Edit an auto-narrated audiobook

5. I-edit ang impormasyon ng metadata ng libro

Mga halimbawa ng metadata:

  • Tungkol sa libro
  • Mga Genre
  • Mga Contributor
  • Mga Setting

Tip: Para pumunta sa bawat bagong seksyon, i-click ang I-save at Magpatuloy.

Kinakailangan ang genre, pamagat, at isang identifier gaya ng ISBN, pero dapat mong punan ang lahat ng field kung posible. Nakakatulong ang mas maraming data para matuklasan ng mga mambabasa ang iyong mga libro.

Puwede mong i-edit ang impormasyong ito sa iyong Partner Center account.

Mga field ng metadata
ISBN o iba pang identifier

Ang ISBN para sa edisyon ng aklat na ito. Kung walang ISBN ang iyong aklat, magtatalaga ang aming system ng natatanging identifier para rito. Hindi mo puwedeng i-edit ang field na ito.

Kung kailangan mong baguhin ang identifier ng aklat:

  1. Buksan ang Catalog ng Aklat.
  2. Hanapin at piliin ang aklat na nangangailangan ng pagbabago sa identifier ng aklat.
  3. Sa menu sa kaliwa, piliin ang tab na Impormasyon ng Aklat.
  4. I-click ang identifier ng aklat ng pamagat na lalabas sa itaas ng kahon kung nasaan ang kasalukuyang identifier.
  5. I-click ang Magpatuloy.
  6. Sa kahong nakatalaga para sa identifier ng aklat, gawin ang mga pag-edit.
  7. I-click ang I-save.

Tip: Kapag na-update mo ang identifier ng aklat:

  • Magkakaroon ng duplicate ang aklat at made-deactivate ang mas lumang bersyon.
  • Hindi malilipat sa bagong aklat ang mga rating at review.
Format Ang uri ng aklat para sa partikular na ISBN o iba pang identifier na ito. Para sa bagong aklat, naka-prefill bilang ebook ang field na ito bilang default.
Pamagat Ang pamagat ng aklat.
Subtitle Ang subtitle ng aklat.
Paglalarawan Paglalarawan ng aklat, gaya ng kopya ng pabalat sa likod.
Wika

Ang pangunahing wika ng aklat.

Kung gumagamit ka ng lumang Partner Center, gumamit ng 3 titik na ISO 639-2 code, gaya ng eng para sa English.

Kung gumagamit ka ng bagong Partner Center, pumili ng listahan ng mga wika o maghanap ng mga wika.

Pangkat ng edad Ang sakop na edad ng nilalayong audience para sa aklat.
Petsa ng pagbebenta Iwanang blangko ang field na ito kung puwedeng gawing available kaagad ang aklat para sa pagbebenta sa Google Play. Kung hindi pa ibinebenta ang aklat, maglagay ng petsa sa hinaharap kung kailan magiging available ang aklat. Gamitin ang format na YYYY-MM-DD.

Mahalaga:

  • Hindi nakakaapekto ang setting na ito sa availability ng pag-preview sa iyong aklat sa Google Books.
  • Nakadepende sa bersyon ng Partner Center na ginagamit mo ang mga hakbang para baguhin ang availability ng pag-preview ng iyong aklat.

Para baguhin ang setting na ito:

  1. Mag-sign in sa Partner Center.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Impormasyon ng Aklat at pagkatapos ayMga Settingat pagkatapos ayIpakita ang mga advanced na setting.
  3. Sa ilalim ng "Payagan ang pag-preview bago ang petsa ng pagbebenta?", i-click ang Hindi.
Petsa ng pagkalathala Ang petsa ng pagkakalathala ng aklat. Ito ay bibliographic na impormasyon at hindi nakakaapekto sa availability ng aklat. Puwede mong limitahan ang visibility ng iyong aklat batay sa petsa ng "pagbebenta."
Publisher Ang pangalan ng publisher. Pampubliko itong ipinapakita sa mga page ng pag-preview ng Google Books bilang "Ipinapakita ang mga page na may pahintulot ng..."
Bilang ng page Ang bilang ng mga page sa aklat.
Pangalan ng series

Kung bahagi ng series ang aklat, tiyaking eksaktong pareho ang spelling at bantas ng pangalan ng series para sa bawat aklat na bahagi ng series.

Volume sa series

Kung bahagi ng series ang aklat, ilagay ang numero ng volume ng aklat na ito sa buong series.

Kung may bilang, walang laktaw, at walang kaparehong bilang ang lahat ng volume na mayroon sa iyong account, posibleng gumawa ang Play ng nakatalagang page para sa series. Puwedeng maging kwalipikado ang page na ito para sa mga pampromosyong pagkakataon na nauugnay sa series, tulad ng mga series bundle at notification.

Kapag gumawa ng nakatalagang page para sa iyong series, io-optimize ng Play ang paraan ng pagpapakita ng mga aklat mo para sa karanasan sa series.

Kung hindi maa-update sa Play Store ang anumang pagbabagong ginawa mo sa pangalan ng series at numero ng series makalipas ang 48 oras, ⁠makipag-ugnayan sa amin.

Mga kaugnay na aklat

ISBN para sa iba pang aklat na nauugnay sa aklat na ito. Halimbawa, kung may ebook at pisikal na edisyon ang aklat na ito, dapat mong ibigay ang ISBN ng iba pang format.

Matuto pa tungkol sa kung paano mamahala ng maraming ISBN.

Para sa mga mature na audience? Piliin ang Oo kung ang aklat ay para lang sa mga mature na audience.
Paksa o Mga Genre

Pumili ng isang pamantayan ng paksa. Inirerekomenda namin ang mga code ng Book Industry Subject and Category (BISAC) dahil nakabatay sa BISAC ang mga genre sa Play Store. Puwede kang pumili sa mga pamantayang ito:

  • BISAC [2018 na Edisyon] (North America)
  • BIC (UK at Australia)
  • WGSneu (Germany)
  • C code (Japan)
  • CLIL (France)
  • UDC (Russia)
  • GKSS (South Korea)
  • Manga (Japan at South Korea)

Pagkatapos mong pumili ng pamantayan ng paksa, puwede kang magtalaga ng mga genre sa isang aklat. Para piliin ang genre ng isang aklat, maglagay ng keyword para maghanap ng mga katugmang genre. Inirerekomenda naming pumili ka ng maximum na 3 genre kada aklat. Ang unang genre dapat ang pinakanauugnay sa aklat. Kailangang magmula sa iisang pamantayan ang lahat ng 3 genre.

Mga Contributor Karaniwang kabilang sa mga contributor ang may-akda, editor, o illustrator. Puwede kang magdagdag ng maraming contributor kung kinakailangan.
Mga biographical na tala Impormasyon tungkol sa mga contributor.

Mga kaugnay na resource 

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
7577164822477253579
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
82437
false
false