Makakuha ng tulong sa oras ng emergency gamit ang iyong Android phone

Magagamit mo ang app na Personal na Kaligtasan para i-save at ibahagi ang iyong impormasyong pang-emergency. Puwede ring awtomatikong makipag-ugnayan ang telepono mo sa mga serbisyong pang-emergency sa ilang bansa at rehiyon gamit ang ilang partikular na carrier.

Mahalaga:

Maghanda para sa isang emergency

Mahalaga: Puwedeng makita ng sinumang makakapulot ng iyong telepono ang mensahe at impormasyong pang-emergency mo sa iyong lock screen kahit na naka-lock ang telepono mo. Puwede mong i-off ang setting na ito sa app na Kaligtasan App na Kaligtasan.

Gamitin ang app na Personal na Kaligtasan

Available ang app na Personal na Kaligtasan sa ilang Android device. Lalabas ang app sa Play Store at mga setting bilang app na Personal na Kaligtasan. Pero sa iyong listahan ng mga app, lalabas ito bilang app na Kaligtasan lang.App na Kaligtasan

Tip: Para alisin ang app na Kaligtasan sa iyong listahan ng mga app, puwede mo itong i-disable. Alamin kung paano i-disable ang mga default na app sa iyong Android phone.

Ang puwede mong gawin

  • Sa Android 12 at mas luma, kung hindi naka-install sa iyong telepono ang app na Personal na Kaligtasan: Puwede kang mag-sign in gamit ang iyong Google Account, magdagdag ng mga pang-emergency na contact, at maglista ng impormasyong medikal.
  • Kapag naka-install ang app na Kaligtasan: Puwede mong gamitin ang Emergency SOS, pag-share kapag may emergency, pag-check sa kaligtasan, at mga alerto sa krisis.

Ang kailangan mo

Para sa ilang feature ng app na Personal na Kaligtasan, kinakailangang naka-on ang Mga Serbisyo ng Lokasyon at mga pahintulot, tulad ng pag-share kapag may emergency, pag-detect ng pagbangga ng sasakyan, at mga alerto sa krisis. Para sa ilang uri ng user, available lang ang pagbabahagi ng lokasyon sa ilang partikular na bansa at rehiyon. Matuto pa tungkol sa pagbabahagi ng lokasyon.

Puwede mong ibahagi sa iba ang iyong real-time na lokasyon mula sa mga device mo gamit ang pagbabahagi ng lokasyon. Kapag ibinahagi mo ang iyong lokasyon sa isang tao, makikita ng taong iyon ang pangalan, larawan, at real-time na lokasyon mo sa lahat ng produkto ng Google, kabilang ang Google Maps. Posibleng kasama sa iyong nakabahaging impormasyon sa lokasyon ang:

  • Iyong mga kasalukuyan o nakaraang lokasyon
  • Iyong mga kasalukuyang aktibidad, tulad ng pagmamaneho o paglalakad
  • Mga detalye ng iyong device, tulad ng tagal ng baterya o mga koneksyon sa GPS
  • Iyong mga lugar, tulad ng bahay, trabaho, o mga destinasyon
Magdagdag ng impormasyong pang-emergency sa app na Personal na Kaligtasan
Puwede kang magdagdag ng personal na impormasyong pang-emergency sa lock screen ng telepono mo, tulad ng iyong blood type, mga allergy, at mga gamot.
  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Kaligtasan App na Kaligtasan.
  2. Mag-sign in sa iyong Google Account.
  3. I-tap ang Iyong impormasyon.
  4. Ilagay ang iyong impormasyong pang-emergency.
    • Para sa Impormasyong medikal:
      • I-tap ang Impormasyong medikal.
      • Para magdagdag ng impormasyon tulad ng blood type, mga allergy, o mga gamot, i-tap ang item sa listahan na gusto mong i-update.
    • Para sa mga Pang-emergency na contact:
      • I-tap ang Mga pang-emergency na contact at pagkatapos Magdagdag ng contact at piliin ang kasalukuyang contact na gusto mong idagdag.
Mga Tip:
  • Para ipakita ang iyong pang-emergency na impormasyon kapag naka-lock ang screen mo, i-tap ang Access sa pang-emergency na impormasyon at pagkatapos Ipakita kapag naka-lock.
  • Kung wala kang SIM card o eSIM sa iyong telepono, posibleng makagawa ka ng mga emergency na tawag, pero hindi mo matatawagan ang iyong mga pang-emergency na contact. Alamin kung paano maglagay ng SIM card.
I-set up at i-on o i-off ang Emergency SOS
Kung nakakaranas ka ng emergency, puwede mong gamitin ang iyong telepono para mag-trigger ng mga pang-emergency na pagkilos tulad ng paghingi ng tulong, pagbabahagi ng lokasyon mo sa iyong mga pang-emergency na contact, at pag-record ng video.
Mahalaga:
  • Kailangang may SIM ang telepono mo para gumana ang Pag-detect ng pagbangga ng sasakyan. Alamin kung paano maglagay ng SIM.
  • Hindi gumagana ang Emergency SOS sa airplane mode o kapag naka-on ang Pantipid ng Baterya.
  • Available ang Emergency SOS sa Android 12 at mas bago.

