Tumulong na protektahan ang iyong Profile ng Negosyo sa Google

Para protektahan ang Profile ng Negosyo sa Google, lubos naming inirerekomendang sundin mo ang mga hakbang sa ibaba.

I-claim ang lahat ng lokasyon ng iyong negosyo

I-claim ang lahat ng lokasyon ng negosyo mo sa Google Maps at Search. Pakitandaan na mas hihina ang seguridad at mas madaling maha-hijack ang iyong negosyo dahil as mga hindi na-claim na lokasyon. Matutunan kung paano idagdag o i-claim ang iyong Profile ng Negosyo sa Google.

Para tingnan kung na-claim na o hindi pa ang isang Profile ng Negosyo:

Sa Google Search:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Search.
  2. Hanapin ang pangalan ng iyong negosyo.
  3. Sa kanang bahagi, tingnan ang Panel ng Impormasyon na nagpapakita ng impormasyon ng iyong negosyo:
    1. Kung kasama sa Panel ng Impormasyon ang isang link na nagsasabing "Pag-aari mo ang negosyong ito?" o "I-claim ang negosyong ito," hindi pa nake-claim ang iyong Profile ng Negosyo.
    2. Kung magki-click ka sa "Pag-aari mo ang negosyong ito?" at napunta ka sa screen na nagsasabing "Posibleng may ibang namamahala sa Profile ng Negosyo na ito," na-claim na ang iyong Profile ng Negosyo
    3. Kung nag-click ka sa "Pag-aari mo ang negosyong ito?" at "Pamahalaan ang negosyong ito para sumagot sa mga review, i-update ang impormasyon at higit pa" ang nakalagay sa susunod na screen, hindi pa nake-claim ang iyong profile.

Sa Google Maps:

  1. Sa iyong computer, buksan ang Google Maps.
  2. Hanapin ang pangalan ng iyong negosyo.
  3. Kung nakikita mo ang "I-claim ang negosyong ito" sa tab na “Tungkol Dito,” hindi pa nake-claim ang iyong Profile ng Negosyo.

Limitahan ang access sa iyong Profile ng Negosyo

Kapag mas kaunti ang mga taong may access sa iyong Profile ng Negosyo, mas mababa ang posibilidad na makompromiso ito. Bigyan lang ng access ang mga may-ari at manager na mahalaga sa pamamahala ng Profile ng negosyo.

Pakitandaang mae-edit at maililipat ng mga may-ari ang pagmamay-ari ng iyong negosyo, kaya maging mas maingat sa pagdaragdag sa kanila. Alisin ang access sa profile ng isang dating empleyado kung hindi na siya nagtatrabaho sa iyong negosyo. Gumamit ng alyas sa email para sa manager ng iyong profile. Tiyaking may access ka pa rin kung magdaragdag ka ng third party para pamahalaan ang iyong Profile ng Negosyo.

Maging maingat sa mga kahilingan sa email na maging may-ari o manager ng iyong Profile ng Negosyo. Huwag aprubahan ang mga kahilingang iyon maliban kung kilala mo ang indibidwal na humihingi ng access.

Mag-ingat sa mga scam na pagpapanggap sa Google

Mag-ingat sa mga tawag sa telepono, e-mail, o text message mula sa mga taong nag-aalok ng tulong sa iyong Profile ng Negosyo kapalit ng pera. Kabilang dito ang mga tao o kumpanyang nagke-claim na Google support o mga empleyado ng Google. Tandaang hindi naniningil ang Google para sa serbisyong ito.

Tip: Hinding hindi manghihingi ang Google ng Pang-isahang Beses na Password (One Time Password o OTP) o Personal Identification Number (PIN). Hinding hindi susubukan ng Google na kumbinsihin kang magbayad para mapanatili ang iyong Profile ng Negosyo. Kabilang dito ang pag-verify o pagbabalik ng iyong Profile ng Negosyo.

Kung gumagamit ka ng third party para pamahalaan ang iyong Profile ng Negosyo, tiyaking may access ka pa rin bilang may-ari ng iyong Profile. Ipinagbabawal na baguhin o i-disable ang mga feature ng profile nang walang tahasang pahintulot mo. Sa mga naturang sitwasyon, puwede kang mag-ulat ng paglabag sa patakaran sa third party.

Sundin ang pinakamahuhusay na kagawian sa seguridad para manatiling ligtas online

Para mapagtibay ang seguridad ng iyong Google account, gumamit ng malalakas na password, panatilihing ligtas ang iyong mga device, i-on ang 2-Step na Pag-verify at ligtas na mag-browse sa web. Matuto pa tungkol sa kung paano manatiling ligtas online.

Mga third party na manager

Sumunod sa aming mga patakaran

Dapat magpakita ang mga kontribusyon sa Google Maps at sa iyong Profile ng Negosyo ng totoong experience at sumunod sa aming mga patakaran. Hindi pinapayagan at aalisin ang pekeng engagement at content na lumalabag sa patakaran. Kung may ma-detect na pekeng engagement, puwedeng mapailalim ang iyong Profile ng Negosyo sa mga paghihigpit sa pag-post.

Para mapigilan ang mga paghihigpit sa iyong Profile ng Negosyo, tiyaking sundin ang aming mga patakaran.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17264414472510278167
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
99729
false
false
false