Sino-store ng iyong Google Assistant ang dati mong aktibidad para makagawa ng mga bagay tulad ng pag-alala sa iyong mga interes at pagbibigay ng mga mas naka-personalize na sagot. Makikita at made-delete mo ang iyong dating aktibidad anumang oras.
Mag-delete ng aktibidad gamit ang iyong boses
Halimbawa, puwede mong sabihin ang:
- “Hey Google, i-delete ang huli kong pakikipag-usap.”
- “Hey Google, i-delete ang aktibidad ngayong araw.”
- “Hey Google, i-delete ang aktibidad ngayong linggo.”
- "Hey Google, hindi iyon para sa iyo" para i-delete ang huling bagay na sinabi mo.
Matuto pa tungkol sa kung paano dine-delete ang aktibidad mo.
Mag-delete ng partikular na aktibidad
Puwede kang mag-delete ng indibidwal na item, tulad ng isang bagay na hiniling mong tandaan ng iyong Google Assistant.
Kung ginagamit mo ang Google Assistant sa iyong telepono, puwede kang mag-delete ng dating aktibidad nang direkta sa iyong pag-uusap sa Assistant. Makakakita ka ng hanggang isang buwan ng dating aktibidad sa pag-uusap mo.
- Sa iyong telepono, pindutin nang matagal ang button ng Home o sabihin ang "Hey Google."
- Sa iyong pag-uusap sa Google Assistant, maghanap ng item na gusto mong i-delete.
- Pindutin nang matagal ang item. Maha-highlight ang mga kaugnay na item I-delete ang grupo.
- Pumunta sa page ng aktibidad ng Assistant ng iyong Google Account. Mag-sign in sa iyong Google Account kung hindi mo pa ito nagagawa.
- Hanapin ang aktibidad na gusto mong i-delete. Tip: Sa itaas ng page, mag-filter ayon sa petsa.
- I-tap ang Higit pa I-delete.
I-delete ang lahat ng aktibidad ng Assistant nang sabay-sabay
Mahalaga: Kapag na-delete mo ang lahat ng aktibidad, puwedeng abutin nang isang araw bago ma-delete ang aktibidad sa iba mo pang device.
- Pumunta sa page ng aktibidad ng Assistant ng iyong Google Account.
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Sa kanang bahagi sa itaas, sa banner na "Google Assistant," i-tap ang Higit pa Mag-delete ng aktibidad ayon sa.
- Sa ilalim ng "Mag-delete ng aktibidad ayon sa," piliin ang Lahat ng oras.
- I-tap ang I-delete.
- Para kumpirmahin, i-tap ang I-delete.
I-on ang pagsusuri sa aktibidad mo sa Assistant sa Chromebook
Kapag na-set up mo ang iyong Google Assistant sa Chromebook mo, baka ipa-on sa iyo ang ilang partikular na setting. Mapipili mong i-on o i-off ang mga ito anumang oras. Alamin ang mga setting na baka ipa-on sa iyo.
I-on o i-off ang mga setting ng aktibidad mo
Mahalaga: Kapag na-on mo ang mga setting na ito, io-on mo ang mga ito para sa iyong Assistant at para sa iba pang serbisyo ng Google na ginagamit mo.
- Pumunta sa iyong Mga kontrol ng aktibidad sa Google Account. Posibleng kailanganin mong mag-sign in sa iyong account.
- I-on o i-off ang mga setting na ito:
- Aktibidad sa Web at App
- Mga recording ng audio
- Impormasyon ng app mula sa iyong mga device
- Impormasyon sa pakikipag-ugnayan mula sa iyong mga device
Tingnan ang aktibidad mo sa Google Assistant
Kapag may access ang Assistant sa Google Account mo at naka-on ang iyong Aktibidad sa Web at App, mase-save sa account mo ang iyong mga pakikipag-ugnayan sa Assistant mo.
- Pumunta sa page ng aktibidad ng Assistant ng iyong Google Account.