I-set up at i-on ang Emergency SOS

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Kaligtasan at emergency at pagkatapos Emergency SOS.
  3. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Simulan ang pag-set up.
  4. Kung kailangan mo ng tulong, puwedeng magsimula ng mga pang-emergency na pagkilos ang iyong telepono.
    1. Para i-set up ang iyong numero para sa mga serbisyong pang-emergency, i-tap ang Simulan.
      1. Kung kailangan mong baguhin ang lokal na pang-emergency na numero, i-tap ang Baguhin ang numero.
      2. Kapag may tamang lokal na numero ka na, i-tap ang Susunod.
    2. Para ibahagi ang impormasyon ng lokasyon mo at magpadala ng mga update sa iyong mga pang-emergency na contact, i-tap ang Simulan ang pag-set up at pagkatapos I-set up.
      1. I-tap ang Magdagdag ng contact at pagkatapos ay pumili ng contact na pagbabahagian ng impormasyon sa panahon ng emergency.
      2. Piliin kung anong impormasyon ang ibabahagi ng Emergency SOS sa iyong pang-emergency na contact. 
      3. I-tap ang Susunod.
    3. Para ibahagi ang iyong lokasyon kapag may emergency, dapat mong payagan ang app para sa Personal na Kaligtasan na i-access ang lokasyon mo habang ginagamit ang app.
      1. I-tap ang Susunod at pagkatapos Habang ginagamit ang app.
    4. Para magpasimula sa Emergency SOS ng emergency na pag-record habang ginagamit pa rin ang ibang feature ng iyong telepono, mag-scroll pababa at i-tap ang Simulan ang pag-set up.
      1. Kung gusto mong mag-record ng video ng emergency, i-tap ang I-on at pagkatapos Habang ginagamit ang app.
      2. Puwede mong piliing awtomatikong ibahagi ang iyong video sa mga pang-emergency na contact mo pagkatapos nitong ma-back up sa iyong device. Piliin ang Awtomatikong ibahagi pagkatapos ng pag-back up at pagkatapos Susunod.
    5. Para magsimula ng mga pagkilos ng Emergency SOS, pumili ng isa sa mga opsyon:
      1. Piliin ang Pumindot nang matagal para simulan ang mga pagkilos.
      2. Piliin ang Simulan kaagad ang mga pagkilos pagkatapos ng countdown. Kung gusto mong may tumunog na alarm sa opsyong ito, i-on ang Mag-play ng tunog ng alarm.
  5. I-tap ang Tapos na.

Piliin kung paano sisimulan ang Emergency SOS

Puwede mong i-set up ang Emergency SOS para awtomatikong magsimula ang mga pang-emergency na pagkilos, o puwede kang mangailangan ng hakbang sa pagkumpirma bago magsimula ang mga pagkilos.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Kaligtasan at emergency at pagkatapos Emergency SOS.
  3. Sa ilalim ng "Paano ito gumagana," i-tap ang icon ng Mga Setting.
  4. Puwede mong i-set up ang Emergency SOS sa dalawang paraan:
    • Para magdagdag ng hakbang sa pagkumpirma bago magsimula ang isang pang-emergency na pagkilos, i-tap ang Pumindot nang matagal para magsimula ng mga pagkilos.
    • Para awtomatikong magpasimula ng mga pang-emergency na pagkilos pagkatapos ng 5 segundong timer, i-tap ang Awtomatikong simulan ang mga pagkilos.

