Bilang may-ari ng negosyo, puwede kang makatanggap ng iba't ibang uri ng tawag sa telepono at text, kasama ang ilan mula sa mga naka-automate na system. Bilang may-ari, kailangan mong maunawaan ang pagkakaiba ng mga mapagkakatiwalaang naka-automate na system at ng mga scam.
Paano tukuyin ang mga lehitimong tawag mula sa Google
Nanggagaling ang mga naka-automate na tawag mula sa isang hanay ng mga nakatalagang numero. Posibleng tumawag kami tungkol sa mga bagay na tulad ng pagtiyak sa impormasyon ng negosyo mo sa Google Maps, paggawa ng mga reservation, pagkumpirma sa presyo at availability ng mga serbisyo at in-store na produkto, o pag-iiskedyul ng mga appointment para sa mga user ng Google. Kung minsan, nanggagaling ang mga tawag na ito mula sa isang manual na operator. Matuto tungkol sa mga naka-automate na tawag at text mula sa Google sa iyong negosyo.
Maririnig mong mula sa Google ang tawag at kung bakit sila tumatawag. Halimbawa, posibleng marinig mo ang:
- “Kumusta! Tumatawag ako mula sa Google Maps para i-update ang iyong mga oras ng negosyo. Isa itong naka-automate na serbisyo, kaya naka-record ang tawag na ito para makatulong na pahusayin ang mga serbisyo ng Google. Puwede mo bang sabihin sa akin ang iyong mga oras na bukas para sa linggong ito?”
- "Kumusta! Tinutulungan namin ang mga tao na maghanap ng mga restaurant. Isa itong naka-automate na serbisyo mula sa Google, at nire-record ang tawag na ito para makatulong na pahusayin ang mga serbisyo ng Google. Nag-aalok ka ba ng mga vegetarian na pagkain?"
Mahalaga:
- Posibleng makatanggap ka ng mga tawag mula sa mga operator ng Google para sa tulong sa iyong Google Ads, Google Play, o iba pang Google Account. Gayunpaman, hinding-hindi namin hihingin ang impormasyon mo sa pagbabayad sa telepono o gagarantiyahan sa iyo na magkakaroon ka ng espesyal na puwesto sa aming mga produkto.
- Hindi ka hihilingang mag-sign up para sa isang serbisyo, magbayad ng pera, o magbigay ng personal na impormasyon.
- Ang mga tawag na ito ay para lang sa mga negosyong may pampublikong numero ng telepono para sa layunin ng pagtanggap ng mga tawag mula sa pangkalahatang publiko. Kung ayaw tanggapin ng mga negosyo ang mga tawag na ito, puwede silang mag-opt out sa pamamagitan lang ng pagsasabi nito sa tawag.
Paano tukuyin ang mga lehitimong text at mensahe sa WhatsApp mula sa Google
Posibleng makatanggap ang mga negosyo sa ilang partikular na bansa ng mga mensahe sa WhatsApp o text message mula sa Google para kolektahin o kumpirmahin ang impormasyon ng kanilang Business Profile. Para protektahan ang iyong negosyo, dapat ka lang sumagot sa pakikipag-ugnayan mula sa mga na-verify na opisyal na account ng Google:
- WhatsApp: Matutukoy mo ang opisyal na account sa pamamagitan ng paghahanap sa asul na checkmark ng pag-verify
. Lalabas ang na-verify na pangalan ng WhatsApp account bilang “Google Maps” o "Google Maps" na sinusundan ng pangalan ng iyong bansa, tulad ng “Google Maps Indonesia.” Matuto pa tungkol sa mga na-verify na business account sa WhatsApp.
- Mga RCS message: Kung na-enable mo ang RCS messaging sa iyong Android o iOS na mobile device, matutukoy mo ang mga mensahe mula sa mga opisyal na account sa pamamagitan ng paghahanap sa asul na checkmark ng pag-verify
sa tabi ng pangalan ng sender. Para sa mga RCS message, lalabas ang nakarehistrong pangalan ng negosyo bilang “Google.” Alamin ang tungkol sa mga RCS chat sa mga nakarehistrong negosyo.
