Nananatiling pribado ang iyong data habang humuhusay ang mga teknnolohiya sa pag-activate ng Assistant

Ang federated learning ay isang teknolohiyang nagpapahusay sa privacy na ginagamit namin para pahusayin ang mga on-device na modelo nang hindi ipinapadala sa mga server ng Google ang iyong raw data. Gumagamit ang Google ng federated learning para pahusayin ang pag-activate ng device tulad ng “Ok Google” sa mga Google Assistant-enabled na device.

Kapag nagtanong ka ng, "Ok Google, ano ang lagay ng panahon bukas?" made-detect ng on-device na modelo na nagsabi ka ng, “Ok Google,” at pagkatapos ay ipapadala nito ang iyong query sa Google Assistant.

Bukod pa rito, sa mga sinusuportahang device para sa smart na tahanan na may mga camera, magagawa ng mga on-device na modelo na mag-store at gumamit ng mga larawan para mag-detect ng pag-activate sa pamamagitan ng mga galaw, pagtitig, at paggalaw ng labi.

Ang iyong mga device ay posibleng ma-activate nang hindi sinasadya o ma-trigger kahit hindi ka nagsabi ng, “Ok Google.” Sa iba pang sitwasyon, posibleng hindi ito ma-trigger kahit na nagsabi ka ng, “Ok Google.”

Gumagamit na kami ngayon ng federated learning para pahusayin ang mga teknolohiya sa pag-activate ng Assistant, para bawasan ang mga maling pag-activate at hindi pag-detect.

Matuto pa tungkol sa federated learning mula sa online na comic ng Google AI.

Tungkol sa iyong mga recording ng boses

Kapag naka-on ang “Pahusayin kung paano nag-a-activate ang Assistant sa iyong mga device” at nag-activate o muntikang mag-activate ang Google Assistant, pansamantala itong nagso-store ng maiikling bahagi ng mga recording ng boses mo sa iyong device. Sa federated learning, ginagamit namin ang mga recording na ito para alamin kung paano i-adjust ang mga teknolohiya sa speech at pag-activate ng Assistant.

Kapag nag-activate ang Google Assistant

Kapag nag-activate ang Google Assistant, kabilang ang mga hindi sinasadyang pag-activate, posible nitong ipadala ang iyong recording ng boses sa mga server ng Google para makumpleto ng Assistant mo ang iyong request, tulad ng pagbabalik ng tinatayang lagay ng panahon sa telepono mo. Naka-store ang mga recording na ito sa mga server ng Google kung na-on mo ang Aktibidad sa Web at App at isasama mo ang mga recording ng audio.

Kapag muntikang nag-activate ang Google Assistant

Ang mga “muntikang pag-activate” ay mga sitwasyon kung saan na-detect ng modelong “Ok Google” ang audio, o ang sinabi mo, na halos nag-activate sa Google Assistant.

Hindi ipinapadala sa mga server ng Google ang iyong mga recording ng boses mula sa mga muntikang pag-activate, pero posibleng ma-save ang mga ito sa device mo kung naka-on ang “Pahusayin kung paano nag-a-activate ang Assistant sa iyong mga device.” Posibleng hindi magpahiwatig ng kahit ano ang iyong device kapag sino-store nito ang mga recording na ito at posible itong mag-store ng hanggang 20 recording kada araw, kasama ang mga sumusunod:

  • Data tungkol sa paano at kailan ka nag-i-interact sa Assistant sa iyong telepono.
  • Kung gaano kahusay ang isang interaction.
  • Impormasyon sa configuration ng telepono.

Kung gaano katagal nananatili ang mga recording sa iyong device

Ang mga on-device na recording mula sa mga pag-activate at muntikang pag-activate ng “Ok Google" ay nananatili sa iyong device nang hanggang 63 araw maliban na lang kung mauuna mong i-delete ang mga ito. Alamin kung paano i-delete ang iyong mga on-device na recording.

Alamin kung paano i-on o i-off ang federated learning.