- Mag-sign in sa iyong Google Account.
- Sa itaas ng page, maghanap ng aktibidad o mag-filter ayon sa petsa.
Tip: Para tumingin ng partikular na impormasyon ng aktibidad, sa banner ng aktibidad, piliin ang Higit pa Mga Detalye.
I-delete ang aktibidad mo sa Assistant
Mahalaga: Kapag na-delete mo ang lahat ng aktibidad, puwedeng abutin nang isang araw bago ma-delete ang aktibidad sa iba mo pang device.
- Pumunta sa page ng aktibidad ng Assistant ng iyong Google Account. Mag-sign in sa iyong Google Account kung hindi mo pa ito nagagawa.
- Sa kanang bahagi sa itaas, sa banner ng "Google Assistant," piliin ang Higit pa Mag-delete ng aktibidad ayon sa.
- Sa ilalim ng "Mag-delete ng Aktibidad sa Google Assistant," pumili ng yugto ng panahon.
- Piliin ang I-delete.
Mga karaniwang tanong
Paano ginagamit ng Google ang aking impormasyon?
Gumagamit kami ng data para gawing mas kapaki-pakinabang para sa iyo ang aming mga serbisyo, gaya ng Google Assistant. Puwede kang matuto pa sa page ng Patakaran sa Privacy ng Google.
Ginagamit ba ang aking mga pakikipag-ugnayan sa Google Assistant para mapahusay ito?
Patuloy naming gagawing mas kapaki-pakinabang ang Google Assistant sa paglipas ng panahon, at kasama rito ang pagkatuto mula sa dating aktibidad sa Google Assistant.
Ginagamit ba ng Google ang aking mga pakikipag-ugnayan sa Google Assistant para i-personalize ang mga nakikita kong ad?
Kung makikipag-ugnayan ka sa Google Assistant, posibleng gamitin namin ang mga pakikipag-ugnayang ito para maghatid ng mga mas kapaki-pakinabang na ad. Puwede mong i-delete ang mga dating pakikipag-ugnayan sa iyong Assistant anumang oras.
Pamahalaan ang paggamit sa iyong Google Assistant device
Mahalaga: Hindi pa available ang feature na ito sa ilang wika at bansa o rehiyon.
Puwede mong gamitin ang Digital Wellness para kontrolin kung kailan at paano magagamit ng mga tao, gaya ng mga bisita o kapamilya mo, ang iyong speaker, Assistant-enabled na device, o Smart Clock.
Tanging ang taong magse-set up sa speaker, Assistant-enabled na device, o Smart Clock ang puwedeng mag-set up at mamahala ng mga filter at Downtime.
Kontrolin kung aling mga feature ang magagamit ng mga tao
Mahalaga: Walang filter na 100% epektibo pero makakatulong sa iyo ang mga filter na ito na pamahalaan ang access sa pang-mature na content.
Mapipili mo kung nakakaapekto ang mga filter sa lahat ng gumagamit ng iyong device o sa mga bisita at bata lang na may Family Link account. Makakapaglapat ka ng mga filter sa partikular na device o sa lahat ng sinusuportahang device.
Mag-set up ng mga filter ng Digital Wellness
Mahalaga: Kapag nag-set up ka ng mga filter, maghihigpit o magba-block ang mga ito ng mga serbisyo sa musika at video, at iba pang pagkilos na bahagi ng routine.
- Buksan ang Google Home app .
- Sa ibaba, i-tap ang Home .
- Pundutin nang matagal ang iyong device.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga setting ng device Mga notification at digital wellness Digital wellness I-set up.
Paano gumagana ang mga filter ng Digital Wellness
Mahalaga: Kahit i-on mo ang mga filter ng video at iba pang content, puwede ka pa ring magbukas ng mga video at iba pang content sa pamamagitan ng mga balita, podcast, at website. Halimbawa, kung mag-block ka ng mga video pero pinapayagan mo ang mga website, posibleng makapagbukas pa rin ng mga video ang mga tao sa pamamagitan ng mga website.
