Gumawa at mamahala ng mga campaign na may pampromosyong pagpepresyo

Puwede kang:

  • Mag-alok ng mga diskwentong may limitadong panahon sa iyong mga aklat sa Google Play sa Partner Center.
  • Mag-set up ng promosyon para baguhin ang presyong retail ng iyong aklat para sa isang partikular na hanay ng petsa.
    • Sa panahong ito, posibleng itampok ang aklat sa Google Play store o sa mga marketing email ng Google Play. Pagkatapos nito, babalik sa orihinal na presyong retail ang aklat.

Tip: Para mag-promote ng aklat, dapat ay available nang mabili ang aklat.

  • Para tumingin, mag-edit, o gumawa ng mga promo code at promosyon ng presyo: I-click ang Mga Promosyon sa Partner Center.
  • Kung hindi mo makita ang page ng mga promosyon: Hilingin sa administrator ng iyong account na bigyan ka ng access sa Catalog ng Aklat.
  • Para mag-iskedyul ng mga pampromosyong presyo sa isang antas ng aklat: Sa seksyong "Pagpepresyo" o sa pamamagitan ng ONIX, dapat kang magbigay ng mga presyo ng aklat na may mga petsa ng pagsisimula at pagtatapos.
  • Kung magtatakda ka ng mga promosyong mag-o-overlap: Ang promosyong may pinakamababang presyo ang magkakaroon ng bisa.

Gumawa ng promosyon

Para mag-iskedyul ng bagong promosyon, i-click ang Pumili ng uri ng promo at pagkatapos ay Pampromosyong pagpepresyo.

Dapat mong ibigay ang:

  • Pangalan para sa promosyon.
  • Petsa ng pagsisimula: Magkakaroon ng bisa ang promosyon sa araw na ito sa ganap na 00:00 batay sa pinakamaagang time zone kung saan available na mabili ang aklat.
  • Petsa ng pagtatapos: Mag-e-expire ang promosyon sa araw na ito sa ganap na 23:59 batay sa pinakamaagang time zone kung saan available na mabili ang aklat.
    • Para mag-iskedyul ng pang-isang araw na promosyon, gumamit ng parehong petsa para sa pagsisimula at pagtatapos.
  • Aling mga aklat ang gusto mong isama sa promosyon.

Pumili ng mga aklat

  1. Mula sa dropdown na listahan sa ilalim ng “Identifier,” piliin ang mga aklat na isasama sa promosyon.
  2. Para sa bawat aklat, pumili ng mga pamantayan para sa promosyon:
    • Bansa
    • Currency
    • Pampromosyong presyo
    • Para magdagdag pa ng mga pampromosyong presyo o currency: I-click ang .

Tip: Puwede ka ring magdagdag ng mga pampromosyong presyo nang maramihan, piliin ang Gumamit na lang ng CSV.

Tingnan ang mga detalye

Mahalaga: Habang kasalukuyang isinasagawa ang isang promosyon, hindi ipinapakita ang mga pampromosyong presyo sa mga tab na Pagpepresyo sa page ng mga detalye ng mga aklat.

Sa ilalim ng tab na “Pampromosyong Pagpepresyo,” puwede kang tumingin ng listahan ng iyong mga promosyon at ng mga detalye ng mga ito:

  • Bilang ng mga pamagat na kasama
  • Petsa ng pagsisimula at pagtatapos
  • Status ng promosyon

Puwede ka ring mag-download ng ulat ng promosyon.

Tip: Para sa higit pang detalye, i-click ang pangalan ng promosyon. May makikita kang listahan ng mga aklat na kasama sa promosyon at ng mga pampromosyong presyo ng mga ito.

Mag-edit ng promosyon

Hindi mo puwedeng i-edit ang mga detalye ng isang kasalukuyang promosyon. Para i-pause, alisin, wakasan, o kopyahin ang promosyon, i-click ang I-edit ang Promosyon.

