Maglipat ng mga kalendaryo o event sa Google

Puwede kang maglipat ng mga pag-aari mong kalendaryo sa ibang may-ari Puwede ka ring maglipat ng mga event sa ibang may-ari o kalendaryo.

Tip: Kapag naglipat ka ng mga event na may link ng Google Meet, maaapektuhan din ang mga patakaran sa pakikipagkumperensya gamit ang video na naaangkop sa event na iyon. Alamin kung paano nalalapat ang mga setting ng nalipat na event sa Google Calendar .

Maglipat ng kalendaryong ginawa mo
Kung may kalendaryo ka, at na-delete ang iyong Google account, made-delete din ang kalendaryo mo. Para i-save ang kalendaryo, ilipat ang pagmamay-ari sa ibang tao. Kung lilipat ka sa bagong Google account, mag-import ng mga event sa iyong bagong Google Calendar.
  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar.
  2. Sa kaliwang bahagi ng page, i-click ang Aking mga kalendaryo.
  3. Mag-hover sa kalendaryo kung saan mo gustong magdagdag ng tao, at i-click ang Mga Opsyon Higit paat pagkatapos ay Mga setting at pagbabahagi.
  4. Sa seksyong "Ibahagi sa mga partikular na tao," i-click ang Magdagdag ng mga tao.
  5. Ilagay ang email address ng tao o pangkat na gusto mong gawing may-ari.
  6. Sa "Mga Pahintulot," piliin ang Gumawa ng mga pagbabago at pamahalaan ang pagbabahagi.
  7. I-click ang Ipadala.

Magiging pagmamay-ari na rin ng idinagdag mong tao o pangkat ang kalendaryo.

Maglipat ng event sa isang kalendaryong hindi mo pag-aari

Kung gagawa ka ng event, puwede kang magtalaga ng ibang tao bilang may-ari nito. Kapag ibang tao na ang may-ari nito, puwede niyang baguhin ang anumang detalye ng event.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar.
  2. Mag-click sa isang event at pagkatapos ay Mga opsyon Higit paat pagkatapos ay Palitan ang may-ari.
  3. Maglagay ng bagong may-ari at ng mensaheng ipapadala sa kanya.
  4. I-click ang Palitan ang may-ari.
  5. Makakatanggap ang bagong may-ari ng email na may link. Valid ang link nang 60 araw.
    Mahalaga: Hangga't hindi tinatanggap ng bagong may-ari ang pagmamay-ari, ikaw ang may-ari sa event.
Maglipat ng event sa isang kalendaryong pagmamay-ari mo
  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar.
  2. Mag-click ng event at pagkatapos ay I-edit ang event I-edit.
  3. Sa tabi ng Calendar Calendar at pangalan ng kalendaryo, i-click ang Pababang arrow Pababang arrow.
  4. Piliin ang kalendaryo kung saan mo gustong ilipat ang event.
  5. I-click ang I-save.
Kumopya ng event sa iba pang kalendaryo
  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar.
  2. Mag-click ng event at pagkatapos ay Mga opsyon Higit pa.
  3. Pumili ng kalendaryo kung saan kokopyahin ang event. 
  4. I-click ang I-save.

Alamin kung paano ibahagi sa isang tao ang iyong kalendaryo.

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1531662466102065577
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
88
false
false