Kumonekta sa pamamagitan ng Bluetooth sa iyong Android device

Magagamit mo ang Bluetooth para magkonekta ng ilang device sa iyong telepono nang hindi gumagamit ng cord. Pagkatapos mong magpares ng Bluetooth device sa unang pagkakataon, awtomatiko nang makakakonekta ang iyong mga device. Kung nakakonekta ang iyong telepono sa isang device sa pamamagitan ng Bluetooth, may makikita kang icon ng Bluetooth Bluetooth sa itaas ng screen. Alamin kung paano magkonekta ng Bluetooth device.

Mahalaga:

I-on o i-off ang Bluetooth mula sa app na Mga Setting

  1. Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. I-tap ang Bluetooth Bluetooth.

Tip: Para makatipid ng baterya, i-off ang Bluetooth kapag hindi mo ito ginagamit. Naka-off ang Bluetooth sa Airplane mode.

Hakbang 1: Magpares ng Bluetooth accessory

Mahalaga: Mananatiling nakapares ang iyong mga device hanggang sa i-unpair mo ang mga ito.

Opsyon 1: Gamitin ang app na Mga Setting (lahat ng Bluetooth accessory)
  1. Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. Pindutin nang matagal ang Bluetooth Bluetooth.
  3. I-tap ang Magpares ng bagong device.
    • Kung hindi mo mahanap ang Magpares ng bagong device, tumingin sa ilalim ng "Mga available na device" o i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos ay I-refresh.
  4. I-tap ang pangalan ng Bluetooth device na gusto mong ipares sa iyong device.
  5. Sundin ang anumang tagubilin sa screen.
Tip: Kung kailangan mo ng passcode at wala ka nito, subukan ang "0000" o "1234" (ang mga pinakakaraniwang passcode).
Opsyon 2: Gumamit ng mga notification (mga accessory lang na gumagana sa Mabilis na Pagpares)
  1. Tiyaking:
    • Gumagana ang iyong Bluetooth accessory sa Mabilis na Pagpares. Nakasaad sa mga kahon ng mga accessory kung gumagana ang mga ito sa Mabilis na Pagpares. Marami ring nagsasaad ng "Made by Google" o "Made for Google." Maghanap ng mga accessory sa Google Store.
    • Gumagamit ang iyong telepono o tablet ng Android 6.0 o mas bago.
    • Naka-on ang Bluetooth at Lokasyon ng iyong telepono o tablet.
  2. I-on ang iyong accessory na gumagana sa Mabilis na Pagpares at ilagay ito sa pairing mode. Tiyaking malapit sa iyong telepono o tablet ang accessory mo.
  3. Kapag nakakuha ka ng notification, i-tap ang I-tap para ipares.
  4. Makakakuha ka ng notification na "Nakakonekta ang device" o "Tapos na ang pagpapares."
  5. Kung kinakailangang i-set up ang iyong accessory, i-tap ang I-set up na.
Tip: Kung hindi ka makakatanggap ng notification, buksan ang app na Mga Setting sa iyong telepono o tablet at i-tap ang Mga nakakonektang device. Sa “Mga available na device,” piliin ang device na gusto mong ipares. Para matuto pa, pumunta sa Maghanap ng mga accessory na gumagana sa Mabilis na Pagpares.

Hakbang 2: Kumonekta

  1. Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. Tiyaking naka-on ang Bluetooth.
  3. Pindutin nang matagal ang Bluetooth Bluetooth.
  4. Sa listahan ng mga nakapares na device, mag-tap ng nakapares pero hindi nakakonektang device.
  5. Kapag magkakonekta na ang iyong telepono at Bluetooth device, makikita ang device bilang "Nakakonekta."

Mag-set up, mag-unpair, o maghanap ng Bluetooth accessory

I-unpair o i-rename ang isang Bluetooth accessory o pumili ng mga pagkilos para rito
  1. Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. Pindutin nang matagal ang Bluetooth Bluetooth.
    • Kung nakalista ang iyong accessory sa ilalim ng "Mga available na media device," sa tabi ng pangalan ng device mo, i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
    • Kung walang nakalistang accessory sa ilalim ng "Mga dating nakakonektang device," i-tap ang Tingnan lahat. Sa tabi ng pangalan ng iyong accessory, i-tap ang Mga Setting Mga Setting.
  3. Gawin ang iyong pagbabago:
    • Para palitan ang pangalan ng accessory,sa itaas, i-tap ang I-editMag-edit ng setting, icon na lapis.
    • Para magdiskonekta, i-tap ang IdiskonektaAlisin.
    • Para tuluyang alisin ang device sa iyong telepono, i-tap ang Kalimutan I-clear.
    • Sa ilang device, puwede mong i-on o i-off ang iba pang setting.
Tip: Sa tablet na ginagamit ng maraming tao, puwedeng baguhin ng bawat tao ang mga pangkahalatang setting ng Bluetooth.
Palitan ang pangalan ng Bluetooth ng iyong telepono o tablet
  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong device.
  2. I-tap ang Mga nakakonektang device At pagkatapos Mga kagustuhan sa koneksyon At pagkatapos Bluetooth.
  3. Tiyaking naka-on ang Bluetooth.
  4. I-tap ang Pangalan ng device.
  5. Maglagay ng bagong pangalan.
  6. I-tap ang I-rename.
Maghanap ng mga accessory na gumagana sa Mabilis na Pagpares
Mahalaga: Kapag kumonekta ka sa pamamagitan ng Mabilis na Pagpares, mauugnay ang iyong mga Bluetooth accessory sa Google Account mo. Makikilala ng iyong iba pang nakakonektang device ang mga bagong idinagdag na accessory at ipo-prompt ka ng mga ito na awtomatikong magpares sa mga accessory.
  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Google at pagkatapos ay Mga Device at pag-share at pagkatapos ay Mga Device at pagkatapos ay I-off ang Mag-scan para sa mga kalapit na device.
Tip: Para awtomatikong i-save ang mga device, i-on ang Awtomatikong i-save ang mga device.

Paano pinapangasiwaan ng Mabilis na Pagpares ang iyong data (Mga accessory na gumagana sa Mabilis na Pagpares lang)

Kinokolekta ng Google ang ilang partikular na impormasyon para mabilis na ipares ang iyong mga Bluetooth device sa mga device na gumagamit ng Google Account mo. Gumagamit ang ilang bahagi ng functionality na ito ng mga serbisyo ng Google Play. Halimbawa, kinokolekta ng Mabilis na Pagpares ang:

  • Personal na impormasyon para sa mga layunin ng functionality, tulad ng pangalang tawag mo sa isang Bluetooth device sa panahon ng pag-set up.
  • Data ng performance at impormasyon ng paggamit para sa mga layunin ng analytics.

Mag-opt out sa Mabilis na Pagpares

Naka-encrypt ang data na kinokolekta ng Mabilis na Pagpares habang ipinapasa. Puwede mo ring i-delete ang nakolektang data kapag nag-opt out ka sa Mabilis na Pagpares.

  1. Sa iyong telepono o tablet, buksan ang app na Mga Setting.
  2. I-tap ang Google at pagkatapos ay Mga device at pagbabahagi at pagkatapos ay Mga Device at pagkatapos ay I-off ang Mag-scan ng mga kalapit na device.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
6863835141773868440
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false