Mailalapat mo ang karamihan ng mga filter ng Digital Wellness sa ibaba sa mga speaker, Assistant-enabled na device, at Smart Clock. Available lang ang filter ng Mga Website sa mga Assistant-enabled na device.
Tip: Para gumana nang maayos ang Digital Wellness, up to date dapat ang iyong mga device at app.
Mga filter ng video
- Payagan ang anumang video: Ipe-play ng iyong device ang lahat ng sinusuportahang video.
- Payagan lang ang mga naka-filter na video: Magpe-play lang ang iyong device ng mga video mula sa mga serbisyo sa video na pipiliin mo.
- I-block ang lahat ng video: Hindi magpe-play ng anumang video ang iyong device.
Mga filter ng musika
Mahalaga: Anuman ang setting ng filter ng musika mo, palaging available ang mga audiobook at istasyon ng radyo mula sa mga serbisyong gaya ng iHeartRadio at TuneIn.
- Payagan ang anumang musika: Ipe-play ng iyong device ang lahat ng musika.
- Payagan lang ang hindi explicit na musika: Papayagan ka ng iyong device na pumili sa mga serbisyo sa musika na puwedeng mag-play ng mga hindi explicit na kanta.
- I-block ang lahat ng musika: Hindi magpe-play ng anumang musika ang iyong device.
Mga Balita
- Payagan ang balita: Ipe-play ng iyong device ang lahat ng sinusuportahang balita.
- I-block ang balita: Hindi magpe-play ng anumang balita ang iyong device.
Mga Podcast
- Payagan ang mga podcast: Ipe-play ng iyong device ang lahat ng sinusuportahang podcast.
- I-block ang mga podcast: Hindi magpe-play ng anumang podcast ang iyong device.
Mga Tawag
- Payagan ang mga tawag: Makakagawa ang iyong device ng anumang voice call at video call.
- I-block ang lahat ng tawag: Hindi gagawa ng mga voice call o video call ang iyong device. Hindi ito magba-block ng mga voice message na ibo-broadcast mo sa bahay mo.
Mga sagot ng Google Assistant
- Payagan ang mga sagot: Makakapagbigay ang iyong device ng anumang sinusuportahang sagot.
- Paghigpitan ang mga sagot: Tutugon lang ang iyong device sa mga pangunahing tanong, gaya ng lagay ng panahon, matematika, kahulugan, at iba pang simpleng impormasyon.
- Tip: Halimbawa ng simpleng impormasyon ang bilang ng mga araw hanggang mag-holiday o ang lokasyon ng isang lungsod.
Actions on Google
- Payagan ang lahat ng pagkilos: Makakapagsagawa ang iyong device ng anumang sinusuportahang pagkilos.
- Payagan lang ang mga pampamilyang pagkilos: Makakapagsagawa lang ang iyong device ng mga pagkilos para sa Mga Pamilya na naaangkop para sa mga miyembro ng pamilya, anuman ang kanilang edad.
Mga Website
Mahalaga:
- Available lang ang filter na ito sa mga Assistant-enabled na device. Kung magli-link ka ng sinusubaybayang account para sa batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa iyong bansa) sa Assistant-enabled na device mo, posibleng ma-block ang web maliban na lang kung papayagan mo ang mga website.
- Mabubuksan ng mga Assistant-enabled na device ng Google ang web sa pamamagitan ng teknolohiyang SafeSearch na posibleng mag-block ng mga explicit na website. Hindi sinusuportahan ng ilang partikular na third-party na device ang SafeSearch.
- Kung papayagan mo ang mga website sa mga ganitong third-party na device, hindi matitingnan ng mga taong gumagamit ng mga third-party na Assistant-enabled na device ang web gamit ang SafeSearch.
- Payagan ang mga website: Mabubuksan ng iyong Assistant-enabled na device ang mga website.
