Puwede kang mag-navigate sa iyong telepono sa iba't ibang paraan. Alamin kung paano pumili ng opsyon, pagkatapos ay gamitin ang opsyong iyon para magpalipat-lipat sa mga app at iba pang item.
Mahalaga:
- Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 10 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.
- Kailangan ng ilan sa mga hakbang na ito na pindutin mo ang screen.
Piliin kung paano mag-navigate
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
- Pumunta sa System Mga Galaw Navigation sa system.
- Kung hindi mo mahanap ang Navigation sa system, pumunta sa mga hakbang para sa mga mas lumang bersyon ng Android.
- Kung hindi mo mahanap ang System o ang Mga Galaw, para baguhin ang mga setting ng navigation, humingi ng tulong sa manufacturer ng iyong device.
- Pumili ng opsyon:
- Navigation gamit ang galaw: Walang button.
- 2-button na navigation: Dalawang button para sa Home at Bumalik.
- 3-button na navigaton: Tatlong button para sa Home, Bumalik, at Pangkalahatang-ideya ng App.
Magpalipat-lipat sa mga screen, webpage, at app
Buksan ang nakaraang screen na tinitingnan mo. Puwede kang bumalik nang mahigit isang beses. Gayunpaman, kapag naabot mo na ang Home screen, hindi ka na makakabalik pa.
- Pag-navigate gamit ang galaw: Mag-swipe mula sa kaliwa o kanang dulo ng screen.
- 2-button na navigation: I-tap ang Bumalik .
- 3-button na navigation: I-tap ang Bumalik .
- Navigation gamit ang galaw: Mag-swipe pataas mula sa ibaba ng screen.
- 2-button na navigation: I-tap ang Home .
- 3-button na navigaton: I-tap ang Home .
- Navigation gamit ang galaw: Mag-swipe pataas mula sa ibaba, pumindot nang matagal, pagkatapos ay bumitaw.
- 2-button na navigation: Mula sa ibaba ng iyong screen, mag-swipe pataas hanggang sa gitna.
- 3-button na navigaton: I-tap ang Pangkalahatang-ideya .
Mula rito, puwede kang:
- Magsara ng mga app: Mag-swipe pataas sa larawan ng app.
- Magbukas ng app: I-tap ang larawan nito.
- Navigation gamit ang galaw: Sa pinakaibaba ng screen, mag-swipe mula sa kaliwa papunta sa kanan.
- 2-button na navigation: Para magpalipat-lipat sa 2 mong pinakahuling ginamit na app, mag-swipe pakanan sa Home .
- 3-button na navigaton: I-tap ang Pangkalahatang-ideya . Mag-swipe pakanan hanggang sa mahanap mo ang app na gusto mo. I-tap ito.
Maglipat ng mga item
Mag-tap para pumili
Para pumili o magsimula ng isang bagay sa iyong telepono, i-tap ito.
I-tap para mag-type
Para mag-type ng anuman, mag-tap kung saan mo gustong mag-type. Makakakita ka ng magbubukas na keyboard.
Pindutin nang matagal
Pindutin nang matagal ang isang item sa screen. Pagkatapos tumugon ng item, iangat ang iyong daliri.
I-drag
Pindutin nang matagal ang isang item. Nang hindi inaangat ang iyong daliri, igalaw ang daliri mo sa screen. Kapag nasa tamang lugar na ang iyong daliri, iangat ito. Halimbawa, maaari kang magpalipat-lipat ng mga app sa iyong Home screen sa pamamagitan ng pag-drag sa mga ito.
Mag-swipe o mag-slide
Mabilis na igalaw ang iyong daliri sa screen nang hindi humihinto. Halimbawa, puwede kang mag-swipe ng Home screen pakaliwa o pakanan para mahanap ang iba mo pang Home screen.
Mag-double tap para baguhin ang laki
Sa ilang page, gaya ng webpage o mapa, mag-tap nang dalawang beses para lumapit ("mag-zoom in").
Mag-pinch at mag-spread para baguhin ang laki
Sa ilang app, gumamit ng 2 o higit pang daliri sa screen para baguhin ang laki. Para paliitin, i-pinch papalapit ang iyong mga daliri. Upang palakihin, paglayuin ang mga ito.
I-rotate
Habang iniikot mo ang iyong telepono, makakapag-rotate din ang karamihan sa mga screen. Para i-on o i-off ang pag-rotate, mag-swipe pababa mula sa itaas gamit ang 2 daliri at i-tap ang I-auto rotate.
Kung mas lumang bersyon ng Android ang ginagamit mo
- Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
- Pumunta sa System Mga Galaw Mag-swipe pataas sa button ng Home.
- I-on o i-off ang Mag-swipe pataas sa button ng Home.
- Kung io-on mo ito, ginagamit mo ang 2-button na navigation.
- Kung io-off mo ito, ginagamit mo ang 3-button na navigation.
Sunod, alamin kung paano mag-navigate gamit ang iyong 2 o 3 button.