I-off ang Emergency SOS

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Kaligtasan at emergency at pagkatapos Emergency SOS.
  3. Sa ilalim ng "Paano ito gumagana," i-tap ang icon ng Mga Setting.
  4. I-tap ang I-off ang Emergency SOS.
Maglagay ng mensahe sa iyong lock screen
  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Display.
  3. Sa ilalim ng "Display ng lock," i-tap ang Lock screen at pagkatapos Magdagdag ng text sa lock screen.
  4. Ilagay ang iyong mensahe, tulad ng impormasyong makakatulong sa iba na ibalik ang telepono mo kung maiwala mo ito.
  5. I-tap ang I-save.
Kontrolin ang mga notification ng emergency broadcast
Mahalaga: Magagamit mo ang mga notification ng pang-emergency na broadcast para pamahalaan ang ilang mensaheng pang-emergency, tulad ng mga babala sa sakuna, notification sa banta, at AMBER alert.

Puwede mong i-on o i-off ang mga uri ng alerto, tingnan ang mga nakaraang alerto, at kontrolin ang tunog at pag-vibrate.

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Mga Notification at pagkatapos Mga wireless na alerto sa emergency.
  3. Piliin kung gaano kadalas mo gustong makatanggap ng mga alerto at kung aling mga setting ang gusto mong i-on.

Kontrolin ang mga buwanang pagsusuri

Puwede mong baguhin ang setting ng buwanang pagsusuri sa "Mga opsyon ng developer." Posibleng magbago ang iba pang setting sa iyong telepono kapag na-on mo ang "Mga opsyon ng developer." Matuto pa tungkol sa Mga opsyon ng developer.
  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Tungkol sa telepono.
  3. I-tap ang Numero ng build nang 7 beses.
  4. Para i-on ang Mga opsyon ng developer, ilagay ang iyong PIN, password, o pattern.
  5. Sa app na Mga Setting ng iyong telepono, i-tap ang Mga Notification at pagkatapos Mga wireless na alerto sa emergency.
  6. I-on o i-off ang Mga pansubok na alerto.
Para i-off ang "Mga opsyon ng developer," sa app na Mga Setting ng iyong telepono, i-tap ang System at pagkatapos Mga opsyon ng developer.

Humingi ng tulong kapag may emergency

Gamitin ang Emergency SOS para humingi ng tulong, alertuhin ang iyong mga contact, at mag-record ng mga video.

Mahalaga: Hindi mo maibabahagi ang iyong real-time na lokasyon sa mga pang-emergency na contact mo kung wala kang koneksyon sa internet sa pamamagitan ng Wi-Fi o mobile network

Kung nakakaranas ka ng emergency, puwede mong gamitin ang iyong telepono para magsimula ng mga pang-emergency na pagkilos tulad ng paghingi ng tulong, pagbabahagi ng lokasyon mo sa iyong mga pang-emergency na contact, at pag-record ng video.

  1. Sa iyong telepono, pindutin ang power button nang 5 beses o higit pa.
  2. Depende sa mga setting mo, pumindot nang 3 segundo sa pulang bilog o hintaying simulan ng awtomatikong countdown ang emergency na tawag.
  3. Pagkatapos mong magsimula ng emergency na tawag, magsisimula ang ibang pang-emergency na pagkilos batay sa iyong mga setting.

Mahalaga: Kung na-on mo ang Pag-share kapag may Emergency at pag-record ng video, magsisimula ang mga pagkilos na ito habang tinatawagan ang mga serbisyong pang-emergency. Matuto pa tungkol sa pag-record ng video kapag may emergency.

Mag-record ng video kapag may emergency

Paano gumagana ang Emergency na pag-record

Puwede mo pa ring gamitin ang iyong telepono para gumawa ng iba pang gawain tulad ng pagbahagi ng lokasyon mo sa mga pang-emergency na contact, at paghingi ng tulong mula sa mga lokal na serbisyong pang-emergency habang nagpapatuloy ang Emergency na pag-record.

Mahalaga:

  • Idinisenyo ang pag-record ng video para ma-record mo ang mga emergency at nauugnay na pangyayari para mapabuti ang iyong personal na kaligtasan.
  • Bukod pa sa aming Patakaran sa Privacy, kapag ginamit mo ang mga feature ng aming mga produkto para mag-record, mag-upload, at/o magbahagi ng video o audio na content, tulad ng mga recording ng isang emergency, posibleng i-log namin ang paggamit ng application, pagbabahagi sa mga pang-emergency na contact, at mga panonood at pag-download ng mga link ng video.
  • Posibleng makabagabag sa iyong mga pang-emergency na contact ang mga recording ng mga emergency, at posibleng mabalisa sila dahil sa mga ito.
  • Mag-ingat sa paggamit ng feature na pagbabahagi ng video. Responsibilidad mong tiyaking ganap na nasusunod ang batas kapag ginagamit mo ang feature na ito, pati na rin ang anumang naaangkop na pang-estado at pederal na batas sa pag-record ng video o pag-wiretap.
  • Kapag ginamit mo ang feature na ito, kinikilala at tinatanggap mo ang mga pahayag sa itaas. Matuto pa tungkol sa aming Mga Tuntunin at Kundisyon.

