Mabilis na baguhin ang mga setting sa iyong Android phone

Puwede mong makita at baguhin ang iyong mga setting mula sa anumang screen sa telepono mo gamit ang Mga Mabilisang Setting. Para makita ang mga setting na madalas mong binabago, puwede mong idagdag o ilipat ang mga ito sa Mga Mabilisang Setting.

Mahalaga:

Kailangan ng ilan sa mga hakbang na ito na pindutin mo ang screen.

Buksan ang Mga Mabilisang Setting

  1. Para makita ang ilan sa mga unang setting mo, mag-swipe pababa mula sa itaas ng iyong screen.
  2. Para makita ang lahat ng iyong Mabilisang Setting, mag-swipe ulit pababa.

I-on at i-off ang mga setting

  • Para mag-on o mag-off ng setting, i-tap ito. Naka-off ang mga setting ng Naka-dim.
  • Para makakuha pa ng opsyon para sa isang setting, pindutin ito nang matagal.

Magdagdag, mag-alis o maglipat ng setting

  1. Mula sa itaas ng iyong screen, mag-swipe pababa nang dalawang beses.
  2. Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang I-edit I-edit.
  3. Pindutin nang matagal ang setting.
  4. I-drag ang setting papunta sa lugar kung saan mo ito gustong ilagay.
    • Para magdagdag ng setting, i-drag ito pataas mula sa "Pindutin nang matagal at i-drag para magdagdag ng mga tile."
    • Para mag-alis ng setting, i-drag ito pababa sa "I-drag dito para alisin."

Tip:

  • Posibleng itanong sa iyo ng ilang app kung gusto mong idagdag ang icon ng mga ito bilang tile sa iyong menu ng Mga Mabilisang Setting. Puwede mong alisin, o idagdag ulit ang mga ito anumang oras. 
  • Kung na-on mo ang ilang setting, kung minsan, itinatago ng iyong telepono ang mga icon para makatipid sa espasyo sa screen. Para makita ang mga nakatagong icon, sa itaas ng screen ng iyong telepono, makakakita ka ng dot.

Kontrolin ang audio at video

  • Para makita kung ano ang nagpe-play sa iyong telepono, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen mo.
  • Para buksan ang app kung saan nagpe-play ang media, i-tap ang panel.
  • Kung gumagamit ka ng mahigit sa isang media app, mag-swipe pakanan o pakaliwa para mahanap ang mga ito.
  • Para baguhin kung saan nagpe-play ang tunog, sa kanang bahagi sa itaas ng panel, i-tap ang pangalan ng iyong audio accessory (halimbawa, "Mga Speaker" o "Pixel buds").
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13699889527531982473
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false