Alamin ang tungkol sa mga custom na emoji sa Google Chat

Gumawa at mag-share ng mga custom na emoji sa iyong organisasyon sa pamamagitan ng Google Chat. Gamitin ang iyong mga custom na emoji para mag-personalize ng mga mensahe at ibahagi ang kultura ng iyong team.

Mahalaga:

  • Available lang ang mga custom na emoji para sa mga account sa trabaho at pampaaralang account.
  • Puwedeng i-on o i-off ng iyong administrator ang mga custom na emoji. Alamin kung sino ang administrator mo.
  • Hindi ka makakapag-share ng mga custom na emoji sa mga tao sa labas ng iyong organisasyon.

Gumamit ng mga custom na emoji sa Chat

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Google Chat app  o sa tab na Chat sa Gmail app .
  2. Mag-tap sa isang pag-uusap sa chat.
  3. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Magdagdag ng emoji Emoji.
  4. Mag-tap sa Mga custom na emoji  para buksan ang lahat ng custom na emoji ng iyong organisasyon.

Hanapin ang iyong custom na emoji

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Google Chat app  o sa tab na Chat sa Gmail app .
  2. Mag-tap sa isang pag-uusap sa chat.
  3. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Magdagdag ng emoji Emoji.
  4. Mag-tap sa Mga custom na emoji  at pagkatapos ay Pamahalaan.

Tip: Puwede kang maghanap ng mga custom na emoji sa pamamagitan ng pangalan.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13473560282856488994
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false