Ibahagi ang iyong kalendaryo sa isang tao

Mahalaga: Mag-ingat kapag ibinabahagi ang iyong kalendaryo at piliin kung ano ang maa-access ng iba. Magagawa ng sinumang may mga pahintulot sa ganap na access sa iyong kalendaryo na:

  • sumagot sa mga imbitasyon
  • gumawa at mag-edit ng mga event
  • ibahagi ang iyong kalendaryo sa ibang tao
  • tumanggap ng mga email tungkol sa mga pagbabago sa iyong kalendaryo
  • i-delete ang iyong kalendaryo

Tip: Kung ang iyong account ay pinapamahalaan sa pamamagitan ng trabaho o paaralan, posibleng limitado o naka-off ang pagbabahagi sa labas ng organisasyon ng account ng admin mo. Para matuto pa, makipag-ugnayan sa iyong admin.

Ibahagi ang iyong kalendaryo

Puwede mong ibahagi ang anumang kalendaryong ginawa mo, at puwede kang magtakda ng magkakaibang pahintulot sa pag-access para sa bawat kalendaryo. Alamin kung paano gumawa ng bagong kalendaryo.

Magbahagi ng kalendaryo sa mga partikular na tao

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar. Hindi ka puwedeng magbahagi ng mga kalendaryo mula sa Google Calendar app.
  2. Sa kaliwa, hanapin ang seksyong ”Aking mga kalendaryo.” Para palawakin ito, i-click ang Pababang arrow Pababang arrow.
  3. Mag-hover sa kalendaryong gusto mong ibahagi, at i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga setting at pagbabahagi.
  4. Sa ilalim ng “Ibahagi sa mga partikular na tao,” i-click ang Magdagdag ng mga tao.
  5. Idagdag ang email address ng isang tao o Google group. Gamitin ang drop-down na menu para isaayos ang kanilang mga setting ng pahintulot. Matuto pa tungkol sa mga pahintulot sa pag-access.
  6. I-click ang Ipadala.
  7. Kakailanganin ng tatanggap na i-click ang na-email na link para idagdag ang kalendaryo sa kanyang listahan. Alamin kung paano idagdag ang kalendaryo ng ibang tao.

Tip: Para maibahagi ang isang kalendaryong hindi mo pagmamay-ari, kailangan mong hilingin sa may-ari na bigyan ka ng pahintulot na “Gumawa ng mga pagbabago at pamahalaan ang pagbabahagi.”

Magbahagi ng kalendaryo sa publiko

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar. Hindi ka puwedeng magbahagi ng mga kalendaryo mula sa Google Calendar app.
  2. Sa kaliwa, hanapin ang seksyong ”Aking mga kalendaryo.” Para palawakin ito, i-click ang Pababang arrow Pababang arrow.
  3. Mag-hover sa kalendaryong gusto mong ibahagi, at i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga setting at pagbabahagi.
  4. Sa ilalim ng “Mga pahintulot sa pag-access,” piliin ang Gawaing available sa publiko.
  5. Sa tabi ng “Gawing available sa publiko,” piliin sa drop-down na menu ang antas ng pag-access na gusto mong ibigay. Matuto pa tungkol sa mga pahintulot sa pag-access.

Tip: Ang tanging paraan para makita ng mga taong walang Google Calendar ang iyong kalendaryo ay ang isapubliko ito. Matuto pa tungkol sa pagbabahagi sa publiko.

Ibahagi ang isang kalendaryo sa lahat ng kabilang sa iyong organisasyon

Kung ginagamit mo ang Google Calendar sa pamamagitan ng iyong trabaho, paaralan, o iba pang organisasyon, makikita mo ang opsyon para gawing available ang kalendaryo mo sa lahat ng kabilang sa iyong organisasyon sa ilalim ng “Mga pahintulot sa pag-access.” Matuto pa tungkol sa mga pahintulot sa pag-access.

Paano gumagana ang setting na ito

  • Makikita ng mga tao sa iyong organisasyon ang kalendaryo mo.
  • Hindi makikita ng mga taong wala sa iyong organisasyon ang kalendaryo mo.
  • Kung iimbitahan mo sa isang meeting ang isang taong nasa labas ng iyong organisasyon, makakakita siya ng impormasyon tungkol sa meeting.
  • Kapag ibinahagi mo ang iyong Kalendaryo sa lahat ng nasa organisasyon mo, puwede kang pumili sa "Libre/abala lang ang makita (itago ang mga detalye)" o "Makita ang lahat ng detalye ng event."

Kontrolin ang pag-access sa iyong kalendaryo at mga indibidwal na event

Unawain ang mga setting ng pahintulot para sa mga nakabahaging kalendaryo
Kapag ibinahagi mo ang iyong kalendaryo sa isang tao, puwede mong piliin kung paano niya makikita ang iyong mga event at kung makakagawa siya ng mga pagbabago gaya ng pagdaragdag o pag-edit ng mga event.

Pahintulot sa pag-access

Ang magagawa ng iba

Tingnan lang kung libre/abala (itago ang mga detalye)

  • Tingnan kung kailan naka-book ang iyong kalendaryo at kung kailan ito may libreng oras, pero hindi ang mga pangalan o detalye ng mga event mo.

