Ang Business Profile Application Programming Interface (API) ay idinisenyo para sa mga developer na kumakawatan sa malalaki at tech-savvy na negosyo at third party. Dapat pag-isipang mag-sign up para sa Business Profile API ng mga developer na nagbabalak gumawa ng mga application para mapamahalaan ang data sa Profile ng Negosyo.
Nagbibigay-daan ang Business Profile API sa mga developer na bumuo ng mga application na direktang nakikipag-ugnayan sa impormasyon ng lokasyon ng kanilang negosyo sa server ng Profile ng Negosyo. Sa pamamagitan ng mga application na ito, mas mahusay na mapapamahalaan ng mga chain at third party ang kanilang malalaki o kumplikadong account ng Profile ng Negosyo.
Paano mo magagamit ang API
Ang paggamit sa Business Profile API ay nangangailangan ng kahusayan sa teknolohiya at kaalaman sa coding. Gamit ang API, puwede kang mamahala ng mga lokasyon nang maramihan sa pamamagitan ng mga pagkilos tulad ng:
- Pag-edit sa impormasyon ng lokasyon
- Pagbabasa at pagtugon sa mga review at Q&A ng customer
- Pag-update sa mga detalye ng menu tulad ng mga larawan, paglalarawan, at presyo
- Pagtingin ng mga insight para sa mga lokasyon
- Pag-subscribe sa mga push notification para sa mga bagong review ng customer
- Paggawa at pag-update ng mga post
- Pagdaragdag ng mga larawan at pagtingin ng mga larawan at video ng mga customer
- Pag-iimbita at pag-aalis ng mga manager
- Pamamahala ng mga service-area business
- Pag-verify sa mga platform ng third party
- Pagtukoy kung mayroon na at na-claim na ang isang lokasyon
- Paggawa ng mga pangkat ng user at pangkat ng lokasyon
Mga kaugnay na artikulo
- Para makapagsimula sa Business Profile API, sundin ang mga tagubilin sa site ng Google Developers.
- Para makakuha ng suporta para sa Business Profile API, tingnan ang page ng suporta ng API.
- Na-release na ang mga bagong API bilang bahagi ng Kaugnay na modelo. Matuto pa tungkol sa aming iskedyul ng paghinto sa paggamit at mga pamalit na resource.