Pagprotekta laban sa mga mapanlokong tawag

Bilang may-ari ng negosyo, puwede kang makatanggap ng maraming uri ng tawag sa telepono, kasama ang ilan mula sa mga naka-automate na system. Makakatulong sa iyo ang artikulong ito na maunawaan ang pinagkaiba ng mga pinagkakatiwalaang naka-automate na system at mga scam.

Paano tukuyin ang mga lehitimong tawag mula sa Google

Mga naka-automate na tawag

Mahalaga: Tinatawagan namin ang mga negosyo mula sa mga bansang nakalista sa about calls from Google Assistant. Hindi gumagawa ang Google ng mga hindi hinihinging tawag para sa sales mula sa naka-automate na system. Gayunpaman, puwede kaming gumawa ng mga naka-automate na tawag sa telepono sa iyong negosyo para sa mga gawaing walang kaugnayan sa sales tulad ng pagkumpirma sa mga detalye ng negosyo mo para sa Google Maps, pagpapareserba, o pag-iiskedyul ng mga appointment sa ngalan ng mga user ng Google. Sa ilang sitwasyon, puwedeng manggaling ang mga tawag na ito sa isang manual na operator.
  • Nanggagaling ang mga naka-automate na tawag mula sa isang hanay ng mga nakatalagang numero. Sa simula ng tawag, maririnig mong nanggaling sa Google ang tawag at ang dahilan ng pagtawag. Halimbawa, puwede kang makarinig ng ganito:
  • Kumusta! Tumatawag ako mula sa Google Maps. Dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa kalusugan, gusto ko lang i-update ang iyong mga oras. Isa akong naka-automate na serbisyo, kaya naka-record ang tawag na ito para mapahusay ang mga serbisyo ng Google. Puwede mo bang sabihin sa akin ang iyong mga oras para sa buong linggo?
  • Kumusta! Tinutulungan ko ang mga tao na maghanap ng mga bukas na restaurant. Isa akong naka-automate na serbisyo na ibinibigay ng Google, at naka-record ang tawag na ito para mapahusay ang mga serbisyo ng Google. Kasalukuyan ka bang bukas para sa pag-dine in?
  • Hindi ka hihilingang mag-sign up para sa isang serbisyo, magbayad, o magbigay ng sensitibong personal na impormasyon.
  • Naka-enable lang ang mga tawag na ito para sa mga negosyong nag-aalok ng mga pampublikong numero ng telepono para makatanggap ng tawag mula sa pangkalahatang publiko. Kung ayaw tanggapin ng mga negosyo ang mga tawag na ito, puwede silang mag-opt out sa pamamagitan lang ng pagsasabi nito sa tawag.

Mga operator ng Google

  • Puwede kang makatanggap ng mga tawag mula sa mga operator ng Google para sa pagpapahusay, customer service, o suportang may kaugnayan sa iyong Google Ads, Google Play, o iba pang Google account. Gayunpaman, hinding-hindi namin hihingin ang impormasyon mo sa pagbabayad sa telepono o gagarantiyahan sa iyo na magkakaroon ka ng magandang placement sa aming mga produkto.

Ano ang dapat gawin kung makakatanggap ka ng kahina-hinalang tawag

Sa kasamaang palad, maraming walang pakundangang indibidwal at kumpanyang gumagawa ng mga mapanloko at mapanlinlang na tawag. Kung minsan, nagsisinungaling ang mga tumatawag o pre-recorded na robocall sa pagsasabing nagtatrabaho sila “sa Google” o “para sa Google” sa pagtatangkang magbenta ng iba't ibang scheme at serbisyo sa online marketing sa mga walang kamalay-malay na indibidwal at kumpanya.

Marami sa mga ganitong uri ng tawag ang hindi pinapayagan sa ilalim ng batas sa U.S. (maliban na lang kung nagbigay ka ng pahintulot na makatanggap noon), at hinding-hindi pakana ng Google ang mga iyon.

Ganito ang dapat gawin kung makakatanggap ka ng hindi gustong naka-automate na robocall mula sa isang entity na hindi Google:

Mag-ulat ng mga kahina-hinalang tawag sa US

Kung nasa US ka at patuloy kang nakakatanggap ng mga hindi gustong tawag, puwede kang magsumite ng reklamo sa Federal Trade Commission (FTC). Para maghain ng pormal na reklamo, pumunta sa www.donotcall.gov o tumawag sa 1-888-382-1222. Puwede ka ring magsumite ng reklamo sa Federal Communications Commission.

Ibaba ang telepono

Kung makakatanggap ka ng hindi gustong tawag mula sa isang taong nagsasabing taga-Google siya o nagtatrabaho siya sa Google, huwag mag-atubiling ibaba ang telepono anumang oras. Huwag pumindot ng anumang key kahit na i-prompt ka ng voice recording para makipag-usap sa isang live na tao o para maalis ka sa listahan ng tatawagan. Maaaring dumami pa ang mga hindi gustong tawag kapag pumindot ka ng key.

Tulungan kaming hanapin ang mga scammer

Nauunawaan ng Google na maaaring nakakaabala ang mga ganitong uri ng tawag. Nakatuon kami sa paggawa ng aming tungkuling subukang pigilan ang mga ganitong tawag. Gayunpaman, hindi namin ito palaging nakokontrol; halimbawa, marami sa mga tumatawag na ito ang gumagamit ng mga hindi nahahanap na numero ng telepono at iba pang diskarte ng cloaking.

Tulungan kaming hanapin ang mga tawag na mapanlinlang na nag-uugnay ng kanilang mga sarili sa Google. Mag-ulat nang direkta sa pamamagitan ng aming webform at ilagay ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Ang kumpanya at impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng tumatawag.
  • Anumang email o dokumentasyong natanggap mula sa tumatawag bilang bahagi ng follow-up.
  • Anumang karagdagang impormasyon tungkol sa tawag.

Pigilan ang mga hindi gustong tawag sa hinaharap

  • Tingnan ang mga tip ng FTC tungkol sa kung paano harapin ang mga hindi gustong tawag, at mga resource tungkol sa mga robocall na may karagdagang impormasyon tungkol sa mga robocall at mga hakbang na puwede mong gawin kung makakatanggap ka nito. 
  • Itanong sa kumpanya ng iyong telepono kung kaya nilang mag-block ng mga tawag mula sa anumang numerong nagdudulot ng problema.
  • Kung nasa US ka, iparehistro ang iyong personal na numero sa National Do Not Call Registry sa: www.donotcall.gov/register/reg.aspx o tumawag sa 1-888-382-1222.

Matuto pa tungkol sa pagtukoy sa mga scam sa Google Safety Center.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9564235155270080150
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false