Para matulungan ang mga customer na magplano ng mga pagbisita sa iyong negosyo, puwedeng magpakita ang Google ng impormasyon tulad ng mga abalang oras, impormasyon sa live na pagbisita, tagal ng paghihintay, at karaniwang tagal ng pagbisita. Lumalabas ang data na ito sa ibaba ng iyong regular na impormasyon ng negosyo sa Google Maps at Search.
Tungkol sa data ng pagbisita
Para matukoy ang mga sikat na oras, tagal ng paghihintay, at tagal ng pagbisita, gumagamit ang Google ng data na pinagsama-sama at ginawang anonymous mula sa mga user na nag-opt in sa History ng Lokasyon ng Google. Ipinapakita ang mga sikat na oras, tagal ng paghihintay, at tagal ng pagbisita para sa iyong negosyo kung nakakakuha ito ng sapat na bilang ng mga pagbisita mula sa mga user na ito. Hindi mo puwedeng idagdag nang manual ang impormasyong ito sa iyong lokasyon, at lalabas lang ito kung may sapat na data ng pagbisita ang Google para sa negosyo mo.
Posibleng kasama sa data ng pagbisita ang:
- Graph ng mga abalang oras: Ipinapakita ng graph na ito kung gaano kaabala sa karaniwan ang iyong lokasyon sa iba't ibang oras ng araw. Nakabatay ang mga abalang oras sa average na pagiging abala sa nakalipas na ilang buwan. Ang pagiging abala sa anumang partikular na oras ay ipinapakita kaugnay ng oras na karaniwang pinakaabala ang negosyo sa loob ng buong linggo. Halimbawa, sa larawan sa ibaba, 8 PM–9 PM ng Sabado ang isa sa mga pinakaabalang oras ng linggo para sa negosyong ito.
- Data ng live na pagbisita: Ipinapakita ng data na ito kung gaano kaaktibo ang iyong lokasyon ngayon mismo. Ang data ng live na pagbisita ay naa-update nang real time at naka-overlay sa graph ng mga abalang oras. Halimbawa, sa larawan sa ibaba, kinakatawan ng naka-highlight na seksyon sa graph kung gaano kaaktibo ang lokasyon ngayon mismo kumpara sa karaniwang antas ng aktibidad nito.
- Tagal ng pagbisita: Ipinapakita ng data na ito kung ilang oras ang karaniwang ginugugol ng mga customer sa iyong lokasyon. Nakabatay ang mga pagtatantya sa tagal ng pagbisita sa mga pattern ng mga pagbisita ng customer sa nakalipas na ilang linggo.
- Mga pagtatantya sa tagal ng paghihintay: Ipinapakita ng data na ito kung gaano katagal maghihintay ang isang customer bago siya makatanggap ng serbisyo sa iba't ibang oras sa buong araw. Ipinapakita rin nito ang pinakamatagal na paghihintay para sa bawat araw ng linggo. Nakabatay ang ipinapakitang tagal ng paghihintay sa mga pattern ng mga pagbisita ng customer sa nakalipas na ilang linggo. Nag-iiba-iba ang pagtatantya sa tagal ng paghihintay para sa iba't ibang uri ng negosyo. Halimbawa, ipinapakita ng tagal ng paghihintay sa isang sit-down restaurant kung gaano katagal naghihintay ang mga customer bago sila makaupo.