Tungkol sa iyong mga naka-save na transcript

Kapag naka-on ang “Pahusayin kung paano nag-a-activate ang Assistant sa iyong mga device” at nag-activate o muntikang nag-activate ang Google Assistant, pansamantala nitong sino-store ang hanggang sa unang 20 salitang maririnig nito. Sino-store din nito ang mga sumusunod:

  • Kung paano at kailan ka nag-i-interact sa Assistant sa iyong telepono.
  • Tagumpay ng mga interaction.
  • Impormasyon sa configuration ng telepono.

Ginagamit namin ang data na ito para alamin kung paano i-adjust ang mga teknolohiya sa pag-activate ng Assistant nang hindi ito nawawala sa iyong device.

Gaano katagal nananatili ang mga transcript sa iyong device

Ang mga transcript at nauugnay na metadata na ginamit para tumulong na pahusayin ang mga teknolohiya sa pag-activate ng Assistant ay nananatili sa iyong device nang hanggang 63 araw maliban na lang kung ide-delete mo ang mga ito. Alamin kung paano i-delete ang iyong mga on-device na transcript.

Alamin kung paano i-on o i-off ang federated learning.

Tungkol sa iyong mga naka-save na larawan

Kapag naka-on ang “Pahusayin kung paano nag-a-activate ang Assistant sa iyong mga device” at nag-activate ang Google Assistant, pansamantala nitong sino-store ang mga larawan sa device mo. Ginagamit namin ang mga larawang ito para malaman kung paano i-adjust ang mga teknolohiya sa pag-activate ng Assistant nang hindi mawawala sa iyong device ang mga larawan.

Gaano katagal nananatili ang mga larawan sa iyong device

Ang mga larawang ginagamit para pahusayin ang mga teknolohiya sa pag-activate ng Assistant ay nananatili sa iyong device nang hanggang 63 araw, maliban na lang kung mauuna mong manual na i-delete ang mga ito. Alamin kung paano i-delete ang iyong mga on-device na larawan.

Alamin kung paano i-on o i-off ang federated learning.

Paano humuhusay ang Google Assistant gamit ang federated learning

Gumagamit ang Google Assistant ng mga recording ng boses, transcript, at larawan na naka-store sa iyong mga device para pahusayin ang mga teknolohiya sa pag-activate ng Assistant. Inaalam nito kung paano i-adjust ang modelo batay sa data ng boses, transcript, at larawan, at nagpapadala ito ng buod ng mga pagbabago ng modelo sa mga server ng Google. Kinokolekta ng Google ang impormasyong ito para magbigay ng mas mahuhusay na modelo para sa lahat.

Nagsasagawa lang ang Google Assistant ng mga computation sa federated learning sa iyong device kapag idle, nakasaksak, at nakakonekta sa Wi-Fi ang device mo.

Paano pinoprotektahan ng federated learning ang iyong data

Kapag muntikang nag-activate ang Google Assistant, hindi ipinapadala sa mga server ng Google ang recording ng boses. Sa halip, posible itong i-store sa iyong device.

Kapag nag-activate ang Google Assistant, posible nitong ipadala sa mga server ng Google ang iyong recording ng boses para makumpleto ng Assistant mo ang iyong kahilingan. Bukod pa rito, posible itong i-store sa iyong device.

Kapag naka-store sa device mo ang iyong recording ng boses, transcript, o larawan, naka-encrypt ito at ginagamit lang para gumawa ng mga pagpapahusay sa mga teknolohiya sa pag-activate ng Assistant. Ide-delete ito kapag hindi na ito kailangan, na hindi lalampas sa 63 araw.

Tip: Para kontrolin kung iso-store ng mga server ng Google ang iyong mga recording ng boses, pumunta sa Mga kontrol ng aktibidad.

Pamahalaan ang mga setting at ang iyong data

Bilang default, naka-off ang paggamit ng federated learning para pahusayin ang mga teknolohiya sa pag-activate ng Assistant.