Makita ang lahat ng detalye ng event

  • Makita ang mga detalye para sa lahat ng event maliban sa mga sumusunod:
    • Hindi makikita ang mga detalye ng mga event na minarkahan bilang pribado.
    • Hindi makikita ang listahan ng bisita ng mga event na walang pahintulot na "Makita ang listahan ng bisita."
  • Makita ang setting ng time zone para sa kalendaryo.
  • Mag-subscribe sa mga alerto sa email kapag may mga ginagawa, binabago, kinakansela, o nalalapit na event, o kapag may nag-RSVP sa mga ito.

Gumawa ng mga pagbabago sa mga event

  • Makita ang mga detalye para sa lahat ng event, kasama ang mga pribadong event.
  • Magdagdag at mag-edit ng mga event.
  • Mag-restore o permanenteng mag-delete ng mga event sa trash ng kalendaryo.
  • Makita ang setting ng time zone para sa kalendaryo.
  • Mag-subscribe sa mga alerto sa email kapag may mga ginagawa, binabago, kinakansela, o nalalapit na event, o kapag may nag-RSVP sa mga ito.

Gumawa ng mga pagbabago at pamahalaan ang pagbabahagi

  • Makita ang mga detalye para sa lahat ng event, kasama ang mga pribadong event.
  • Magdagdag at mag-edit ng mga event.
  • Mag-restore o permanenteng mag-delete ng mga event sa trash ng kalendaryo.
  • Makita ang setting ng time zone para sa kalendaryo.
  • Baguhin ang mga setting ng pagbabahagi.
  • Mag-subscribe sa mga alerto sa email kapag may mga ginagawa, binabago, kinakansela, o nalalapit na event, o kapag may nag-RSVP sa mga ito.
  • Permanenteng i-delete ang kalendaryo.

Mga Tip

  • Kung ang iyong account ay pinapamahalaan sa pamamagitan ng trabaho o paaralan, posibleng limitado o naka-off ang mga setting ng pahintulot ng admin ng account mo. Para matuto pa, makipag-ugnayan sa iyong admin.
  • Hindi makikita ang mga event mula sa Gmail na may “Ako lang” na setting ng visibility ng sinumang pinagbahagian mo ng iyong kalendaryo, kahit ang mga taong may access na “Gumawa ng mga pagbabago” maliban na lang kung babaguhin mo ang mga setting ng pagbabahagi para sa event o ang default na setting para sa mga event mula sa Gmail. Matuto pa tungkol sa mga event mula sa Gmail.

Setting na “Mga pahintulot sa pag-access” at “Ibahagi sa mga partikular na tao”

Sa mga setting ng iyong nakabahaging kalendaryo, puwede kang magtakda ng pangkalahatang pahintulot na “Mga pahintulot sa pag-access” at “Ibahagi sa mga partikular na tao.’’ Sa dalawang nabanggit, ang mas malawak na pahintulot ang ilalapat sa mga partikular na tao.

Halimbawa, kung gagawin mong available sa publiko ang isang kalendaryo at pipiliin mo ang “Makita ang lahat ng detalye ng event,” at pagkatapos ay ibabahagi mo ang kalendaryo sa isang partikular na tao at pipiliin mo ang “Libre/abala lang ang makita,” makikita pa rin ng taong iyon ang lahat ng detalye ng iyong event.

Baguhin ang mga setting ng visibility para sa isang indibidwal na event
Ang iyong mga event ay awtomatikong may pahintulot sa pag-access na katulad sa iyong kalendaryo. Gayunpaman, puwede mong i-edit ang visibility para sa bawat event. Matuto pa tungkol sa pagbabago ng setting ng visibility para sa isang event.

I-off ang pagbabahagi ng kalendaryo

Ihinto ang pagbabahagi ng iyong kalendaryo sa publiko
  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar.
  2. Sa kaliwa, hanapin ang seksyong "Aking mga kalendaryo." Para palawakin ito, posibleng kailanganin mong i-click ang Pababang arrow Pababang arrow.
  3. Mag-hover sa kalendaryong gusto mong i-unshare, at i-click ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga setting at pagbabahagi.
    • Para ihinto ang pagbabahagi sa publiko: Sa ilalim ng “Mga pahintulot sa pag-access,” i-off ang Gawaing available sa publiko.
    • Para ihinto ang pagbabahagi sa iyong organisasyon: Sa ilalim ng “Mga pahintulot sa pag-access,” i-off ang Gawing available para sa lahat ng nasa aking organisasyon.
    • Para ihinto ang pagbabahagi sa mga partikular na tao: Sa ilalim ng “Ibahagi sa mga partikular na tao,“ sa tabi ng taong gusto mong alisin, i-click ang Alisin Alisin.

Tip:Kung marami kang ibinabahaging kalendaryo, ulitin ang mga hakbang na ito para sa iba pang kalendaryong gusto mong ihinto ang pagbabahagi.

Ayusin ang mga problema sa pagbabahagi

Hindi mahanap ng taong pinagbahagian mo ang iyong kalendaryo
  1. Tingnan kung tama ang naidagdag mong email address.
  2. Tiyaking iki-click niya ang link na nasa email na natanggap niya. Kailangan niyang tingnan ang kanyang folder ng Spam kung hindi niya ito mahanap.
  3. Alisin ang tao sa mga setting ng pagbabahagi ng kalendaryo at pagkatapos ay idagdag ulit siya.
  4. Tingnan kung ang iyong account ay pinapamahalaan sa pamamagitan ng trabaho o paaralan. Posibleng limitado o naka-off ang pagbabahagi sa labas ng organisasyon ng account ng admin mo. Alamin kung paano hanapin ang iyong admin.

Mga kaugnay na resource

 
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
810468668770535855
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
88
false
false