pagkatapos ma-activate ang isa sa mga button, madaragdag ang app at madi-dismiss ang dialog.

Tip: Ganito maghanap ng app at magdagdag nito sa Chat o Space. Para sa pagdaragdag ng app sa kasalukuyang space nang walang karagdagang hakbang ang susunod na seksyon.

Magdagdag ng app sa Space

  1. Piliin ang Space na gusto mong i-update.
  2. Pindutin ang Ctrl + g para buksan ang menu.
  3. Pindutin ang Pababang arrow hanggang mapunta ka sa "Mga app at pag-integrate" at pagkatapos ay pindutin ang Enter.
  4. Pindutin ang Tab papunta sa button na “Magdagdag ng mga app” at pagkatapoas ay pindutin ang Enter.
  5. I-type ang pangalan ng app na gusto mong idagdag. Habang nagta-type ka, maririnig mo ang tumutugmang pangalan.
  6. Pumili ng pangalan:
    • Kung marinig mo ang gusto mong pangalan, pindutin ang Enter.
    • Pindutin ang Pababang arrow hanggang marinig mo ang pangalang gusto mo at pagkatapos ay pindutin ang Enter.
  7. Pindutin ang Tab hanggang mapunta ka sa button na Idagdag at pagkatapos ay pindutin ang Enter.

Magmensahe sa app sa isang Space

  1. Buksan ang Space kung nasaan ang app.
  2. Pindutin ang Ctrl + s para magbukas ng bagong Paksa.
  3. I-type ang "@appname" na sinusundan ng iyong mensahe. Palitan ng pangalan ng app ang "appname."
  4. Pindutin ang Enter, pagkatapos ay hintayin itong tumugon.

Tingnan ang mga command na magagamit mo sa isang app

  • Sa direktang mensahe sa app, i-type ang "help."
  • Sa Space, i-type ang "@appname help." Palitan ng pangalan ng app ang "appname."

Maghanap

Para maghanap ng content sa Chat o Space:

  1. Pindutin ang Slash kapag wala sa Edit mode.
  2. I-type ang termino para sa paghahanap at mga tao, grupo, o Space ang mga unang tugma.
  3. Pindutin ang Pataas na arrow para pumunta sa huling opsyon para sa "Higit pang resulta ng paghahanap."
  4. Pindutin ang Enter para ipakita ang lahat ng mensaheng naglalaman ng iyong termino para sa paghahanap. Magkakasunod-sunod ang mga resulta mula sa pinakabago.
  5. Pindutin ang Pababang arrow papunta sa mga mensaheng naglalaman ng iyong termino para sa paghahanap.

Tip: Mag-activate ng resulta at pumunta sa mensahe sa Chat o Paksa sa Spaces na mayroon ng resulta. Gamitin ang shortcut para bumalik ng browser para bumalik sa mga resulta ng paghahanap. Gamitin ulit ang shortcut para bumalik ng browser para umalis sa mga resulta ng paghahanap.

Baguhin ang mga setting ng notification

Puwede mong baguhin kung paano ka naaabisuhan sa Chat app, o sa bawat pag-uusap. Inilalarawan ang mga opsyon sa pag-uusap sa I-access ang mga opsyon sa mensahe at Space sa ibaba.

Para buksan ang Mga Setting para sa Chat app:

  1. Pindutin ang Escape para lumipat sa Navigation mode.
  2. Pindutin ang Slash para ilipat ang focus sa field na "Maghanap ng mga tao, space, at mensahe."
  3. Pindutin ang Tab papunta sa button na Mga Setting at pindutin ang Enter para buksan ang dialog ng mga setting kung saan kasama ang mga opsyon sa notification.
  4. Gumawa ng mga pagbabago, pagkatapos ay pindutin ang Tab papunta sa button na Tapos na at pindutin ang Enter.

I-access ang mga opsyon sa mensahe at Space

Pindutin ang Ctrl + g para buksan ang menu ng mga opsyon para sa mga mensahe sa Chat at Space. Kabilang sa menu na ito ang:

  • Tingnan ang mga miyembro o Pamahalaan ang mga miyembro
  • Mga app at pag-integrate
  • I-pin ang pag-uusap sa Chat o Spaces
  • Mga opsyon sa notification para sa pag-uusap na ito
  • I-toggle ang History
  • I-block ang pag-uusap

Gumamit ng mga smart reply

Para sa mga partikular na mensaheng natatanggap mo, nagbibigay ang Chat ng mga suhestyong magagamit mo para makapagpadala ng mga mabilisang sagot.

Tiyaking naka-on ang smart reply

  1. Buksan ang Mga Setting ayon sa inilalarawan sa nakaraang seksyon.
  2. Pindutin ang Tab papunta sa checkbox na "I-enable ang smart reply sa web at desktop."
  3. Pindutin ang Spacebar para i-on o i-off ito.


Ang Google, Google Workspace, at mga kaugnay na marka at logo ay mga trademark ng Google LLC. Ang lahat ng iba pang pangalan ng kumpanya at produkto ay mga trademark ng mga kumpanya kung saan nauugnay ang mga ito.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4004116668140993650
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false