Mahalaga: Hindi mo mao-overwrite ang isang promosyon sa pamamagitan ng paggawa ng panibago gamit ang parehong pangalan. Dapat mong i-delete ang lumang promosyon bago ka gumawa ng kapalit nito.

Mag-alis ng promosyon

Para mag-delete ng nakaiskedyul na promosyon bago ito magsimula:

  1. Sa tabi ng promosyon, i-click ang I-edit ang Promosyon at pagkatapos ay Alisin.
  2. Maaalis ang listing sa page.

Para mag-alis ng kasalukuyang isinasagawang promosyon:

  1. Sa tabi ng promosyon, i-click ang I-edit ang promosyon at pagkatapos ay Wakasan.
  2. Magiging "Tapos na" ang status ng promosyon at maa-update ang petsa ng pagtatapos nito.
    • Sa loob ng 24 na oras, hindi mailalapat ang mga pampromosyong presyo sa iyong mga aklat.

Gumamit ng CSV file para sa pampromosyong pagpepresyo

Para maglapat ng pampromosyong pagpepresyo nang maramihan, puwede kang mag-upload ng CSV file.

  1. Sa ilalim ng "Pagpipilian ng Aklat," piliin ang Maghanap ng mga aklat o mag-upload sa pamamagitan ng CSV.
  2. Piliin ang Mag-upload ng CSV gamit ang template.
  3. Buksan ang template gamit ang isang spreadsheet program.

Tip: Naiiba ang mga header ng column sa mga header ng column na makikita sa .csv file na na-download mula sa Catalog ng Aklat.

Mga kinakailangang header ng column

Mahalaga: Ang mga sumusunod na header ng column lang ang tatanggapin.

  • Pantukoy ISBN
    • Sa column na ito, ibigay ang mga ISBN.
  • Pamagat
    • Puwedeng iwanang blangko ang column na ito.
  • Currency
    • Gamitin ang column na ito para magtakda ng pampromosyong presyo nang walang conversion ng currency. Halimbawa, puwede mong ilista ang presyo bilang $1.99 USD para sa United States at £1.99 GBP para sa United Kingdom.
  • Halaga
    • Ilagay ang pampromosyong presyo.
    • Huwag isama ang simbolo ng currency.
  • Mga Bansa
    • Mga bansa kung saan malalapat ang promosyon.

    • Para payagan ang mga pampromosyong presyo sa mga bansang gumagamit ng ibang currency, dapat i-on ang conversion ng currency.

Format at pag-encode

I-save ang iyong listahan ng aklat na may promosyon bilang tab-separated at Unicode-encoded (UTF-16LE) na .csv file.

Mga Error

Kung may anumang isyu kapag ipinroseso mo ang iyong .csv file, ipapakita ang status ng promosyon bilang "May mga error." I-click ang status para mag-download ng isa pang .csv file na naglilista sa mga error.

Halimbawa

Narito ang halimbawa ng spreadsheet na magbibigay ng diskwento sa aklat para maging $1.99 USD na lang sa United States, at £0.99 UK na lang sa United Kingdom. Ang isa pang aklat ay magiging $3.00 USD na lang ang halaga o sa lokal na katumbas nito sa lahat ng teritoryong pinagbebentahan.

Pantukoy Pamagat Currency Halaga Mga Bansa
ISBN:1234567890123 Opsyonal na Pamagat USD 1.99 US
ISBN:1234567890123 Opsyonal na Pamagat GBP 0.99 GB
ISBN:9780123456789 Opsyonal na Pamagat 2 USD 3.00 WORLD

Para maglapat ng mahigit sa isang pampromosyong presyo sa parehong aklat sa parehong panahon ng promosyon, gawing magkahiwalay na row ang bawat presyo.

Tip: Kung naka-on ang conversion ng currency, puwede mong gamitin ang keyword na MUNDO para ilapat ang pampromosyong presyo sa bawat isa sa mga teritoryong pinagbebentahan mo.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
15887271805067095152
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
82437
false
false