Mahalaga: Hindi kailanman hihingi ang Google ng pribado o sensitibong impormasyon mo. Kung makakatanggap ka ng mensahe mula sa hindi na-verify na account o pangalan ng profile na hindi tumutugma sa opisyal na format na ito, huwag sumagot, mag-click ng anumang link, o magbigay ng anumang impormasyon.
Paano pangasiwaan ang mga kahina-hinalang tawag at text
May mga tao at kumpanyang gumagawa ng mga kahina-hinalang tawag at text para lokohin ang iba. Posibleng sabihin nilang nagtatrabaho sila “sa Google” o “para sa Google.” Nagbebenta sila ng iba't ibang scheme at serbisyo sa online marketing sa mga walang kamalay-malay na indibidwal at kumpanya.
Ano ang dapat gawin kung makakatanggap ka ng kahina-hinalang tawag
Kung may tumawag sa iyo na nagpapanggap na mula sa Google, ibaba ang telepono. Huwag pumindot ng anumang button kahit na sinasabihan ka ng voice prompt na gawin ito. Posibleng humantong sa mas maraming kahina-hinalang tawag ang pagpindot ng mga button.
Mag-ulat ng mga kahina-hinalang tawag sa US
Kung patuloy kang nakakatanggap ng mga kahina-hinalang tawag, magsumite ng reklamo sa Federal Trade Commission (FTC). Para maghain ng pormal na reklamo:
- Pumunta sa www.donotcall.gov.
- Tumawag sa 1-888-382-1222.
Puwede ka ring magsumite ng reklamo sa Federal Communications Commission.
Tumulong na hanapin ang mga scammer
Nakakaabala ang mga tawag na ito at nauunawaan iyan ng Google. Nakatuon kami sa paggawa ng aming tungkuling subukang pigilan ang mga ganitong tawag. Gayunpaman, hindi namin ito palaging nakokontrol. Halimbawa, marami sa mga tumatawag na ito ang gumagamit ng mga hindi nahahanap na numero ng telepono at iba pang diskarte sa pagkukunwari.
Tulungan kaming i-track ang mga tawag na nagpapanggap na mula sa Google. Ipaalam ito sa amin sa aming webform at isama ang:
- Kumpanya at impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng tumatawag.
- Anumang email o dokumentasyong natanggap mula sa tumatawag bilang bahagi ng follow-up.
- Anumang karagdagang impormasyon tungkol sa tawag.
Ano ang dapat gawin kung makakatanggap ka ng kahina-hinalang text o WhatsApp message
Kung makakatanggap ka ng hindi inaasahang text message na humihingi ng personal o pinansyal na impormasyon:
- Huwag mag-click ng anumang link: Hindi ka ite-text ng mga lehitimong kumpanya para humingi ng sensitibong impormasyon ng account.
- Hiwalay na i-validate ang mensahe: Kung sa palagay mo ay totoo ang text, direktang makipag-ugnayan sa kumpanya gamit ang isang pinagkakatiwalaang numero ng telepono o website. Huwag gumamit ng anumang impormasyon sa pakikipag-ugnayan na ibinigay sa mismong text message.
Mag-ulat ng mga kahina-hinalang text at mensahe sa WhatsApp sa iyong app sa pagmemensahe
- Android: Alamin kung paano mag-ulat ng spam sa Google Messages
- iOS: Alamin ang tungkol sa kung paano mag-ulat ng spam at mag-block ng mga sender sa Messages sa iPhone
- WhatsApp: Matuto pa tungkol sa pag-uulat at pag-block sa WhatsApp
Ihinto ang mga mapanlokong tawag at text sa hinaharap
- Basahin ang mga tip ng FTC sa kung paano harapin ang mga hindi gustong tawag at spam na text.
- Hilingin sa kumpanya ng iyong telepono na i-block ang mga tawag at text mula sa mga numerong nagdudulot ng problema.
- Kung nasa US ka:
- Iparehistro ang iyong numero ng telepono sa National Do Not Call Registry sa https://www.donotcall.gov/ o tumawag sa 1-888-382-1222.
- Para sa mga scam na text, kopyahin ang mensahe at ipasa ito sa 7726 (SPAM). Makakatulong ito sa iyong wireless provider na makita at ma-block ang mga katulad na mensahe sa hinaharap.
- Iulat ang mga mapanlokong tawag at text sa FTC sa ReportFraud.ftc.gov.