Pabilisin ang isang mabagal na Android device

Subukan ang mga hakbang sa page na ito kung ang iyong telepono ay:

  • Napakabagal tumakbo
  • Nagla-lag
  • Mabagal tumugon

Pagkatapos ng bawat hakbang, i-restart ang iyong telepono para makita kung naayos na nito ang isyu.

Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 8.0 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

I-troubleshoot ang pagiging mabagal ng iyong koneksyon

  1. Suriin ang mga setting ng iyong network at koneksyon. Alamin kung paano kumonekta sa internet.
  2. Kung nagkakaroon ka pa rin ng mga isyu sa koneksyon sa internet, makipag-ugnayan sa iyong administrator ng network, Internet Service Provider (ISP), o mobile carrier. 

I-troubleshoot ang iyong telepono para sa isyu sa pagiging mabagal

I-restart ang iyong telepono
  1. Sa karamihan ng telepono, pindutin ang power button ng iyong telepono nang humigit-kumulang 30 segundo, hanggang sa mag-restart ang telepono mo.
  2.  Sa screen, posibleng kailanganin mong i-tap ang I-restart I-restart.
Tingnan kung may mga update sa Android

Mahalaga: Puwedeng mag-iba-iba ang mga setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. Malapit sa ibaba, i-tap ang System at pagkatapos ay Update sa software.
    • Kung kailangan, i-tap muna ang Tungkol sa telepono o Tungkol sa tablet.
  3. Kapag lumabas ang status ng update sa iyong screen, sundin ang mga hakbang.
Tingnan ang storage at mag-clear ng espasyo
Sa karamihan ng telepono, matitingnan mo sa app na Mga Setting kung gaano pa kalaki ang natitira mong storage. Puwedeng magkakaiba ang mga setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.
Baka magkaroon na ng mga isyu ang iyong device kapag wala nang 10% ang bakanteng espasyo sa storage. Kung paubos na ang iyong storage, alamin kung paano magbakante ng espasyo.

I-troubleshoot ang mga app sa iyong telepono para sa isyu sa pagiging mabagal

Tingnan kung may mga update sa app

Tingnan kung available ang update para sa Camera app:

  1. Buksan ang Google Play Store app Google Play.
  2. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang icon ng Profile.
  3. I-tap ang Pamahalaan ang mga app at device.
  4. Sa ilalim ng "Available ang mga update," i-install ang anumang update na available para sa Pixel Camera.

Tingnan kung available ang Update sa System ng Android:

  1. Buksan ang app na Mga Setting ng iyong telepono.
  2. I-tap ang System.
  3. I-tap ang Mga Update sa Software.
  4. I-tap ang Update sa System.
  5. I-tap ang Tingnan kung may update.
Isara ang mga app na hindi mo ginagamit
Karaniwang magagawa mong sapilitang ihinto ang isang app sa pamamagitan ng app na Mga Setting ng iyong telepono. Puwedeng mag-iba-iba ang mga setting depende sa telepono. Para sa higit pang impormasyon, makipag-ugnayan sa manufacturer ng iyong device.

Tip: Para makatulong na matukoy kung aling mga app ang nagdudulot ng mga problema, gumawa ng listahan ng mga app na sapilitan mong ihihinto.

Alamin kung dulot ba ng app ang iyong problema

Mag-restart sa safe mode

Mahalaga: Pansamantalang ino-off ng safe mode ang lahat ng na-download na app.

Magkakaiba ang pag-restart sa safe mode depende sa telepono. Para malaman kung paano mag-restart ng telepono sa safe mode, bisitahin ang site ng suporta ng iyong manufacturer.

Tingnan kung maaayos ang problema

Tingnan kung maaayos ang problema. Kung maaayos nito ang problema, malamang na isang app ang nagdudulot ng iyong problema. Pumunta sa susunod na hakbang. Kung hindi maaayos ang problema, lumaktaw sa Advanced na pag-troubleshoot.

I-restart ang iyong telepono tulad ng karaniwan mong ginagawa at suriin ang mga app

  1. I-restart ang iyong telepono.
  2. Paisa-isang alisin ang mga kamakailang na-download na app. Alamin kung paano mag-delete ng mga app.
  3. Pagkatapos ng bawat pag-aalis, i-restart ang iyong telepono tulad ng karaniwan mong ginagawa. Tingnan kung nalutas ang problema sa pamamagitan ng pag-aalis sa app na iyon.
  4. Pagkatapos mong alisin ang app na naging dahilan ng problema, puwede mo nang idagdag ulit ang iba pang app na inalis mo. Alamin kung paano mag-install ulit ng mga app.

Advanced na pag-troubleshoot

Pag-isipang i-reset ang iyong telepono sa mga factory setting
Mahalaga: Kapag nag-reset ng factory data, mabubura ang lahat ng data sa iyong telepono. Puwede mong i-restore ang anumang data na naka-store sa iyong Google Account, pero maa-uninstall ang lahat ng app at nauugnay na data nito. Bago ka magsagawa ng pag-reset ng factory data, i-back up ang iyong telepono.

Mga Tip:

  • Kung hindi tumutugon o nananatiling blangko ang iyong telepono, puwede mong gamitin ang mga button ng telepono mo para mag-trigger ng pag-reset ng factory data.
  • Kung isang app na na-download mo ang naging dahilan ng isyu at ii-install mo ulit ang app na iyon, posibleng bumalik ang problema.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8923408856387947942
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false