Kontrolin ang mga notification sa Android

Depende kung anong mga notification ang gusto mo, puwede mong baguhin ang mga setting para sa ilang partikular na app o para sa buong telepono mo. Lalabas ang mga notification kapag nag-swipe ka pababa mula sa itaas ng iyong screen. Puwede ring lumabas sa iyong lock screen at home screen ang ilang notification.

Mahalaga:

Gumamit ng mga notification sa iyong telepono

History ng notification

Mahalaga: Posibleng walang history ng notification ang ilang device at puwedeng mag-iba-iba nang bahagya ang mga setting sa lahat ng device. Para malaman kung may history ng notification ang iyong device, pumunta sa “Mga Setting,” pagkatapos ay pumunta sa “Mga Notification.”

Puwede mong gamitin ang history ng notification para maghanap ng:

  • Mga naka-snooze na notification
  • Mga kamakailang na-dismiss na notification
  • History ng mga notification para sa araw

Puwede mo ring gamitin ang history ng notification para pamahalaan ang iyong mga notification. Para pamahalaan ang iyong mga notification: I-tap at i-hold ang isang notification sa “kamakailang na-dismiss” o i-tap ang isang notification sa “nakalipas na 24 na oras”

Tip: Kung hindi mo indibidwal na ma-dismiss ang isang notification sa lock screen, i-unlock ang device at pagkatapos ay i-dismiss ang notification.

I-clear ang mga notification
  • Para i-dismiss ang isang notification, i-swipe ito pakaliwa o pakanan.
  • Para i-clear ang lahat ng notification, mag-scroll sa ibaba ng iyong mga notification, at i-tap ang I-clear lahat.
  • Para i-clear ang lahat ng silent na notification, sa tabi ng "Mga silent na notification," i-tap ang Isara Isara

Tip:

  • Puwede mo lang i-clear ang ilang notification kapag tapos na ang mga ito. Halimbawa, puwede kang mag-clear ng notification ng music player pagkatapos mong ihinto ang musika.
  • Kung hindi mo ma-dismiss ang isang notification sa iyong lock screen o sa pamamagitan ng opsyong "I-clear lahat," indibidwal na i-dismiss ito.
I-snooze ang mga notification

I-on ang pag-snooze

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Mga Notification.
  3. I-on ang Payagan ang pag-snooze ng notification.

Mag-snooze ng notification 

Para mag-snooze ng notification, i-tap ang pababang arrow Pababang arrow at pagkatapos ay i-tap ang I-snooze . Para baguhin ang oras ng pag-snooze, i-tap ang pababang arrow Pababang arrow.

Sumagot, i-archive, i-expand, at higit pa
  • Para mag-expand ng notification, i-tap ang Pababang arrow Pababang arrow. Pagkatapos, para direktang kumilos mula sa isang notification, mag-tap ng pagkilos, tulad ng Sumagot o I-archive.
  • Nagpapakita ng tuldok ang ilang app kapag nakatanggap ka ng notification. Pindutin nang matagal ang app na may tuldok para makita ang pinakalumang notification. Pagkatapos, i-clear ang bawat isa para ipakita ang susunod.
Kontrolin ang mga notification ng emergency broadcast

Mahalaga:Puwedeng mag-iba-iba ang mga setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

Puwede mong i-on o i-off ang mga uri ng alerto, tingnan ang mga nakaraang alerto, at kontrolin ang tunog at pag-vibrate.

  1. Sa iyong telepono, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Mga Notification at pagkatapos ay Mga wireless na alerto sa emergency.
  3. Piliin kung gaano kadalas mo gustong makatanggap ng mga alerto at kung aling mga setting ang gusto mong i-on.
Magagamit mo ang setting na ito para mamahala ng mga partikular na pang-emergency na mensahe, tulad ng mga babala sa sakuna, notification sa banta, at AMBER alert.

Piliin kung paano ka aabisuhan sa iyong telepono

Baguhin ang mga notification para sa iyong device

Mahalaga:Puwedeng mag-iba-iba ang mga setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Mga Notification at pagkatapos ay Mga notification sa lock screen.
    • Pumili ng iyong mga default ng nofitication:
      • Ipakita ang pag-uusap, default, at silent
      • Magtago ng mga naka-silent na pag-uusap at notification
      • Huwag magpakita ng anumang notification
    • Para mag-update ng higit pang kagustuhan sa notification, sa "Pangkalahatan," i-on o i-off ang mga notification:
      • Itago ang mga silent na notification sa status bar
      • Payagan ang pag-snooze ng notification
      • Notification dot sa icon ng app
      • Mga pinahusay na notification
I-on o i-off ang mga notification para sa ilang partikular na app

Mahalaga:Puwedeng mag-iba-iba ang mga setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

Opsyon 1: Sa iyong app na Mga Setting

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Mga Notification at pagkatapos ay Mga setting ng app.
  3. Sa "Pinakakamakailan," maghanap ng mga app na kamakailang nagpadala sa iyo ng mga notification.
    • Para maghanap ng higit pang app, sa dropdown menu, i-tap ang Lahat ng app.
  4. I-tap ang app.
  5. I-on o i-off ang mga notification ng app.
    • Puwede mong i-off ang lahat ng notification para sa isang nakalistang app o puwede kang pumili sa mga partikular na kategorya.

