Gamitin ang Bulk Member Manager app

Para maramihang magdagdag o mag-alis ng maraming miyembro sa isang space, gamitin ang Bulk Member Manager app para sa Google Chat. Sa app, magagawa mong:

  • Kumopya at mag-paste ng mga email address.
  • Magdagdag ng comma-separated values (.csv) file (computer lang).

Bago ka magsimula

  • Para magamit ang Bulk Member Manager app, dapat ay isa kang:
    • Manager ng space
    • Miyembro ng space na may pahintulot na mamahala ng mga miyembro
  • Kailangan mo ng pahintulot mula sa iyong administrator ng Google Workspace para makapag-install ka ng mga app.
  • Kailangan mong idagdag ang app sa Chat. Alamin kung paano maghanap ng mga app at idagdag ang mga ito sa Chat.

I-set up ang Bulk Member Manager app sa Chat

Mahalaga: Mga email address lang ang puwede mong gamitin para mapamahalaan ang mga membership sa mobile app.

  1. Buksan ang Chat app o Gmail app .
  2. Hanapin ang space.
  3. Sa itaas, i-tap ang pangalan ng space at pagkatapos ay Pamahalaan ang mga app.
  4. I-tap ang Magdagdag ng mga app Magdagdag.
  5. Sa search bar, ilagay ang “Bulk Member Manager.”
  6. I-tap ang app at pagkatapos ay Tapos na.
  7. Para ma-update ang mga membership, gumamit ng mga email address:
    1. Sa lugar para sa sagot, maglagay ng slash command.
      • Para magdagdag ng mga miyembro, ilagay ang /addDialog.
      • Para mag-alis ng mga miyembro, ilagay ang /removeDialog.
    2. I-tap ang Ipadala .
    3. Kopyahin at i-paste ang listahan ng mga email address.
      • Gumamit ng mga kuwit para paghiwa-hiwalayin ang mga email address sa listahan.
    4. I-tap ang Ipadala ang kahilingan.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
18056728944864405031
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false