Magbahagi ng koneksyon sa mobile sa pamamagitan ng hotspot o pag-tether sa Android

Puwede mong gamitin ang mobile data ng iyong telepono para magkonekta ng isa pang telepono, tablet, o computer sa internet. Ang ganitong paraan ng pagbabahagi ng koneksyon ay tinatawag na pag-tether o paggamit ng hotspot. Puwedeng magbahagi ng koneksyon sa Wi-Fi ang ilang telepono sa pamamagitan ng pag-tether.

Puwedeng magbahagi ng mobile data ang karamihan sa mga Android phone sa pamamagitan ng Wi-Fi, Bluetooth, o USB.

Mahalaga: May ilang mobile carrier na naglilimita o nagdaragdag ng singil para sa pag-tether. Inirerekomenda naming magtanong sa iyong carrier.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 9 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

Patuloy na natututunan ng baterya ng Pixel ang iyong mga gawi at sarili itong nag-o-optimize batay sa pinakakamakailan mong paggamit ng app. Kapag nag-set up ka ng bagong device o pagkatapos ng pag-factory reset, puwedeng tumagal nang ilang linggo bago magkabisa nang husto ang pag-optimize. Para sa pinakamahuhusay na resulta, panatilihing naka-on ang Adaptive Battery at Pag-optimize ng Baterya.

Normal lang na ma-drain nang kaunti ang baterya ng iyong Pixel pagkatapos ng isang software update. Dahil ito sa nagsusumikap ang iyong telepono na ma-download at ma-optimize ang bagong software at na mapagana ang lahat nang maayos.

Kung nakakaranas ka pa rin ng kakaibang pagkaubos ng baterya pagkatapos ng ilang araw, ipaalam sa amin at ikalulugod naming tulungan ka.

I-on ang iyong hotspot

  1. Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. I-tap ang Hotspot Wi-Fi hotspot.
    • Kung hindi mo makikita ang Hotspot Wi-Fi hotspot, sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-tap ang I-edit I-edit at i-drag ang Hotspot Wi-Fi hotspot sa iyong Mga Mabilisang Setting.

Magkonekta ng isa pang device sa hotspot ng iyong telepono

  1. Sa kabilang device, buksan ang listahan ng mga opsyon sa Wi-Fi ng device na iyon.
  2. Piliin ang pangalan ng hotspot ng iyong telepono.
  3. Ilagay ang password ng hotspot ng iyong telepono.
  4. I-click ang Kumonekta.
Kung ayaw mong mangailangan ng password ang iyong hotspot:
  1. Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. Pindutin nang matagal ang Hotspot Wi-Fi hotspot.
  3. Sa ilalim ng "Seguridad," i-tap ang Wala.
Tip: Puwede mong ibahagi ang mobile data ng iyong telepono sa hanggang 10 pang device sa pamamagitan ng Wi-Fi hotspot.

Piliin kung paano magte-tether

Mag-tether sa pamamagitan ng Wi-Fi
  1. Mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  2. Pindutin nang matagal ang Hotspot Wi-Fi hotspot.
  3. I-on ang Wi-Fi hotspot.
Tip: Para hanapin o palitan ang pangalan o password ng iyong hotspot, i-tap ito. Posibleng kailanganin mo munang i-tap angI-set up ang Wi-Fi hotspot.
Mag-tether sa pamamagitan ng Bluetooth
  1. Ipares ang iyong telepono sa kabilang device.
  2. I-set up ang koneksyon ng network ng kabilang device gamit ang Bluetooth.
  3. Sa iyong telepono, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  4. Pindutin nang matagal ang Hotspot Wi-Fi hotspot.
  5. I-on ang Pag-tether sa pamamagitan ng Bluetooth.
Mag-tether sa pamamagitan ng USB cable
Mahalaga: Hindi puwedeng mag-tether ang mga Mac computer sa Android sa pamamagitan ng USB.
  1. Ikonekta ang iyong telepono sa kabilang device gamit ang USB cable. May lalabas na notification sa itaas ng screen.
  2. Sa iyong telepono, mag-swipe pababa mula sa itaas ng screen.
  3. Pindutin nang matagal ang Hotspot Wi-Fi hotspot.
  4. I-on ang Pag-tether sa pamamagitan ng USB.

Patagalin ang baterya habang nagte-tether 

  • Isaksak ang iyong mga device habang nagte-tether.
  • I-off ang mga koneksyon sa pag-tether kapag tapos ka na sa mga ito.
  • Kung mao-off ng iyong telepono ang hotspot mo para sa iyo kapag walang nakakonektang device, i-on ang setting na iyon.
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
14965672522017531610
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false