I-on ang federated learning para sa mga teknolohiya sa pag-activate ng Assistant
  1. Sa iyong Android phone o tablet, sabihin ang "Hey Google, buksan ang mga setting ng Assistant." 
  2. Sa ilalim ng “Lahat ng setting,” i-tap ang Tumulong na pahusayin kung paano nag-a-activate ang Assistant. Kung hindi mo makita ang setting, i-tap muna ang Ikaw.
  3. I-on ang Pahusayin kung paano nag-a-activate ang Assistant sa iyong mga device.

Hindi maaapektuhan ng pag-on sa setting na ito kung paano kinokolekta, sino-store, o ginagamit ang iyong data sa ilalim ng mga hiwalay na setting.

I-off ang federated learning para sa mga teknolohiya sa pag-activate ng Assistant at i-delete ang iyong mga on-device na recording ng boses, transcript, at larawan
  1. Sa iyong Android phone o tablet, sabihin ang "Hey Google, buksan ang mga setting ng Assistant." 
  2. Sa ilalim ng “Lahat ng setting,” i-tap ang Tumulong na pahusayin kung paano nag-a-activate ang Assistant. Kung hindi mo makita ang setting, i-tap muna ang Ikaw.
  3. I-off ang Pahusayin kung paano nag-a-activate ang Assistant sa iyong mga device.

Kapag na-off mo ang federated learning para sa mga teknolohiya sa pag-activate ng Assistant

  • Dine-delete ng Google Assistant ang mga recording ng boses, transcript, at larawan na na-store nito sa iyong device para pahusayin ang mga pag-activate ng mga Google Assistant-enabled na device.
  • Patuloy na gagana ang “Ok Google” gaya ng dati.
  • Hindi maaapektuhan ng pag-off sa setting na ito kung paano kinokolekta, sino-store, o ginagamit ang iyong data sa ilalim ng mga hiwalay na setting. Hindi ide-delete ng Assistant ang mga recording ng boses na naka-store sa mga server ng Google kung na-on mo ang Aktibidad sa Web at App at isasama mo ang mga recording ng audio. Alamin kung paano i-delete ang iyong mga recording ng boses sa mga server ng Google.
I-delete ang iyong mga recording ng boses sa mga server ng Google

Sa Aking Aktibidad, makakakita ka ng listahan ng iyong nakaraang aktibidad sa Google Assistant. Kung may recording ang isang aktibidad, mayroon itong icon ng audio Magsalita.

  1. Pumunta sa iyong Aktibidad sa Google Assistant sa Aking Aktibidad.
  2. Piliin ang aktibidad na gusto mong i-delete:
    • Para mag-delete ng partikular na aktibidad at recording: Sa tabi ng gusto mong i-delete, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete.
    • Para i-delete ang lahat ng aktibidad sa Google Assistant, hindi lang ang aktibidad na may recording: Sa kanang bahagi sa itaas, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-delete ang aktibidad ayon sa at pagkatapos ay Lahat ng pagkakataon.

Matuto pa tungkol sa kung paano pamahalaan ang iyong mga recording ng audio.

Huwag i-store ang iyong mga recording ng boses sa mga server ng Google
  1. Pumunta sa iyong Mga kontrol ng aktibidad.
  2. Kung naka-on ang Aktibidad sa Web at App, i-uncheck ang box sa tabi ng "Isama ang aktibidad sa boses at audio."
    • Kapag naka-off ang Aktibidad sa Web at App o hindi naka-check ang “Isama ang aktibidad sa boses at audio,” hindi aktibong sino-store ng Google Assistant ang iyong mga recording ng boses sa mga server ng Google.

Matuto pa tungkol sa Aktibidad sa Web at App.

I-off ang “Ok Google”
  1. Sa iyong Android phone o tablet, sabihin ang "Ok Google, buksan ang mga setting ng Assistant" o pumunta sa mga setting ng Assistant.
  2. Sa ilalim ng “Lahat ng setting,” i-tap ang Pangkalahatan.
  3. I-off ang Google Assistant.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
16795450506486235649
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
1633398
false
false