Kilalanin ang aming Mga Product Expert

Ang Mga Product Expert ay mga user ng Google na tumutulong sa mga tanong at pag-troubleshoot—posibleng nakilala mo na ang ilan sa kanila sa Forum ng Komunidad ng Profile ng Negosyo. Gusto naming ipakilala sa iyo ang Mga Product Expert ng Profile ng Negosyo at hayaan silang magkuwento nang kaunti tungkol sa sarili nila. Batiin sila sa susunod na makita mo sila!

Matuto pa tungkol sa Mga Product Expert

Ben Fisher

Bilang espesyalista sa lokal na SEO, tinutulungan ni Ben ang mga negosyo sa pagpapalawak ng kanilang online presence mula noong 1994. Salamat sa kanyang mga kontribusyon sa Forum ng Profile ng Negosyo, espesyal na pinili ng Google si Ben bilang Product Expert ng Profile ng Negosyo. Contributor din si Ben sa taunang Moz Local Search Ranking Factors Study, at regular na contributor sa BrightLocal.

Si Ben ang co-founder ng Steady Demand, isang lokal na SEO at social media company. Espesyalidad ng team sa Steady Demand ang pagtulong sa mga kliyenteng labanan ang map spam, mag-navigate sa pinakamahihirap na isyu sa Profile ng Negosyo, at mag-troubleshoot ng mga isyu sa ranking sa Google. 

Puwede kang kumonekta kay Ben sa Twitter at LinkedIn.

 

Colan Nielsen

Si Colan ang VP ng Lokal na Paghahanap sa Sterling Sky Inc at nagsimula siya sa mundo ng lokal na SEO noong 2010. Itinuturing din siyang product expert ng Google bilang Product Expert sa Forum ng Profile ng Negosyo.  Isa siyang contributor sa sikat na Local Search Ranking Factors survey ng Moz at dating Google MapMaker Regional Lead. 

Libangan ni Colan ang lahat ng kaugnay ng Lokal na Paghahanap at aktibo siya sa maraming online na komunidad kasama na ang Forum ng Lokal na Paghahanap, kung saan isa siyang moderator.

Puwede mong subaybayan si Colan sa Twitter.

 

Dan Foland

Nagtatrabaho si Dan sa SEO sa loob ng halos 10 taon at siya ang SEO Director sa Postali, isang marketing agency para sa mga abogado at law firm. Bago ang propesyonal niyang karanasan sa SEO, kinalibangan ni Dan ang paggawa ng mga personal na proyekto sa website kung saan napaibig siya sa SEO.

Naging interesado si Dan na sumali sa programa ng Product Expert pagkatapos mabalitaan ito mula sa ilan sa iba pang eksperto, at alam niyang kaya niyang mag-ambag gamit ang malawak niyang karanasan sa lokal na SEO at Profile ng Negosyo.

Puwede kang kumonekta kay Dan sa Twitter o sa DanFoland.com.

 

David Cox

Nalaman ni David ang tungkol sa programa ng TC sa pakikinig kay Joy Hawkins habang tinatalakay niya ito sa SEO 101 podcast. Si David ay isang pinagkakatiwalaang verifier, isang Level 8 contributor, at pinagkakatiwalaang photographer sa programa ng local guides connect. Simula noong 1997, naugnay si David sa pagbebenta ng serbisyo at mga website ng SDSL noong panahong dial up ang paraan ng pagkonekta ng karamihan sa Internet at malaking bagay na makakuha ang isang negosyo ng 256K hanggang 1.5 meg. Simula sa puntong iyon, natuto siya ng HTML at internet search optimization, na karamihan ay natutunan lang niya nang mag-isa.

 

 

Helmut Geissler

Mahilig si Helmut sa mga mapa mula noong kabataan niya, noong ginuhit niya ang mga sarili niyang mapa para sa personal niyang kaligayahan (hal. ng UK). Medyo mahina na ngayon ang kamay niya para gumuhit ng mga mapang ganito, pero dito nakakatulong ang Google Maps at Profile ng Negosyo. Ang mga produktong ito, kasama na ang daan-daang tanong na sinasagot ng "ehg" sa forums bawat linggo, ang nagpapasigla at nagpapasaya sa araw niya. Si Helmut ay aktibong Product Expert sa English, German at Spanish na forum ng tulong ng Maps.

