Ang Serbisyo ng Configuration ng Android Device ay pana-panahong nagpapadala sa Google ng data mula sa mga Android device. Nakakatulong ang data na ito sa Google na matiyak na nananatiling updated ang iyong device at gumagana rin hangga't maaari.
Anong data ang kinokolekta
Nangongolekta ang Serbisyo ng Configuration ng Android Device ng impormasyon mula sa mga Android device, kabilang ang:
- Mga identifier ng device at account
- Mga attribute ng device
- Mga bersyon ng software at software ng seguridad
- Data ng koneksyon sa network at performance
Kadalasan, kumokonekta ang mga device sa serbisyo ng Configuration ng Android Device sa bawat ilang araw. Maliban sa ilang data point (hal. Mga Timestamp), pinapanatili lang ng Serbisyo ng Configuration ng Android Device ang pinakabagong kopya ng impormasyong ipinadala mula sa iyong Android device, at pinapalitan ng bagong impormasyon ang nakaraang data kapag ipinadala ito ng device mo.
Ano ang ginagawa ng Google sa data na ito
Ginagamit namin ang data na nakokolekta namin mula sa Serbisyo ng Configuration ng Android Device sa iba't ibang layunin, gaya ng:
- Pagtulong na matiyak na nakakatanggap ang iyong device ng mga update sa software at patch ng seguridad: Halimbawa, ginagamit ang antas ng patch ng seguridad sa device mo para matukoy kung kailangan mo ng update.
- Tuluy-tuloy na pagpapagana ng mga app at serbisyo sa iba't ibang Android device na may iba't ibang detalye at software: Halimbawa, puwedeng gamitin ng Google Play ang mga attribute, tulad ng layout ng iyong screen, para matiyak na naiaalok sa iyo ang mga tugmang bersyon ng software.
- Pagprotekta sa iyong device at sa ecosystem ng Android mula sa panloloko, pang-aabuso, at iba pang mapaminsalang gawi: Halimbawa, para maprotektahan ang account mo, gumagamit kami ng mga identifier ng device para makatulong sa aming tumukoy ng kahina-hinalang gawi sa pag-log in.
- Pagpapanatili ng pinagsama-samang sukatan tungkol sa mga Android device: Halimbawa, gumagamit kami ng naka-anonymous na data tungkol sa kung paano kumokonekta ang mga device sa mga mobile network para ma-optimize ang trade off sa pagitan ng pagpapanatili ng koneksyon at pagpapahaba ng tagal ng baterya.
Puwede ko bang i-delete ang data na ito?
Dahil mahalaga ang data sa Serbisyo ng Configuration ng Android Device sa pagtiyak na maayos na gumagana at naa-update ang iyong device, hindi mo made-delete ang data kung ginagamit ang iyong device. Sinusunod ng Serbisyo ng Configuration ng Android Device ang Patakaran sa Privacy ng Google.
Kung magsa-sign out ka sa iyong Google Account o tuluyan mo itong ide-delete sa iyong Android device, hindi na mauugnay sa Google Account mo ang impormasyon ng configuration. Awtomatikong ide-delete ng Serbisyo ng Configuration ng Android Device ang iyong data pagkatapos ng panahon ng pagiging hindi aktibo.
Alamin kung anong data ang kinokolekta ng Serbisyo ng Configuration ng Android Device
Puwede kang mag-download ng kopya ng data ng Serbisyo ng Configuration ng Android Device na naka-link sa iyong Google Account. Matuto pa tungkol sa pag-download ng iyong data.
- Bisitahin ang page na I-download ang iyong data.
- Piliin ang Serbisyo ng Configuration ng Android Device, at isasama ang data para sa mga device na nauugnay sa iyong account.
- I-click ang Susunod.
- Piliin ang mga kagustuhan sa pag-archive.
- I-click ang Gumawa ng Archive.
Mga kategorya ng nakolektang data
Narito ang ilang halimbawa ng data na nakokolekta sa pamamagitan ng Serbisyo ng Configuration ng Android Device at kung para saan namin ginagamit ang mga ito:
Kategorya |
Mga halimbawa ng data |
Paraan ng paggamit ng Google sa data |
---|---|---|
Mga identifier ng device at account |
|
Para maprotektahan ang iyong account, gumagamit kami ng mga identifier ng device para makatulong sa aming tumukoy ng kahina-hinalang gawi sa pag-log in. |
Mga attribute ng device |
|
Puwedeng gamitin ng Google Play ang mga attribute tulad ng layout ng screen para matiyak na naiaalok sa iyo ang mga tugmang bersyon ng software. |
Mga bersyon ng system at software ng seguridad |
|
Ginagamit ang antas ng patch ng seguridad sa iyong device para matukoy kung kailangan mo ng update. |
Koneksyon sa network at performance |
|
Gumagamit kami ng naka-anonymous na data tungkol sa kung paano kumokonekta ang mga device sa mga mobile network para ma-optimize ang trade off sa pagitan ng pagpapanatili ng koneksyon at pagpapahaba ng tagal ng baterya. |
*Kung mahigit sa isang account ang naka-sign in sa iisang device, puwedeng hindi makita ang impormasyon ng Google Account sa pag-download ng data.