Kung magbubukas ka ng isa pang app na gumagamit ng iyong camera, mapo-pause ang Emergency na pag-record. Kapag na-pause ang Emergency na pag-record, magpapakita ng grey na screen ang iyong recording. Para bumalik sa iyong Emergency na pag-record, buksan ulit ang app na Kaligtasan o i-tap ang notification sa itaas ng screen mo.

Makakapag-record at makakapag-save ng video na hanggang 45 minuto ang Emergency na pag-record. Humigit-kumulang 10 MB kada minuto ang kalidad ng video.

Paano gumagana ang awtomatikong pagbabahagi

Kung io-on mo ang automatikong pagbabahagi, awtomatikong magbabahagi ng link sa iyong video sa lahat ng pang-emergency na contact mo pagkatapos ng bawat recording. Kung wala kang na-set up na pang-emergency na contact, hindi ibabahagi sa kahit kanino ang iyong video. Kung magpapasya kang ayaw mong ibahagi ang video, mayroon kang 15 segundo pagkatapos ng pag-record para kanselahin ang pagbabahagi.

Ang pagbabahagi ay nakadepende sa iyong koneksyon sa internet, at posibleng may agwat sa pagitan ng pagtatapos ng pag-record mo at pag-upload at pagbabahagi sa video. Puwedeng mag-download ng kopya ng iyong video ang sinumang pang-emergency na contact na pagbabahagian mo nito.

Iisa lang ang puwedeng maging aktibong link sa pagbabahagi kada video sa isang partikular na pagkakataon. May 7 araw na timer ng pag-expire ang bawat link na nagawa, na naglalayong protektahan ang iyong privacy. Puwede kang mag-deactivate ng link anumang oras. Para i-refresh ang timer ng pag-expire, i-deactivate ang kasalukuyang link at gumawa ng bagong link.

Para mag-deactivate ng link sa pagbabahagi:

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Kaligtasan App na Kaligtasan.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Iyong impormasyon at pagkatapos Iyong mga video.
  3. Sa tabi ng isang video, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Ihinto ang pagbabahagi at pagkatapos Ihinto ang pagbabahagi.

Tip: Para i-refresh ang iyong link sa pagbabahagi, i-tap ang Kumuha ng link para magbahagi.

Ang Emergency na pag-record ay ginawa para sa personal na paggamit kapag may emergency para mapanatili kang ligtas. Awtomatikong idi-disable ng Google ang isang aktibong ibinahaging link kung masyadong maraming beses na itong ibinahagi.

Paano gumagana ang awtomatikong pag-back up

Awtomatikong naa-upload sa cloud ang mga Pag-record kapag may emergency para makatulong na maiwasan ang pagkawala ng data kung mawala o masira ang iyong telepono kapag may emergency. Kailangan ng koneksyon sa internet para sa pag-upload sa cloud, at posibleng may bayad ito kung gumagamit ka ng limitadong access sa data. Puwedeng pamahalaan ang mga na-upload na pang-emergency na recording anumang oras kapag may koneksyon sa internet.

Para pamahalaan ang iyong mga video:

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Kaligtasan App na Kaligtasan.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Iyong impormasyon at pagkatapos Iyong mga video.
  3. Sa tabi ng isang video, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Ibahagi o I-delete.
Tip: Kung magde-delete ka ng file, permanente itong made-delete sa iyong Google Account at hindi maa-undo ang pagkilos na ito.
Mga hindi sinasadyang pagtawag

Kung hindi mo sinasadyang tumawag sa mga serbisyong pang-emergency, huwag ibaba ang tawag. Sabihin sa emergency operator na hindi sinasadya ang pagtawag at na hindi mo kailangan ng tulong.

