Pamahalaan ang iyong mga larawan gamit ang Gallery

Ang Gallery ay offline na gallery ng larawan. Magagamit mo ito para mag-edit, maghanap, at mamahala ng mga larawan nang hindi kailangang nakakonekta sa Internet. Gumagana rin ang Gallery sa mga SD card sa mga Android device. 

Tip: Available ang Gallery sa mga Android device. 

I-download ang Gallery

Para makuha ang Gallery, i-download at i-install ang app

Hanapin ang iyong mga larawan mula sa iba pang app at SD card

Mahahanap mo ang mga larawan at video sa iyong telepono at mga SD card sa Gallery: 

  • Mga Larawan: Para makita ang lahat ng iyong larawan at video sa iisang lugar, i-tap ang Mga Larawan Mga Larawan.
  • Mga Folder: Para makita ang mga larawan at video na isinaayos ayon sa mga indibidwal na app at SD card, i-tap ang Mga Folder Mga Folder

Tip: Mapipigilan mo ang WhatsApp sa pagdaragdag ng media sa gallery ng iyong telepono. Alamin kung paano ito i-off sa WhatsApp

Maghanap ng mga larawan ng isang tao o bagay

Puwede kang maghanap ng mga larawan at video na awtomatikong iginugrupo ng Gallery.

Mahalaga: Hindi available ang mga grupo ng mukha sa lahat ng bansa o rehiyon.

  1. Sa iyong Android phone, buksan ang Gallery .
  2. I-tap ang Mga Larawan Mga Larawan.
  3. Sa itaas, mag-tap ng isa sa mga grupo.
  4. Hanapin ang larawan o video na gusto mong makita.

Tip: Kung wala kang makitang grupo, posibleng hindi pa iginugrupo ng Gallery ang iyong mga larawan. Para bigyang-daan ang Gallery na awtomatikong igrupo ang iyong mga larawan, iwanang nakasaksak ang telepono mo nang magdamag.

Magbago at gumawa ng mga folder

Para isaayos ang iyong mga larawan at video sa mga bagong folder: 

  1. Sa iyong Android phone, buksan ang Gallery .
  2. I-tap ang Mga Folder Mga Folder at pagkatapos ay Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Bagong folder
  3. Ilagay ang pangalan ng iyong bagong folder. 
  4. Piliin kung saan mo gustong ilagay ang iyong folder. 
    • SD card: Gumagawa ng folder sa iyong SD card. 
    • Internal storage: Gumagawa ng folder sa iyong telepono. 
  5. I-tap ang Gawin.
  6. Piliin ang iyong mga larawan.
  7. I-tap ang Ilipat o Kopyahin.

Ilipat ang iyong mga larawan sa SD card

  1. Sa iyong Android phone, buksan ang Gallery .
  2. Pindutin nang matagal ang larawan o video na gusto mong ilipat. 
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Ilipat sa folder.
  4. Piliin ang folder sa SD card kung saan mo gustong ilipat ang iyong mga larawan o video.

Tip: Para pumili ng maraming larawan o video, i-tap ang Mga Larawan Mga Larawan at pagkatapos ay Higit pa Higit pa. I-tap ang Pumili ng mga item at piliin ang mga larawan at video na gusto mong ilipat. O kaya, i-tap ang Piliin lahat para piliin lahat.

Magbahagi ng mga larawan at video 

  1. Sa iyong Android phone, buksan ang Gallery .
  2. Mag-tap ng larawan o video na gusto mong ibahagi. 
  3. Sa ibaba, i-tap ang Ibahagi Ibahagi.
  4. Piliin ang app na gusto mong gamitin para ibahagi ang larawan o video.

Mag-edit at mag-delete ng mga larawan at video

Awtomatikong pagandahin ang iyong mga larawan
  1. Sa iyong Android phone, buksan ang Gallery .
  2. I-tap ang larawang gusto mong pagandahin.
  3. Sa ibaba, i-tap ang Awtomatiko Awtomatiko.
  4. I-tap ang Palitan

Tip: Kapag na-tap mo ang Palitan, papalitan ng awtomatikong pinahusay na bersyon ang iyong orihinal na larawan. Hindi ito puwedeng bawiin. 