 

 

James Clemens

Nagsimulang bumuo ng mga produkto at brand si James noong 1980’s at naging malalim ang kaugnayan niya sa pag-develop ng website at SEO noong 1996. Isa siyang web coder sa HTML, CSS, at PHP na nagsusumikap na mapabuti ang sarili niya at maging malikhain sa bawat proyekto sa natatanging paraan. Isa siyang magiliw na technologist na nagtatrabaho nang nakangiti at kilala siya sa kanyang pasensya habang masayang tumutulong sa iba. Bilang regular na contributor ng mga expert na artikulo sa system ng Google Partners at consultant ng tagumpay ng maliliit na negosyo, maraming kaalaman ang dala ni James para sa atin at napangalanan din siyang 2015 Top 3 Most Inspirational Member sa Komunidad ng Google Partner sa North America. Nauugnay siya sa maraming charity sa Panama City Beach, Florida at ikinatutuwa niyang tulungan ang ibang magtagumpay habang pinapalawak ang sarili niyang kaalaman. 


Si James ay isa ring Product Expert sa Google Ads at Google Partners, isang Rising Star sa Google AdWords Express, at certified sa bawat produkto ng Google Ads, Google Analytics, Mga Pang-mobile na Site, at Digital na Benta. Nagpapatakbo siya ng ahensya ng Google Partner na may badge sa Florida na itinatag niya noong 1992, at tuwang-tuwa siya sa pagbuo ng digital na presensya para sa mga kliyente sa buong mundo.  

Joy Hawkins

Joy Hawkins

Si Joy ang may-ari ng Local Search Forum, LocalU, at Sterling Sky, isang ahensya ng Lokal na SEO sa Canada at USA. Nagtatrabaho siya sa industriya simula pa noong 2006. Nagsusulat siya para sa mga tagapaglathalang gaya ng Search Engine Land at kinalilibangan niya ang pagiging regular na tagapagsalita sa mga conference sa marketing gaya ng MozCon, LocalU, Pubcon, SearchLove, at State of Search.

Puwede mong subaybayan si Joy sa Twitter.

 

Krystal Taing

Krystal Taing

Ginugol ni Krystal ang huling dekada sa pagtatrabaho sa SEO at e-commerce nang nakatuon sa lokal simula noong 2014. Ang karanasan niya sa pagbuo ng mga lokal na strategy ay nakakatulong sa mga multi-location brand sa pagharap sa kanilang pinakamahihirap na hamon sa marketing. Kasama dito ang pagpapahusay sa organic na visibility, mga ranking sa paghahanap, at online-to-offline na trapiko. Si Krystal ay iginagalang na awtoridad sa pagsasagawa ng mga lokal na paghahanap at isa siyang resource para sa mga marketer at businesses.

Puwede mong sundan si Krystal sa Twitter.

Mike Blumenthal

Mike Blumenthal

Nauugnay si Mike sa pag-aalok ng mga serbisyo sa web simula noong 1995. Bago siya naging espesyalista sa web design at search consulting noong 2001, si Mike ay dating principal sa isang retail na negosyong pagmamay-ari at pinapatakbo ng pamilya sa loob ng mahigit 30 taon. Gaya ng lahat ng mga may-ari ng maliit na negosyo na sinusubukang mag-market sa hiwa-hiwalay na kliyente, patuloy siyang nahihirapan sa mga hadlang at gastos na dulot ng mga available na opsyon sa pag-advertise. Pagkatapos ma-release ng Google sa 2004, itinapon niya ang siyam niyang Yellow Page book at sinimulan niyang pagtuunan ang Lokal na Paghahanap. Sa karaniwang linggo, makikita mo siya sa blog niya na Understanding Google Maps and Local Search, kung saan nagsusulat siya tungkol sa lokal na paghahanap at epekto nito sa komunidad ng negosyo. Sa loob ng nakaraang taon, na-cofound ni Mike ang dalawang kumpanyang nakatuon sa lokalidad: LocalU.org, na nakatuon sa edukasyon ng maliliit na negosyo, at GetFiveStars.com para makatulong sa maliliit na negosyo na humarap sa mga hamon ng feedback at mga review ng customer.

 

Tim Capper

Nauugnay si Tim sa search marketing sa loob ng mahigit 10 taon at espesyalista siya sa lokal na SEO. Nagtapos siya na may Swiss Degree (BelvoirPark Hotel Fachschule) sa hospitality management, pagkatapos ay naging may-ari at nagpatakbo siya ng sarili niyang hotel sa UK Lake District. Sa panahon ng pagkalat ng sakit na Foot and Mouth, hinasa niya ang kanyang kakayahan sa search marketing.

