I-print ang iyong kalendaryo

Puwede mong i-print ang iyong kalendaryo sa Google sa anumang hanay ng petsa.

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar.
  2. Para pumili ng hanay ng petsa, sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang:
    • Araw
    • Linggo
    • Buwan
    • Taon
    • Iskedyul
    • 4 na araw
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga settingat pagkatapos ay I-print.
  4. Sa page na "Preview sa pag-print," baguhin ang mga detalye gaya ng laki o kulay ng font.
    • Para pumili ng mga opsyon sa laki, i-click ang I-print.
  5. I-click ang I-print.

Tip: Kapag may available na space, ipapakita rin ang lokasyon o (mga) kuwarto ng mga event.

 

Magtakda ng mga advanced na opsyon sa pag-print

Itago ang iyong mga kalendaryo
  1. Sa kaliwa, sa ilalim ng "Aking mga kalendaryo" o "Iba pang kalendaryo," i-click ang pangalan ng mga kalendaryong gusto mong itago. Nakatago ang mga ito kung binalangkasan ang parisukat sa tabi ng kalendaryo.
  2. Para i-print, sundin ang mga hakbang sa itaas ng page na ito.

Tip: Para i-unhide ang isang kalendaryo, i-click ito.

Pagkasyahin ang iyong kalendaryo sa isang page

Ilang araw lang ang kasya sa isang page. Para magkasya nang mas maayos ang iyong kalendaryo:

Lumipat sa Landscape o Portrait mode

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga settingat pagkatapos ay I-print.
  2. Sa page na "Preview sa pag-print," i-click ang dropdown ng Oryentasyon Drop-down na arrow.
  3. I-click ang Landscape o Portrait.
  4. I-click ang I-print.

Itago ang mga weekend

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga settingat pagkatapos ay I-print.
  2. Sa ilalim ng "Mga opsyon sa view," i-deselect ang Ipakita ang mga weekend.
  3. I-click ang I-print.

Baguhin ang laki ng font

  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga settingat pagkatapos ay I-print.
  2. Sa page na "Preview sa pag-print," paliitin o palakihin ang font. 
  3. I-click ang I-print.

Tip: Kung babaguhin mo ang laki ng font, hindi nito mababago ang bilang ng mga araw sa isang page. Puwede nitong gawing mas madaling basahin ang iyong kalendaryo.

I-save bilang PDF
  1. Sundin ang mga hakbang para ma-print ang iyong kalendaryo.
  2. Sa huling window na may mga opsyon sa pag-print, sa ilalim ng "Destinasyon," i-click ang Baguhin.
  3. Sa ilalim ng "Mga destinasyon ng pag-print," i-click ang I-save bilang PDF.
  4. I-click ang I-save.

Tip: Para makita ang PDF ng iyong kalendaryo, tingnan ang mga download ng computer mo.

I-print nang colored
  1. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay I-print.
  2. Sa ilalim ng “Kulay at istilo,” i-click ang Full color.
  3. I-click ang I-print.

Tip: Kung “Full color” ang pipiliin, lalabas ang mga RSVP bilang:

  • Hindi sumagot: transparent na kahon
  • Hindi: transparent na kahong may bilog na may markang ekis
  • Oo: full color na kahon
  • Hindi Sigurado: full color na may tandang pananong
Isama ang mga detalye ng event sa kalendaryo
  1. Sa kanang bahagi sa itaas, tiyaking nasa "View ng iskedyul" ang iyong kalendaryo.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting Mga setting at pagkatapos ay I-print.
  3. Sa dialogue ng preview sa pag-print, sa ilalim ng "Higit pang opsyon," piliin ang Mga paglalarawan sa pag-print at I-print ang iyong sagot.
  4. I-click ang I-print
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13650500146947734808
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
88
false
false