Tip: Kung hindi mo nakikita ang "Kamakailang ipinadala," gumagamit ka ng mas lumang bersyon ng Android. Sa halip, i-tap ang Mga notification ng app at mag-tap ng app. Puwede mong i-on o i-off ang mga notification, notification dot, at kategorya ng notification. Kung may mga kategorya ang isang app, puwede kang mag-tap ng kategorya para sa higit pang opsyon.

Opsyon 2: Sa isang notification

  1. Para mahanap ang iyong mga notification, mula sa itaas ng screen ng mo, mag-swipe pababa.
  2. Pindutin nang matagal ang notification, at pagkatapos ay i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
  3. Piliin ang iyong mga setting:
    • Para i-off ang lahat ng notification, i-off ang Lahat ng notification.
    • I-on o i-off ang mga notification na gusto mong matanggap.
    • Para payagan ang mga notification dot, i-on ang Payagan ang notification dot.

Opsyon 3: Sa partikular na app

Puwede kang magkontrol ng maraming notification ng app mula sa isang menu ng mga setting sa app. Halimbawa, posibleng may setting ang isang app para piliin ang tunog ng mga notification ng app na iyon. Para gawin ang mga pagbabagong ito, buksan ang app at hanapin ang menu ng mga setting. 

I-on o i-off ang mga notification dot

Mahalaga:Puwedeng mag-iba-iba ang mga setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Mga Notification.
  3. I-on o i-off ang Notification dot sa icon ng app.
Piliin kung makakaabala sa iyo o mananatiling tahimik ang mga notification

Mahalaga:Puwedeng mag-iba-iba ang mga setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

Sa ilang device, mapipili mo kung anong uri ng mga notification ang ipapadala sa iyo ng isang app:

  • Nag-aalerto: May maririnig kang tunog, may matatanggap kang mensahe sa iyong lock screen, at makikita mo ang icon ng app sa status bar.
  • Tahimik: Hindi tutunog o magva-vibrate ang iyong telepono. Pero lalabas ang notification kapag nag-swipe ka pababa mula sa itaas ng iyong screen.

Opsyon 1: Sa iyong app na Mga Setting

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Mga app at notification at pagkatapos ay Mga Notification.
  3. Sa ilalim ng "Kamakailang Ipinadala," mag-tap ng app. 
  4. Mag-tap ng uri ng notification.
  5. Pumili ng iyong mga opsyon:
    • Piliin ang Nag-aalerto o Tahimik.
    • Para makakita ng banner para sa mga nag-aalertong notification kapag naka-unlock ang iyong telepono, i-on ang I-pop sa screen.
    • Kung "Tahimik" ang napili mo, puwede mong i-on o i-off ang I-minimize.

Opsyon 2: Sa isang notification 

  1. Pagkatapos mong mag-swipe pababa mula sa itaas ng iyong screen, i-drag ang notification nang bahagya pakanan o pakaliwa. Pagkatapos ay i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
  2. I-tap ang Nag-aalerto o Tahimik at pagkatapos ay Ilapat.  

Kontrolin kung paano lumalabas ang mga notification sa lock screen ng iyong telepono

Opsyon 1: Huwag magpakita ng anumang notification

Mahalaga:Puwedeng mag-iba-iba ang mga setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Mga app at notification at pagkatapos ay Mga Notification.
  3. Sa ilalim ng "Lock screen," i-tap ang Mga notification sa lock screen o I-on ang lock screen.
  4. Piliin ang Huwag magpakita ng mga notification.
Mahalaga: Kung pipiliin mo ang opsyong ito bilang iyong default, malalapat ang setting sa lahat ng app. Para mag-block ng mga notification na mula sa ilang partikular na app lang, .
Opsyon 2: Ipakita ang lahat ng notification

Mahalaga:Puwedeng mag-iba-iba ang mga setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang Mga app at notification at pagkatapos ay Mga Notification.
  3. Sa ilalim ng "Lock screen," i-tap ang Mga notification sa lock screen o I-on ang lock screen.
  4. Piliin ang Ipakita ang mga nag-aalerto at tahimik na notification.
    • Sa ilang telepono, piliin ang Ipakita ang lahat ng content ng notification.
Tip: Kung pipiliin mo ang opsyong ito bilang iyong default, puwede mo pa ring paghigpitan ang ilang partikular na app sa iyong lock screen. Puwede mong itakda ang ilang partikular na app na "Magtago ng sensitibong content ng notification" o "Huwag magpakita ng anumang notification" sa iyong lock screen. Alamin kung paano baguhin ang mga notification ayon sa app
Opsyon 3: Mahahalagang notification lang ang ipakita

Mahalaga:Puwedeng mag-iba-iba ang mga setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Mga Notification.
  3. Sa "Privacy," i-on o i-off ang Mga sensitibong notification.
Opsyon 4: Itago ang sensitibong content sa mga notification sa iyong lock screen

Mahalaga:Puwedeng mag-iba-iba ang mga setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang App at mga notification at pagkatapos ay Mga Notification. 
  3. Sa ilalim ng "Lock screen," i-off ang Mga sensitibong notification.
Tip: Kung io-off mo ang opsyong ito, puwede mo pa ring paghigpitan ang ilang partikular na app para "Huwag magpakita ng mga notification" sa iyong lock screen. Alamin kung paano baguhin ang mga notification ayon sa app.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13875811837369081775
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false