Puwede kang mag-navigate sa iyong telepono sa iba't ibang paraan. Alamin kung paano pumili ng opsyon, pagkatapos ay gamitin ang opsyong iyon para magpalipat-lipat sa mga app at iba pang item.
Mahalaga:
- Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 10 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
- Kailangan ng ilan sa mga hakbang na ito na pindutin mo ang screen.
Pumili ng navigation mode
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
- Pumunta sa System
Mga Galaw
Navigation sa system.
- Kung hindi mo mahanap ang Navigation sa system, pumunta sa mga hakbang para sa mga mas lumang bersyon ng Android.
- Kung hindi mo mahanap ang System o ang Mga Galaw, para baguhin ang mga setting ng navigation, humingi ng tulong sa manufacturer ng iyong device.
- Pumili ng opsyon:
- Navigation gamit ang galaw: Walang button.
- 2-button na navigation: Dalawang button para sa Home at Bumalik.
- 3-button na navigaton: Tatlong button para sa Home, Bumalik, at Pangkalahatang-ideya ng App.