Paano magbasa at sumagot sa mga review sa Google

Puwedeng magbigay ng mahalagang feedback para sa iyong negosyo ang mga review mula sa mga customer mo. Puwede kang sumagot sa mga review, na makakatulong sa pagbuo ng tiwala ng customer.

Kapag sumagot ka sa mga review, nagpo-post ka sa publiko bilang ang iyong negosyo. Baka hindi lumabas kaagad sa buong Google ang mga sagot. Gayunpaman, makakatanggap ng notification ang mga reviewer kapag sumagot ka sa review nila. Pagkatapos nilang magkaroon ng pagkakataong basahin ang iyong sagot, puwede nilang i-update ang kanilang review.

Alamin ang tungkol sa mga nawawala o naantalang review.

Mahalaga: Bago ka makasagot sa mga review, dapat mong i-verify ang iyong negosyo. Pagkatapos mong i-verify ang iyong negosyo, puwede kang sumagot sa mga review mula mismo sa:

  • Iyong Profile ng Negosyo sa Google Search.
  • Iyong Profile ng Negosyo sa Google Maps.

Pamahalaan ang iyong mga review

Mga review para sa mga negosyo ng serbisyo sa bahay

Kapag nag-iwan ng review ang mga customer para sa isang negosyo ng serbisyo sa bahay, baka itanong sa kanila kung aling trabaho ang ginawa ng negosyo. Pipili ang mga customer sa isang listahan ng mga serbisyo na ibinigay ng merchant, kung saan kasama rin ang mga iminumungkahing uri ng trabaho na karaniwan para sa mga katulad na negosyo. Kung nag-iwan ng nakasulat na review ang customer, isasama ang pinili nila sa review.

Sumagot sa mga review mula sa Google Search o Maps

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google Maps app Maps o gamitin ang Google Search Google Search.
  2. Buksan ang iyong Profile ng Negosyo sa app na pinili mo:
    • Google Maps: Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Negosyo.
    • Google Search: Sa search bar, ilagay ang pangalan ng iyong negosyo.
  3. I-tap ang Mga Review.
  4. Para sa review na gusto mong sagutin, i-tap ang Sumagot.
    • I-edit ang iyong sagot: Sa iyong sagot, i-tap ang Higit pa Menuat pagkatapos ay I-edit.
    • I-delete ang iyong sagot: Sa iyong sagot, i-tap ang Higit pa Menuat pagkatapos ay I-delete.
    • Mag-ulat ng hindi naaangkop na review: Sa review na gusto mong iulat, i-tap ang Higit pa Menuat pagkatapos ay Iulat.

Mahalaga:Hindi ka makakasagot sa mga review mula sa mga third-party na source.

Mga tip para sa mga sagot sa review

Magsulat ng kapaki-pakinabang na sagot

Nakakatulong sa iyo ang mga sagot ng may-ari ng negosyo na bumuo ng mga ugnayan sa mga customer, pero pampubliko rin ang mga ito. Kapag sumagot ka sa iyong mga customer, tandaan ang mga alituntuning ito:

  • Maging mabait at huwag mamersonal. Panatilihing kapaki-pakinabang, nababasa, at magalang ang iyong mga sagot. Tulad ng mga review, dapat sumusunod sa aming mga patakaran ang mga sagot. Matuto pa tungkol sa iniambag na content.
  • Panatilihin itong maikli at madaling maintindihan. Naghahanap ang mga user ng mga kapaki-pakinabang at totoong sagot, pero puwede silang malula sa mahabang sagot.
  • Pasalamatan ang iyong mga reviewer. Sumagot sa masasayang reviewer kapag mayroon kang mga bago o kaugnay na impormasyong maibabahagi. Hindi mo kailangang magpasalamat sa bawat isa sa mga reviewer nang mababasa ng publiko, dahil napakaraming customer ang naaabot ng bawat sagot.
  • Maging kaibigan, hindi salesperson. Customer mo na ang iyong mga reviewer, kaya hindi na kailangang mag-alok ng mga insentibo o advertisement. Sa halip, puwede kang magsabi sa mga reviewer ng bagong bagay tungkol sa iyong negosyo o magbahagi ng kaalamang posibleng hindi nila nalaman noong una nilang pagbisita.
Pinakamahuhusay na kagawian para sa mga sagot sa mga negatibong review

Ang mga negatibong review ay hindi palaging tanda ng hindi magandang kasanayan sa negosyo. Halimbawa, baka hindi tugma ang mga inaasahan ng customer. Nakakatulong din ang mga review na malaman kung paano mapapaganda ang mga karanasan ng customer sa hinaharap.

Narito ang ilang pinakamahuhusay na kagawian na dapat tandaan:

  • Huwag ibahagi ang personal na data ng reviewer o huwag siyang personalin. Kasama rito ang sa Maps, sa iba pang serbisyo, o sa totoong buhay. Sa halip, imungkahing makipag-ugnayan siya sa iyo nang personal sa pamamagitan ng email o telepono para malutas ang isyu. Sa pagkakaroon ng positibong pakikipag-ugnayan pagkatapos ng review at sa iyong sagot, makikita ng mga inaasahang mamimili na may pakialam ka talaga at kadalasan, nagtutulak ito sa customer na i-update ang orihinal niyang review.
  • Siyasatin ang mga dahilan sa likod ng negatibong impresyon ng reviewer sa negosyo. Tingnan ang iyong mga tala para sa reviewer at sa karanasan niya sa negosyo mo.
  • Maging matapat. Tanggapin ang mga nagawang pagkakamali, pero huwag akuin ang mga bagay na hindi mo kontrolado. Ipaliwanag kung ano ang iyong magagawa at hindi magagawa sa sitwasyon. Ipakita mo kung paano mo maaaksyunan ang mga isyung hindi mapipigilan. Halimbawa, kinansela mo ang isang event dahil sa masamang lagay ng panahon, pero susubaybayan mo ang lagay ng panahon at magbibigay ka ng maagang babala ng pagkansela.
  • Humingi ng paumanhin kapag naaangkop. Pinakamainan na magsabi ng salitang nagpapakita ng malasakit at pag-unawa.
  • Ipakita na tunay kang tao sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong pangalan o mga inisyal. Makakatulong ito para maging mas totoo ang dating mo.
  • Sumagot kaagad. Kapag ginawa mo iyon, makikita na binibigyan mo ng pansin ang karanasan ng iyong customer.

Kung naniniwala kang lumalabag sa mga alituntunin sa pag-post ang isang review sa Google, puwede mo itong i-flag na hindi naaangkop. Matuto pa tungkol sa pag-flag ng mga review bilang hindi naaangkop.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7265754939647692210
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false