I-edit ang mga larawan mo
  1. Sa iyong Android phone, buksan ang Gallery .
  2. I-tap ang larawang gusto mong i-edit.
  3. Sa ibaba, i-tap ang I-edit I-edit
  4. I-edit ang iyong larawan. Puwede kang mag-rotate, mag-crop, at pumili ng mga filter. 
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mag-save ng kopya
Tip: Ise-save ang iyong mga edit bilang hiwalay na larawan at magiging available pa rin ang orihinal sa gallery mo.

Para mag-crop ng larawan:

  1. Sa iyong Android phone, buksan ang Gallery .
  2. I-tap ang larawang gusto mong i-edit.
  3. Sa ibaba, i-tap ang I-edit I-edit at pagkatapos ay I-crop I-crop.
  4. I-drag ang mga gilid ng larawan paloob gamit ang dalawang daliri.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mag-save ng kopya.
Tip: Mase-save bilang hiwalay na larawan ang na-edit mong larawan at magiging available pa rin ang orihinal sa iyong gallery.
I-edit ang iyong mga video

Para mag-trim ng video:

  1. Sa iyong Android phone, buksan ang Gallery .
  2. I-tap ang video na gusto mong i-edit.
  3. Sa ibaba, i-tap ang I-edit I-edit.
  4. I-tap ang slider sa ibaba ng video.
  5. Para baguhin ang haba ng video, igalaw ang slider pakaliwa at pakanan.
    • Para baguhin ang haba ng video sa accessibility mode, pindutin ang mga button ng pataas na volume at pababang volume.
  6. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mag-save ng kopya.
Tip: Mase-save bilang hiwalay na video ang na-edit mong video at magiging available pa rin ang orihinal sa iyong gallery.
Ilipat ang iyong mga larawan sa trash
  1. Sa iyong Android phone, buksan ang Gallery .
  2. I-tap ang larawang gusto mong i-delete. 
  3. Sa ibaba, i-tap ang I-delete Alisin ang larawan at pagkatapos ay Ilipat
Maglipat ng folder sa trash
Puwede mong ilipat ang folder at ang lahat ng content nito sa trash.
  1. Sa iyong Android phone, buksan ang Gallery .
  2. I-tap ang gusto mong folder.
  3. Sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa.
  4. I-tap ang Ilipat ang folder sa trash.
Mahalaga:
  • Kapag naglipat ka ng folder sa trash, indibidwal na idaragdag ang mga larawan at video nito at hindi magkakasama sa orihinal na folder.
  • Kung ililipat mo ang folder sa trash at ire-restore mo ang mga item na nasa folder na iyon, gagawin ulit ng Gallery ang folder o gagawa ito ng folder na "Na-restore ng Gallery" at ire-restore ang mga item doon.
  • Kung ililipat mo ang folder sa trash na naglalaman ng mga item na hindi mga larawan o video, puwede mo pa ring mahanap ang folder at ang mga item na iyon sa iyong device sa file manager.
Paano gumagana ang trash
Maso-store ang mga item na ililipat mo sa trash nang 30 araw, at pagkatapos ay permanenteng made-delete ang mga ito. Puwede mong i-restore ang mga item mula sa trash patungo sa mga dating lokasyon nito o permanenteng i-delete ang mga ito sa loob ng 30 araw.
Mahalaga: Hindi ka makakapagdagdag ng mga item sa trash kung puno ito o kaunti ang espasyo ng iyong device.

I-on o i-off ang pagpapangkat ng mukha 

  1. Sa iyong Android phone o device, buksan ang Gallery
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay Mga Setting
  3. I-on ang Pagpangkatin ang magkakahawig na mukha.
Matuto tungkol sa mga pangkat ng mukha
Gumagawa ang Galley ng mga modelo ng mga mukha sa iyong mga larawan para pagpangkatin ang magkakahawig na mukha. Pribado ang mga grupo ng mukha at hindi ito ibinabahagi kapag nagbahagi ka ng mga larawan. 
Para i-delete ang iyong mga modelo, i-off ang pagpapangkat ng mukha. 
false
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
3065611731068478973
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false