Maghanap ng impormasyong pang-emergency
  1. Sa naka-lock na screen, mag-swipe pataas.
  2. I-tap ang Emergency At pagkatapos Tingnan ang impormasyong pang-emergency.
Awtomatikong ipadala ang iyong lokasyon

Para tulungan ang mga responder na mabilis kang mahanap, puwedeng maipadala ang lokasyon ng iyong telepono kapag tumawag o mag-text ka sa pang-emergency na numero, halimbawa, kapag tumawag ka sa 911 sa US o 112 sa Europe.

Kung gumagana ang Pang-emergency na Serbisyo ng Lokasyon (Emergency Location Service o ELS) ng Android sa iyong bansa o rehiyon at sa mobile network mo, at hindi mo na-off ang ELS, awtomatikong ipapadala ng iyong telepono ang lokasyon nito sa mga first responder sa pamamagitan ng ELS. Kung naka-off ang ELS, posibleng ipadala pa rin ng iyong mobile carrier ang lokasyon ng device kapag may emergency na tawag o text.

I-on o i-off ang pang-emergency na serbisyo ng lokasyon

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Lokasyon at pagkatapos Mga Serbisyo ng Lokasyon at pagkatapos Pang-emergency na Serbisyo ng Lokasyon o Pang-emergency na Serbisyo ng Lokasyon ng Google.
  3. I-on o i-off ang Pang-emergency na Serbisyo ng Lokasyon o Pang-emergency na Serbisyo ng Lokasyon ng Google.

Paano gumagana ang Pang-emergency na Serbisyo ng Lokasyon

Ginagamit lang ng iyong telepono ang Pang-emergency na Serbisyo ng Lokasyon (Emergency Location Service o ELS) kapag tumawag o nag-text ka sa pang-emergency na numero. 

Kung naka-on ang ELS sa iyong telepono, puwedeng gamitin ng ELS ang Mga Serbisyo ng Lokasyon ng Google at iba pang impormasyon para matukoy ang pinakatumpak na lokasyon para sa telepono mo sa emergency na tawag. Puwede ring magpadala ang ELS ng karagdagang impormasyon, gaya ng wikang naka-set up sa iyong device.

Para matulungan silang mahanap at matulungan ka, gagawing available ng iyong telepono ang data na ito sa mga awtorisadong serbisyo ng pagtugon sa emergency. Matatanggap ng mga serbisyo ng pagtugon sa emergency ang data na ito mula mismo sa telepono mo at hindi sa pamamagitan ng Google.

Pagkatapos mong magsagawa ng tawag o text nang aktibo ang ELS, magpapadala ang iyong telepono ng data ng paggamit, analytics, at mga diagnostic sa Google sa pamamagitan ng Mga Serbisyo ng Google Play. Gagamitin ng Google ang impormasyong ito para suriin kung gaano kahusay na gumagana ang ELS at hindi ito makakatanggap ng anumang impormasyong puwedeng magbigay sa pagkakakilanlan mo, kabilang ang iyong lokasyon.

Ang proseso ng pagpapadala mo ng iyong lokasyon sa ELS ay naiiba sa pagbabahagi mo ng iyong lokasyon sa Google Maps. Matuto pa tungkol sa Pagbabahagi ng Lokasyon gamit ang Google Maps.

Ibahagi ang iyong lokasyon sa mga pang-emergency na contact mo
Puwede mong bigyang-daan ang iyong mga pang-emergency na contact na hanapin ang lokasyon mo at makatanggap ng mga update tungkol sa kung nasaan ka at porsyento ng iyong baterya. Dapat mong bigyan ang app na Personal na Kaligtasan ng pahintulot na i-access ang iyong lokasyon.

Para magamit ang pag-share kapag may emergency, kakailanganin mo ang mga sumusunod:

  • Kahit isang pang-emergency na contact
  • Ibigay ang pahintulot sa lokasyon na "Habang Ginagamit" sa app na Kaligtasan
  • Koneksyon sa internet at naka-on ang Mga Serbisyo ng Lokasyon

Magsimula ng pag-share kapag may emergency

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Kaligtasan App na Kaligtasan.
  2. I-tap ang Pag-share kapag may emergency.
  3. Piliin kung kanino mo gustong ibahagi ang iyong real-time na lokasyon.
    • Puwede ka ring magdagdag ng opsyonal na mensahe.
  4. I-tap ang Ibahagi
    • Puwede mong i-tap ang banner ng notification para makita ang mga detalye ng iyong "Pag-share kapag may emergency."

