Ang lahat ng text na lalabas sa kahon ng editor ng text ay iko-convert sa audio, maliban sa text na naka-strike out. Kung gusto mong i-edit ang mako-convert, i-highlight ang text na gusto mong i-edit, pagkatapos ay i-delete ito o mag-type ng bagong text.
Kung kailangan mong maghanap ng mga instance ng isang partikular na salita at palitan ang salitang iyon, gamitin ang tool na hanapin at palitan.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa .
- Sa field na “Hanapin,” ilagay ang salita para hanapin ito sa text.
- Para lumipat sa susunod na instance ng salita: I-click ang Susunod.
- Para lumipat sa nakaraang instance ng salita: I-click ang Nakaraan.
- Sa field na “Palitan ng,” kung naaangkop, ilagay ang pamalit na text.
- Para palitan ng bagong text ang napiling salita: I-click ang Palitan.
- Para palitan ang lahat ng instance ng salitang iyon sa audiobook: I-click ang Palitan lahat.
Tip: Para mabilisang maghanap ng salita, gamitin ang Ctrl + f. Pagkatapos, gamitin ang mga pataas at pababang arrow sa tabi ng paghahanap para pumunta sa susunod at nakaraang instance.