Mga pagbabago sa batas sa Goods and Services Tax (GST) ng India sa 2017

Simula sa Hulyo 1, 2017, dahil sa isang pagbabago sa mga batas sa Goods and Services Tax (GST) sa India, pananagutan na ng Google ang pagtukoy, pagsingil, at pag-remit ng GST para sa mga pagbili sa Google Play Books ng mga customer na taga-India. Magiging 18 porsyento ang rate ng GST para sa mga pagbiling gagawin ng mga customer na taga-India.

Ilalapat ng Google ang pagbabagong ito sa lahat ng pagbili ng bayad na aklat na gagawin ng mga customer sa India, kahit na wala sa India ang iyong negosyo. Maaaring maapektuhan ang iyong kita sa mga benta sa mga customer sa India, sa sumusunod na paraan:

  • Mga presyong wala pang kasamang buwis: Kung magbibigay ka ng mga presyong wala pang kasamang buwis para sa India (IN), hindi magbabago ang iyong bahagi sa kita para sa mga benta sa India, dahil matagal nang kinakalkula ang bahagi sa kita nang walang kasamang buwis. Gayunpaman, kakailanganin ng mga customer na bayaran ang buwis, at kaya naman tataas ang aktwal na presyo ng mga aklat mo.
  • Mga presyong may kasama nang buwis: Kung magbibigay ka ng mga presyong may kasama nang buwis para sa India (IN), bababa nang humigit-kumulang 18 porsyento ang iyong bahagi sa kita para sa mga benta sa India dahil ibabawas namin ang GST sa Presyong Retail bago kalkulahin ang bahagi mo sa kita.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
11230446785253917350
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
82437
false
false