Mag-ayos ng Android device na hindi nagcha-charge o nag-o-on

Gamitin ang mga hakbang sa page na ito para ayusin ang mga sumusunod na problema sa iyong telepono:
  • Hindi nag-o-on
  • Itim o blangko ang screen
  • Nag-o-on pero hindi nagbabago
  • Nag-o-on pero nag-o-off din kaagad

Pindutin ang power button

Una, subukang pindutin nang matagal ang power button ng iyong telepono nang 5-7 segundo. Kadalasan, nire-restart nito ang telepono.

I-troubleshoot ang iyong cable, power adapter, saksakan, at case

  1. Subukang mag-charge ng iba pang device gamit ang iyong power adapter at cable.
  2. Tiyaking nakakonekta nang maayos ang cable sa adapter at sa iyong telepono.
  3. Tiyaking walang kahit ano sa port ng iyong telepono, gaya ng alikabok o hibla ng damit.
  4. Subukang i-charge ang iyong telepono gamit ang iba pang cable o power adapter.

I-troubleshoot ang pag-charge ng iyong baterya

Isaksak ang iyong telepono gamit ang isang gumaganang cable, charger, at outlet, pagkatapos ay maghintay nang isang minuto.

  • Kung may nakikita kang icon ng baterya, nangangahulugan itong naka-off ang iyong telepono at nagcha-charge. Puwede kang mag-restart agad.
  • Kung may nakikita kang pulang ilaw, wala nang charge ang iyong baterya. Kung nagfa-flash ang pulang ilaw, walang sapat na charge ang baterya para mag-on. I-charge ang iyong telepono nang hindi bababa sa 30 minuto bago i-restart.
  • Kung wala kang nakikitang icon ng baterya o pulang ilaw pagkatapos mong isaksak ang iyong telepono, posibleng ang screen mo ang may isyu.

Tip: Puwedeng mag-iba-iba ang mga icon ng baterya at ilaw depende sa telepono. Para sa mga detalye ng iyong telepono, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo.

I-troubleshoot ang iyong screen

  1. Pindutin ang power button nang humigit-kumulang 30 segundo.
  2. Maghintay nang humigit-kumulang 2 minuto.
  3. Ipa-ring ang iyong telepono. Puwede mo itong tawagan mula sa ibang telepono o gamit ang Hanapin ang Aking Device. Alamin kung paano
  4. Kung magri-ring ang iyong telepono, alamin kung paano i-troubleshoot ang iyong screen. Kung hindi ito magri-ring, pumunta sa mga advanced na hakbang (sa ibaba).

Mag-troubleshoot gamit ang mga advanced na hakbang

Opsyon 1: Mag-troubleshoot sa pamamagitan ng pagkonekta sa isang computer
  1. Tingnan kung naka-on at nakasaksak ang iyong computer.
  2. Ikonekta ang iyong telepono sa USB o USB-C port ng computer mo gamit ang gumaganang cable.
  3. Maghintay nang humigit-kumulang 10–15 minuto.
  4. Idiskonekta ang cable sa iyong telepono, pagkatapos ay ikonekta ito ulit sa loob ng 10 segundo.
  5. Kung makakakita ka ng icon na baterya sa loob ng isang minuto, ibig sabihin, naka-off at nagcha-charge ang iyong telepono.
  6. I-charge ang iyong telepono nang hindi bababa sa 30 minuto.
  7. Pindutin nang matagal ang Power button hanggang sa mag-restart ang iyong telepono. Posibleng kailanganin mong i-tap ang I-restart I-restart .

Tip: Puwedeng mag-iba-iba ang mga icon ng baterya at ilaw depende sa telepono. Para sa mga detalye ng iyong telepono, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo.

Opsyon 2: Mag-troubleshoot gamit ang mga button ng iyong telepono

Habang nakasaksak ang iyong telepono, magkasabay na pindutin nang matagal ang button na pababang volume at power button sa loob ng hindi bababa sa 20 segundo.

Kung may nakikita kang pulang ilaw, wala nang charge ang iyong baterya.

  1. I-charge ang iyong telepono nang hindi bababa sa 30 minuto.
  2. Pindutin nang matagal ang power button sa loob ng ilang segundo.
  3. Sa iyong screen, i-tap ang I-restart I-restart.

Kung nakikita mo ang isang Android robot at ang salitang "Start" na may arrow sa paligid nito:

  1. Pindutin ang button ng pababang volume hanggang sa makita mo ang opsyong "I-off." Pindutin ang power button para piliin ang "I-off."
  2. I-charge ang iyong telepono nang hindi bababa sa 30 minuto. 
  3. Pindutin nang matagal ang power button sa loob ng ilang segundo.
  4. Sa iyong screen, i-tap ang I-restart I-restart, o pindutin nang matagal ang power button nang humigit-kumulang 30 segundo, hanggang sa mag-restart ang telepono mo.

Tip: Puwedeng mag-iba-iba ang mga icon ng baterya at ilaw depende sa telepono. Para sa mga detalye ng iyong telepono, makipag-ugnayan sa manufacturer ng device mo.

Mga kaugnay na resource

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
4688766130219057520
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
false
false