Kapag naghanap ang mga tao ng negosyo sa Google, puwede silang makakita ng impormasyon tungkol sa negosyong iyon sa kahong lalabas sa mga resulta ng paghahanap nila. Ang impormasyon sa kahon, na tinatawag na Profile ng Negosyo, ay makakatulong sa mga customer na tuklasin ang iyong negosyo at makipag-ugnayan dito.
Para sa ilang kategorya ng negosyo, puwedeng magpakita ang Profile ng Negosyo nila ng impormasyong natatangi sa ganoong uri ng negosyo. Halimbawa, magpapakita ang mga listing ng hotel ng mga amenity na iniaalok ng hotel, gaya ng serbisyo ng wi-fi o swimming pool. (Puwedeng i-edit ng mga hotel ang ilang partikular na attribute sa kanilang Profile ng Negosyo.) Para sa mga restaurant, puwedeng makakita ang mga user ng mga suhestyon sa mga lugar at isang numerong nagsasaad kung gaano kaposibleng tumugma ang isang lugar sa kanilang mga interes at kagustuhan (kilala rin bilang "Ang iyong tugma"). Kapag na-verify mo ang iyong negosyo, puwedeng mag-iba ang hitsura ng Profile ng Negosyo mo, at puwede kang makakita ng iba pang available na feature.
Paano lalabas ang aking negosyo sa paghahanap?
Tinutukoy ng iba't ibang salik kung lalabas ba sa paghahanap ang impormasyon ng isang negosyo o hindi. Nakakatulong ang kaugnayan, layo, at ang kasikatan ng negosyo sa katayuan nito sa mga resulta ng lokal na paghahanap. Hindi ginagarantiyahan ng pag-verify ng negosyo na lalabas ito sa paghahanap.
Walang paraan para makahiling o makapagbayad para sa mas magandang ranking sa Google Search o Maps. Pinapanatiling kumpidensyal ang mga detalye ng algorithm ng paghahanap para mapanatiling patas ang sistema ng ranking para sa lahat hangga't posible. Matuto pa tungkol sa mga ranking ng mga lokal na resulta