Gamitin ang PagerDuty app

Gamitin ang PagerDuty app sa Google Chat para makatanggap ng mga notification tungkol sa mga insidente sa PagerDuty at makumpirma, malutas, at maitala ang mga bagong insidente.

Bago ka magsimula

  • Kailangan mo ng pahintulot mula sa iyong administrator ng Google Workspace para makapag-install ka ng mga app.
  • Kailangan mong idagdag ang app sa Chat. Alamin kung paano maghanap ng mga app at idagdag ang mga ito sa Chat.
  • Kailangan mo ng PagerDuty account na may mga pahintulot ng Admin o May-ari ng Account para ma-set up muna ang pag-integrate.

I-set up ang PagerDuty app sa Chat

  1. Buksan ang Chat.
  2. Pumili ng opsyon:
  • Magbukas ng direktang mensahe sa app.
  • Pumunta sa isang space kung nasaan ang app.
  1. Para mag-sign in sa iyong PagerDuty account at subdomain, i-click ang Authorize. Para ma-set up ang app, dapat kang mag-sign in sa isang PagerDuty account na may mga pahintulot ng Admin o May-ari ng Account sa subdomain.
  2. Kumpletuhin ang pag-sign in sa website ng PagerDuty.
  3. Payagan ang PagerDuty app sa Chat na i-access ang ilang pahintulot sa PagerDuty.
  4. Kung ipo-prompt, piliin ang tamang PagerDuty account na gagamitin.
  5. Kapag nakakonekta na, i-configure ang iyong mga setting ng notification sa pamamagitan ng paglalagay ng “/pd_settings.”
  6. I-click ang Create New Settings.
  7. Piliin ang source ng PagerDuty kung saan mo gustong makatanggap ng mga notifcation.
  8. Lagyan ng check ang mga kahon ng mga item kung saan mo gustong makatanggap ng mga notification sa Chat.
  9. I-click ang Save.
  10. (Opsyonal) Para magdagdag ng iba pang proyekto, ilagay ulit ang “/pd_settings.” Pagkatapos, sa ibaba ng dialog, i-click ang button na Authorize.

Dapat kang mag-set up ng mga notification sa bawat space kung saan mo idaragdag ang app. Magpapadala ang app ng mga notification sa lahat ng space kung saan ito miyembro.

Baguhin ang mga setting ng app

Mga Admin ng PagerDuty at May-ari ng Account lang ang puwedeng magbago sa mga setting.

  1. Buksan ang Chat.
  2. Pumili ng opsyon:
    • Magbukas ng direktang mensahe sa app.
    • Pumunta sa isang Space kung nasaan ang app.
  3. Ilagay ang mga setting.
    • Sa Space, ilagay ang “/pd_settings”. Lalabas ang mga kasalukuyang setting para sa app.
    • Kung ikaw ay nasa isang direktang mensahe sa app, puwede mong tingnan ang lahat ng iyong aktibong koneksyon sa PagerDuty.
    • Kung nasa isang Space ka, puwede mong tingnan ang lahat ng koneksyon sa PagerDuty na aktibo sa Space na iyon.
  4. Para i-edit o i-delete ang anumang visible na koneksyon, i-click ang I-edit o I-delete.
  5. Para makagawa ng mga bagong koneksyon sa PagerDuty, i-click ang Authorize.

Kapag inalis ang app sa isang space, made-delete ang mga setting ng app.

Gamitin ang app sa mga space

Para magamit ang app sa mga space, puwede kang gumamit ng iba't ibang command sa pamamagitan ng paglalagay ng “/”. Para makita ang buong listahan ng mga command, ilagay ang “/pd_help”.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17139337258883662413
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1026838
false
false