Sound adjustments

2. Suriin at i-adjust ang pagbigkas

Kung mali ang pagkakabigkas ng auto-narrator sa isang salita, puwede kang gumawa ng sarili mong bigkas na babasahin nito. Puwede ka ring makahanap ng mga bigkas para sa mga salitang may parehong spelling, pero iba ang bigkas.

Pagsusuri sa pagbigkas

Sa text editor ng Audiobook, sa ilalim ng “Pagsusuri sa pagbigkas,” puwede kang magsuri ng mga salitang nangangailangan ng mga pag-edit sa pagbigkas. Para i-play ang lahat ng kategorya ng salita o magsuri ayon sa kategorya, i-click ang Lahat ng kategorya. Kung iki-click mo ang button na I-play sa tabi ng isang partikular na salita, ipe-play nito ang lahat ng paglitaw ng salitang iyon sa libro. Kung na-edit ang pagbigkas, may salitang tutukoy nito.

Mga available na kategorya

  • Mga pag-edit sa mga pagbigkas
  • Mga pangalan ng tao
  • Mga organisasyon
  • Mga pangalan ng lokasyon
  • Mga naka-spell out na salita
  • Mga naka-spell out na numero

Baguhin ang bigkas ng isang salita

  1. Mag-right click sa salita.
  2. Piliin ang I-edit ang Pagbigkas.
  3. Piliin kung paano babaguhin ang bigkas:
    • Pumili ng alternatibong bigkas, kung may ibinigay.
      • Ipapakita ang mga alternatibong bigkas sa panel sa kanang bahagi.
      • Manual na ilagay ang phonetic spelling. Halimbawa, puwede mong ilagay ang "one thousand and sixty" para palitan ang "1060."
    • Gamitin ang International Phonetic Alphabet (IPA).
      • Manual na ilagay ang IPA text. Halimbawa, puwede mong ilagay ang "minute" bilang "mɪn ɪt" o "maɪˈnut."
      • I-click ang mikropono para bigkasin ang salita sa iyong mikropono.
Tip: Hindi available ang feature na ito para sa ilang wika.

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14111906593020760946
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
82437
false
false