Tip: Kung hindi available ang pagbabahagi ng lokasyon sa iyong bansa, may lalabas na mensahe sa app na Kaligtasan.

Ihinto ang pag-share kapag may emergency

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Kaligtasan App na Kaligtasan.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Pag-share kapag may emergency at pagkatapos Ihinto at pagkatapos Ihinto ang pagbabahagi.
    • Puwede kang magdagdag ng tala para ipaliwanag kung bakit mo inihinto ang pagbabahagi kapag may emergency.

Tip: Awtomatikong magwawakas ang pag-share kapag may emergency pagkalipas ng 24 na oras.

Mga pinapamahalaang setting ng Pag-share kapag may Emergency

  1. Sa iyong device, buksan ang app na Kaligtasan App na Kaligtasan.
  2. I-tap ang Kaligtasan at emergency > Pag-share kapag may emergency.
  3. Mag-scroll papunta sa ibaba ng screen at i-tap ang Mga Setting.
  4. Piliin ang impormasyong gusto mong ibahagi sa iyong mga pang-emergency na contact kapag nagbahagi kapag may emergency.
  5. I-on o i-off ang Pagbabahagi ng lokasyon sa maraming device.

Tip: Kapag naka-on sa isang device ang pagbabahagi ng lokasyon sa maraming device, gagamitin namin ang lokasyon ng nasabing device bilang backup kung sakaling magsimula ka ng Pagbabahagi Kapag May Emergency sa isa pang device, pero hindi na maibabahagi ng isa pang device na iyon ang lokasyon nito.

Mag-iskedyul ng pag-check sa kaligtasan
Kung gusto mong kumustahin ka ng iyong telepono at ipaalam sa mga pang-emergency na contact mo kung may anumang problema, puwede kang mag-iskedyul ng pag-check sa kaligtasan. Halimbawa, puwede kang gumamit ng pag-check sa kaligtasan kapag naglakad ka sa isang hindi pamilyar na lugar o pumunta sa isang party. Dapat mong ibigay ang pahintulot sa lokasyon na "Habang Ginagamit" sa app na Kaligtasan.
  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Kaligtasan App na Kaligtasan.
  2. I-tap ang Pag-check sa kaligtasan.
  3. Piliin ang iyong Dahilan at Tagal.
    • Puwede mong itakda ang pag-check sa anumang tagal na hanggang 24 na oras.
  4. I-tap ang Susunod.
  5. Piliin ang iyong mga contact.
  6. I-tap ang Magsimula.

Tip: Kung io-on mo ang mga notification para sa iyong mga pang-emergency na contact, aabisuhan sila kapag naiskedyul at natapos ang pag-check sa kaligtasan.

Markahan ang iyong sarili bilang ligtas

Kapag oras na para mag-check para sa iyong kaligtasan, makakakuha ka ng alerto nang 60 segundo bago magsimula ang pag-share kapag may emergency Kung mamarkahan mo ang iyong sarili bilang ligtas, makakansela ang pagbabahagi kapag may emergency. Puwede mong ihinto ang pag-check sa kaligtasan anumang oras sa pamamagitan ng notification. Kung hindi mo pipiliin ang alinman sa mga opsyon sa loob ng 60 segundo, magsisimula ang pag-share kapag may emergency.

  1. Kapag natanggap mo ang notification, pumili ng isa sa mga opsyon:
    • Ayos lang ako
    • Ibahagi ngayon
    • Tumawag sa 911
  2. Kung naka-lock ang iyong telepono, posibleng kailanganin mong i-unlock ito.

Kung mag-o-off o mawawalan ng signal ang iyong telepono, mananatiling aktibo ang pag-check sa kaligtasan at magsisimula ito ng pagbabahagi kapag may emergency gamit ang huling alam na lokasyon mo sa nakaiskedyul na oras ng pag-check in.

