Paano pamahalaan ang mga kahilingang mag-link sa iyong Profile ng Negosyo

Kung may gustong mag-advertise ng iyong negosyo o produkto sa Google, puwede niyang hilinging i-link ang Profile ng Negosyo mo sa kanyang mga account sa pag-advertise. Puwede siyang mag-link sa iyong:

Mahalaga:

  • Puwedeng gamitin ng Google Ads ang data mula sa iyong Profile ng Negosyo, kasama ang pero hindi limitado sa address ng kalye, numero ng telepono, mga oras, at mga larawan at video ng merchant.
  • Kung magli-link ka sa isang Google Ads account, makikita ng anumang Merchant Center account na naka-link sa Google Ads account ang iyong mga lokasyon.

Kapag naka-link sa iyong Profile ng Negosyo ang account sa pag-advertise ng isang tao, makikita at maa-advertise niya ang mga negosyo mo. Hindi niya mae-edit ang impormasyon ng iyong negosyo. Puwedeng i-link ang isang account sa lahat ng lokasyon o sa iisang grupo ng negosyo.

Suriin ang mga kahilingan sa pag-link

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa Business Profile Manager.
  2. I-click ang tab na Mga naka-link na account.
  3. Sa ilalim ng Mga Kahilingan, mag-scroll sa kahilingang gusto mong suriin.
    • Makikita mo ang email address ng humihiling na magagamit mo kung gusto mong makipag-ugnayan sa kanya nang direkta.
  4. I-click ang Aprubahan o Tanggihan.

Mag-unlink ng account

Puwede kang mag-unlink ng account sa pag-advertise para pigilang ma-advertise ang negosyo mo. Bago ka mag-unlink ng account sa pag-advertise, kumonsulta sa taong nag-a-update ng account.

  1. Sa iyong computer, mag-sign in sa Business Profile Manager.
  2. I-click ang tab na Mga naka-link na account.
  3. Sa ilalim ng Mga naka-link na account, mag-scroll sa account na gusto mong i-unlink.
  4. I-click ang I-unlink.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1387066027231074222
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false