- I-block ang mga website: Hindi mabubuksan ng iyong Assistant-enabled na device ang mga website.
Tip: Naka-on bilang default ang setting na "Payagan ang mga website" para sa mga Assistant-enabled na device na may SafeSearch, at naka-off ito bilang default para sa mga Assistant-enabled na device na walang SafeSearch. Sa menu ng mga setting ng Digital Wellness, mapapamahalaan mo ang mga setting ng website.
Pamahalaan ang mga filter para sa YouTube, YouTube Music, at YouTube TV
- Buksan ang Google Home app .
- Sa ibaba, i-tap ang Home .
- Pundutin nang matagal ang iyong device.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga setting ng device Mga notification at digital wellness Mga setting ng YouTube.
Mga filter ng paghahanap ng video sa YouTube at ng YouTube Music
Puwede mong i-filter ang mga posibleng pang-mature na musika at video sa YouTube para sa iyo at sa mga hindi kilalang user sa device. Matuto pa tungkol sa Restricted Mode sa YouTube.
Sa ilalim ng “Gamitin ang Restricted Mode:”
- I-on o i-off ang Paghigpitan para sa akin sa device na ito.
- I-on o i-off ang Paghigpitan para sa mga hindi kilalang user sa device na ito.
Mga filter para sa YouTube TV
Mahalaga: Available lang ang YouTube TV sa US. Matuto pa tungkol sa mga available na lokasyon at network.
Mapipili mong payagan ang mga programang may rating na YT-Y, YT-G, G, at PG na mag-play para sa iyo sa device.
Sa ilalim ng “I-filter ang content para sa YouTube TV,” i-on o i-off ang I-filter para sa akin.
Pansamantalang i-off ang Google Assistant
Puwede mong i-on ang Downtime para pansamantalang limitahan ang magagawa ng iyong speaker, Assistant-enabled na device, o Smart Clock.
Mag-set up ng Downtime
- Buksan ang Google Home app .
- Sa ibaba, i-tap ang Home .
- Pundutin nang matagal ang iyong device.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga setting ng device Mga notification at digital wellness Digital wellness Bagong iskedyul.
Baguhin ang iskedyul ng Downtime
- Buksan ang Google Home app .
- Sa ibaba, i-tap ang Home .
- Pundutin nang matagal ang iyong device.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga setting ng device Mga notification at digital wellness Digital wellness.
- I-tap ang iskedyul na gusto mong baguhin.
- Para pumili ng mga araw kung kailan mo gustong ma-on ang Downtime:
- Piliin kung aling mga araw. Puwede kang gumamit ng premade na iskedyul o gumawa ng iskedyul ng customer.
- I-tap ang I-save.
- Para piliin ang oras ng pagsisimula at pagtatapos ng Downtime:
- Piliin ang oras ng pagsisimula at pagtatapos ng Downtime.
- I-tap ang I-save.
- Para pumili ng mga araw kung kailan mo gustong ma-on ang Downtime:
Ang mangyayari kapag naka-on ang Downtime
- Hindi sasagot ang iyong device sa karamihan ng mga command o tanong. Gagana pa rin ang mga command para maghinto o magkansela ng mga aktibidad.
- Hindi ka makakatanggap ng mga notification sa iyong device.
- Hindi gagana ang mga routine maliban na lang kung nagsimula ka nito bago mo na-on ang Downtime.
- Magpapatuloy ang mga aktibidad na nagsimula bago ang Downtime. Halimbawa, makakapag-play ka ng musika bago magsimula ang Downtime, at magpapatuloy itong mag-play hanggang ihinto mo ito.
- Makakapagtakda ka ng alarm o timer, o maitatanong mo ang oras.
- Makakagamit ka ng mga command para kontrolin ang iyong mga smart device para sa home automation, tulad kapag hiniling mo sa iyong Assistant na i-on o i-off ang mga ilaw.