Paano inaabisuhan ang mga pang-emergency na contact
Kapag nagsimula ang isang pag-check sa kaligtasan, kung io-on mo ang mga notification para sa iyong mga pang-emergency na contact, makakatanggap sila ng text na naglalaman ng pangalan mo, tagal ng iyong pag-check sa kaligtasan, at dahilan, kung may ibinigay ka.
Kung sa ibang pagkakataon ay manual kang magsisimula ng pagbabahagi kapag may emergency o hindi mo mamarkahan ang iyong sarili bilang OK kapag inalam ng telepono mo ang iyong kalagayan, magbabahagi ang Google ng link para makita ang real-time na lokasyon at porsyento ng natitirang baterya mo sa Google Maps.
Hihinto ang pag-share kapag may emergency at pag-check sa kaligtasan kapag inihinto mo ang mga ito o minarkahan mo ang iyong sarili bilang ligtas. Kapag huminto ang mga ito, magpapadala ang Google ng isa pang text sa iyong mga contact para ipaalam sa kanilang natapos na ang mga ito.
Magbahagi ng pang-emergency na impormasyon sa mga serbisyong pang-emergency
Gamitin ang app na Personal na Kaligtasan para magpadala ng impormasyon sa mga serbisyong pang-emergency.
Sa iyong telepono:
  1. Buksan ang iyong app na Personal na Kaligtasan.
  2. I-tap ang Iyong impormasyon at pagkatapos Access sa Pang-emergency na Impormasyon at pagkatapos Ibahagi kapag may emergency na tawag.
Makatanggap ng mga alerto sa krisis
Kapag nag-opt in ka sa mga alerto sa krisis, aabisuhan ka sa app na Kaligtasan tungkol sa mga pampublikong emergency o lokal na krisis, gaya ng mga likas na kalamidad. Ang mga notification ng mga alerto sa krisis ay may link papunta sa homepage ng app na Kaligtasan kung saan ka makakakita ng karagdagang impormasyon tungkol sa pangyayari.
Available sa lahat ng bansa, rehiyon, at wika ang mga alerto sa krisis. Kung nakatakda ang iyong telepono sa ibang wika bukod sa lokal na wika, posibleng lumabas ang alerto sa opisyal na wika ng kasalukuyang lokasyon mo sa halip na sa iyong nakatakdang wika.

I-on o i-off ang mga alerto sa krisis

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Kaligtasan App na Kaligtasan.
  2. I-tap ang Mga Feature at pagkatapos Mga alerto sa krisis.
  3. I-on o i-off ang Mga alerto sa krisis.

Paano nagpapadala ang Google ng mga alerto sa krisis

Namamahala ang Google ng impormasyon tungkol sa krisis mula sa mga opisyal na lokal na source. Kung may na-post na krisis na nakakaapekto sa iyong lokasyon, aabisuhan ka ng app na Kaligtasan. Nagpo-post ang Google ng mga alerto sa krisis batay sa iba't ibang salik, tulad ng lakas ng koneksyon sa internet sa apektadong lugar, availability ng opisyal na content mula sa mga pamahalaan at iba pang may awtoridad na organisasyon, at epekto sa mismong lugar.
Karaniwang available ang mga alerto sa mga panguhaning wika ng apektadong lugar at sa English. Matuto pa tungkol sa mga alerto sa krisis.

Alamin ang mga lindol sa iyong lugar

Made-detect ng telepono mo ang mga lindol sa iyong lugar. Para matuto pa tungkol sa mga lindol sa malapit, buksan ang paghahanap sa Google at hanapin ang "lindol sa [iyong lungsod o rehiyon]."

Para ihinto ang pag-aambag ng iyong telepono sa pag-detect ng lindol, i-off ang Katumpakan ng Lokasyon ng Google ng telepono mo.

Makatanggap ng mga alerto para sa mga lindol sa malapit
Nagpapadala sa iyo ang iyong Android phone ng mga alerto tungkol sa mga kalapit na lindol na may magnitude na 4.5 pataas gamit ang iyong tinatayang lokasyon. Ginagamit ang mga tinatayang lokasyon ng mga Android device para matukoy kung aling mga device ang makakatanggap ng alerto sa lindol. Hindi ginagamit ang impormasyong ito para tukuyin o hanapin ang isang partikular na user. Puwedeng i-off ang mga alerto sa lindol anumang oras sa Kaligtasan at emergency at pagkatapos Mga Alerto sa Lindol. Nade-detect ang mga lindol ng ShakeAlert at ng Android.

Mahalaga:

  • Hindi sinusuportahan sa lahat ng lugar ang mga alerto sa lindol.
  • Hindi nade-detect ang lahat ng lindol.
  • Posibleng may mga error ang mga pagtatantya ng magnitude at intensity ng pagyanig.
  • Puwede kang makatanggap ng alerto bago, habang, o pagkatapos magsimula ang pagyanig.

ShakeAlert

Nakabatay ang mga alerto sa lindol na ito sa ShakeAlert, at kasalukuyang aktibo ang mga ito sa mga sumusunod na estado sa US: California, Oregon, at Washington.