Pagkatapos magdesisyong gawing propesyon ang search marketing, lumipat si Tim sa Northamptonshire at ngayon ay pinapatakbo niya ang bespoke SEO consultancy na onlineownership.com, na may pandaigdigang base ng kliyente. Sa pagiging Google Product Expert, nagkaroon ako ng kakayahang tingnan ang mga isyu na hindi kailanman makikita ng pangkaraniwang webmaster, na nagdaragdag ng halaga sa napakahusay nang serbisyong hinahatid ng Online Ownership sa mga kliyente nito. Makikita ang makabagong pamamaraan ng Online Ownership sa search marketing at pilosopiya ng pagbabahagi ng kakayahan sa kamakailang Put your Business on the Map campaign, pati na rin ang mga step-by-step na gabay at tutorial na ginawa at na-publish nila. Dedikado si Tim sa kung ano ang maiaalok ng Google Business Pages sa mga negosyo. Nagbibigay ang mga ito ng tunay na oportunidad para ma-market at ma-brand ang kanilang mga negosyo online, at ikinatutuwa ni Tim ang pagtulong sa mga negosyong ito na malutas ang kanilang problema sa forum ng produkto ng Google and your Business.

 

Tom Waddington

Nakatulong si Tom sa maraming negosyo na mapahusay ang presensya nila sa mga resulta ng lokal na paghahanap sa loob ng nakaraang 10+ taon. Napunta siya sa Forum ng komunidad ng Profile ng Negosyo dahil sa isang natatanging isyu, kung saan natulungan siya ng ilang Product Expert. Habang tumitingin siya sa forum, nakita niya ang pagkakataong magamit ang kanyang karanasan at sinimulan niyang tulungan ang iba sa kanilang mga tanong. Ang kagustuhan niyang matuto, tumulong sa iba, at labanan ang spam ang naging daan para maging madalas siyang kalahok sa forum.

Yan Gilbert

Noong 2005, pagkatapos gumawa ng website para sa sarili niyang negosyo sa woodworking, naisip ni Yan na kailangan niyang humimok pa ng benta. Natuklasan niya ang SEO at, pagkatapos niyang turuan ang sarili niya tungkol sa pag-optimize ng website, nahumaling na siya dito. 

Pagkatapos niyang gumawa ng maraming website, pinagtuunan naman ni Yan ang lokal na SEO. Naging empleyado siya ni Joy Hawkins at nagsimula siya ng in-depth na trabaho sa SEO sa maliliit na negosyo. Pagkatapos tumingin sa maraming graph sa ranking ng keyword, napaisip siya kung mayroon bang mas madaling paraan para makita ang mga lokal na ranking. Dahil dito, at sa libre niyang oras, ginawa niya ang LocalFalcon, ang pinakaunang grid-style na tool sa lokal na ranking gamit ang Google Maps API.

Kasalukuyan siyang Chief Product Officer sa dbaPlatform pati na rin senior SEO Specialist sa Sterling Sky. Nagtatrabaho at nakatira si Yan sa Newmarket, Ontario. Makipag-ugnayan sa kanya sa Twitter, LinkedIn, o sa yangilbert.com

Sherry Bonelli

May-ari ng Early Bird Digital Marketing, isa siyang propesyonal sa Search Engine Optimization (SEO) at digital marketing na may mahigit 24 na taon ng karanasan. Nagbibigay ng serbisyo ang kanyang ahensya sa digital marketing, ang Early Bird Digital Marketing, sa mga kliyente sa buong US at Canada.  

Si Sherry ay isang Platinum Product Expert sa Profile ng Negosyo sa Google at isang kolumnista para sa mga nangungunang webiste sa marketing, gaya ng Search Engine Journal, Search Engine Land, MOZ, at Adweek. Natanggap niya ang 2018 SEO Contributor of the Year Award ng Search Engine Land.  

Isa siyang kilalang presenter at tagapagsalita sa mga nangungunang conference sa digital na marketing, podcast, at webinar gaya ng Traffic & Conversion Summit, State of Search, Content Marketing World, Digital Marketer, SCORE, MOZ, Edge of the Web, Local Marketing Institute, Midwest Digital Marketing Conference, at Duct Tape Marketing. 

Si Sherry ay may Master’s Degree sa Internet Marketing. Isa rin siyang LinkedIn Learning Instructor, Adjunct Instructor para sa maraming unibersidad, at host ng The Marketing Plan Podcast.  

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1470163951298710714
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false