Mag-ulat ng mga hindi naaangkop na imbitasyon at event sa kalendaryo

Kung may mapapansin kang kahina-hinalang imbitasyon o event sa iyong kalendaryo, iulat ito bilang spam.

Hakbang 1: Iulat ang event bilang spam

Mahalaga:

  • Para maiulat ang isang event bilang spam, dapat ay sa Google Calendar ito nanggaling. Hindi puwedeng iulat bilang spam ang mga event sa Calendar na ginawa ng ibang provider, app, o serbisyo.
  • Kapag iniulat mo ang isang event, aalisin ang event sa iyong kalendaryo. Kung umuulit ang event, aalisin ang lahat ng event sa serye.
  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar.
  2. I-click ang event na gusto mong iulat.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pang pagkilos at pagkatapos ay Iulat bilang spam.

Hakbang 2: Baguhin ang mga pahintulot sa event

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Calendar.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting at pagkatapos ay Mga Setting.
  3. Sa tab na "Pangkalahatan," i-click ang Mga setting ng event at pagkatapos ay Idagdag ang mga imbitasyon sa aking kalendaryo.
  4. Piliin ang Kung kilala lang ang tagapadala.
    • Magdaragdag lang ito ng event sa iyong kalendaryo kung ang tagapadala ay nasa mga contact mo, bahagi ng iyong organisasyon, o nakaugnayan mo.
      • Posibleng ipabatid ng opsyong ito sa mga tagapadala na wala sila sa iyong mga contact.

Alamin kung paano pamahalaan ang mga bagong imbitasyon.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11014070190539103196
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
88
false
false