System ng Mga Alerto sa Lindol ng Android

Batay sa System ng Mga Alerto sa Lindol ng Android ang mga alerto sa lindol na ito.

Kung saan nakakaapekto ang event sa mga hangganan ng estado:

  • Anuman ang epicenter ng event, makakatanggap ka ng mga alerto mula sa Android batay lang sa system na awtorisadong mag-alerto sa bawat estado.
  • Ia-attribute ng mga alerto ang system ng pag-detect ng estadong iyon.
Saan aktibo ang System ng Mga Alerto sa Lindol ng Android
  • Afghanistan
  • Albania
  • Algeria
  • Anguilla
  • Antigua and Barbuda
  • Argentina
  • Armenia
  • Aruba
  • Australia
  • Austria
  • Azerbaijan
  • Barbados
  • Bangladesh
  • Belize
  • Bhutan
  • Bolivia
  • Bosnia & Herzegovina
  • Brazil
  • Bulgaria
  • Chile
  • Colombia
  • Croatia
  • Cuba
  • Cyprus
  • Czechia (Czech Republic)
  • Djibouti
  • Dominica
  • Dominican Republic
  • Ecuador
  • Egypt
  • El Salvador
  • Eritrea
  • Ethiopia
  • Falkland Islands
  • France
  • Georgia
  • Germany
  • Greece
  • Grenada
  • Guadeloupe
  • Haiti
  • Honduras
  • Hungary
  • Iceland
  • India
  • Iran
  • Iraq
  • Israel
  • Jamaica
  • Jordan
  • Kazakhstan
  • Kosovo
  • Kyrgyzstan
  • Laos
  • Lebanon
  • Malaysia
  • Moldova
  • Mongolia
  • Montenegro
  • Myanmar
  • Nepal
  • New Zealand
  • Nicaragua
  • North Macedonia
  • Oman
  • Pakistan
  • Palestine
  • Papua New Guinea
  • Peru
  • Pilipinas
  • Portugal
  • Romania
  • Saint Barthelemy
  • Saint Martin
  • San Marino
  • Saudi Arabia
  • Serbia
  • Sint Maarten
  • Slovakia
  • Slovenia
  • Solomon Islands
  • Somalia
  • Spain
  • Switzerland
  • Tajikistan
  • Tanzania
  • Thailand
  • Timor-Leste
  • Trinidad and Tobago
  • Tunisia
  • Turkey
  • Turkmenistan
  • Ukraine
  • United Arab Emirates
  • United States
  • Uzbekistan
  • Vanuatu
  • Venezuela

Naka-on ang mga alerto sa lindol bilang default. Posibleng hindi ka makakuha ng mga alerto para sa lahat ng lindol sa iyong lugar, at posibleng matatanggap mo lang ang mga alerto sa mga sinusuportahang bansa. Puwede kang makatanggap ng alerto paminsan-minsan, pero posibleng hindi ka makaramdam ng lindol sa iyong lokasyon.

Mga Wireless na Alerto sa Emergency at System ng Alertong Pang-emergency

Palaging mangingibabaw ang mga alerto sa Mga Wireless na Alerto sa Emergency at System ng Alertong Pang-emergency ng anumang iba pang screen.

Halimbawa, sa Android, kung mag-isyu ang isang estado ng alerto sa matinding bagyo bilang Mga Wireless na Alerto sa Emergency o System ng Alertong Pang-emergency, mangingibabaw ito sa lahat ng iba pang alerto, kabilang ang Lindol.

Narito ang pagkakasunud-sunod ng priyoridad sa pagpapakita para sa mga alertong ito:

  1. Mga Wireless na Alerto sa Emergency o System ng Alertong Pang-emergency: Palaging mangingibabaw
  2. Mga Alerto sa Lindol: Susunod
  3. Mga notification sa app: Panghuli
I-on o i-off ang mga alerto sa lindol
Mahalaga: Para makatanggap ng mga alerto, na-on mo dapat ang Wi-Fi o data.
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Kaligtasan at emergency at pagkatapos Mga alerto sa lindol.
    • Kung hindi mo makita ang Kaligtasan at emergency, i-tap ang Lokasyon at pagkatapos Advanced at pagkatapos Mga alerto sa lindol.
  3. I-on o i-off ang Mga alerto sa lindol.

Mga kaugnay na resource

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12979205780271525853
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false